3

5.4K 126 22
                                    

Walang pumapasok sa isip ko habang nagdi-discuss ang teacher namin. Bwisit! Lunes na pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggal sa isip ko ang lalaking iyon! And not to mention, his smoking hot body. Ughh! Nakakainis! Lalo akong nagiging manyak dahil sa kanya!

"Ms. Luiz, are you listening?"

Natauhan lang ako nang tawagin ako ng professor namin. What the— Kanina pa ba ako tulala?

"Yes, Ma'am."

Pinanliitan niya ako ng mata dahil sa sagot ko. "It doesn't look like it. Go to the guidance office," malamig niyang sinabi.

"Pero, Ma'am!"

Aapila pa sana ako pero tinalikuran niya na ako at pinagpatuloy na ang pagdi-discuss. Napilitan na lang tuloy akong sundin siya.

This is just great! Una, napahiya at napa-absent ako dahil doon sa letseng lalaki ni Alexis. Tapos ngayon naman, napapunta sa guidance dahil na naman sa isang lalaki! Pag minamalas ka nga naman! Eto na ba ang karma ko dahil sa pakikipaglaro ko sa iba't ibang lalaki? Dahil kung oo, tangina, hindi na ko uulit.

Tamad kong nilakad ang kahabaan ng corridor papunta sa guidance office. Pagkarating ko roon, sinabi ko ang dahilan kung bakit ako pinapunta at binigyan lang ng paunang warning. Lumabas ako matapos iyon.

Ayoko nang bumalik sa classroom, dahil panigurado wala rin naman akong maiintindihan sa sasabihin ng teacher namin kaya naisipan ko na lang na pumunta ng gym at doon magpahangin.

Walang estudyante na naglalakad ngayon dahil may klase ang lahat. Pinagmasdan ko ang bawat classroom na madaan ko papuntang gym.

Malawak at maganda ang Greenridge University. Hindi tulad ng ibang eskwelahan, nakabase ito sa K to 12 kaya mas mahaba ang taon ng highschool kesa sa iba. Nasa 4th year naman na ako noong nagsimula ang program kaya hindi ko na rin masyadong naramdaman ang K to 12. Pero ngayong college na ako, napagtanto kong 22 na ko bago pa makagraduate kaya marami rin palang oras ang nasayang. Imbis na magtatrabaho na ko next year, heto ako at 1st year college palang.

Mabilis akong nakarating ng Gym at nadatnang wala itong tao. Yes! Alone atlas! Dito na lang muna ako tutal dito rin naman ang next class namin. Magpapalit na din muna ako ng PE uniform para mamaya ay set na ako.

Pumunta ako sa CR at hinanap ang locker ko doon. Buti na lang talaga walang tao kaya makakapagpalit ako ng damit ng mas maayos. Kapag kasi may mga kasabay ako, natatakot ako dahil baka biglang matanggal ang ipit ko o di kaya ang salamin ko, at baka mahalata nila na ako si Zenna, kaya doble ingat ako. Pero dahil wala, tinanggal ko ang salamin ko para mas mabilis na makapagpalit.

Pero mali yta ang desisyon kong iyon, dahil hindi inaasahang may pumasok ng CR.

"Shit!"

Nataranta ako kaya hindi ko na nakuha ang salamin ko sa locker, pero buti na lang ay nalagay ko doon ang ID ko bago ito masara. Agad bumalandra sa harap ko ang basa at nag-iinit na abs ng isang lalaki. Napako ang tingin ko doon pero natauhan din ako nang nagsimula siyang lumapit sa akin.

Napalunok ako at sinusubukang hindi tignan ang mukha niya. Basa kasi siya at tanging tuwalya lang ang suot.

Really, Serina? Ang dami ko nang nakitang katawan ng lalaki pero bakit ngayon para akong nangatog nang makita ko ang katawan nito? Dahil ba sa nag-iinit niyang abs? O sa nanlalagkit niyang muscles? Well kahit ano pa iyon, ang dapat ko na lang gawin ay umalis dito. Kasi shet! Natutukso ako!

"So... Dito ka pala nag-aaral, Z?" sabi ng isang malamig na boses.

Kinilabutan ako dahil sa boses niya. Kilala ko kung kanino iyon pero tiningala ko pa rin siya para makasigurado. At hindi nga ako nagkamali, siya iyong boyfriend ni Alexis.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon