14

3.2K 95 22
                                    


Ibinaba ako ni Azen sa Moonlight. Hindi ko alam pero parang galit sya kaya pagkababang pagkababa ko ay agad nyang pinatakbo ang sasakyan nya.


Ang sungit! Akala mo may dalaw. Nakisakay lang naman ako, akala mo naman napakahirap na ng ginawa nya.


Maya maya lang ay dumating na ang sasakyan ni Cloud. Audi... Ang poging tignan, kasing pogi nya. Agad akong tinamaan ng kaba.


Kaya mo yan, Serina! Kailangan mo lang naman syang iseduce. Maraming beses mo na yang nagawa! Just relax... Breathe in. Breathe out.

Sex goddess mode, on!


Lumabas sya at pinagbuksan ako ng pintuan, "Akala ko hindi mo na ko papansinin."

I gave him my sweetest smile, "I like you, Cloud. Kaya ako nandito."


Pagkapasok ko sa loob, dun lang ako nanginig. Holy shit! Ano bang nangyayari sakin?! Bakit ba lagi nalang akong ganito kapag andyan si Cloud?


"Saan mo gusto?"


Nag isip ako.

In seducing a guy, kailangan lagi kang may plano. Ikaw dapat ang magdidikta sa lahat. Ikaw dapat ang masusunod. You have to make him do what you want, or else, hindi mo sya mahahawakan sa leeg.


"How 'bout sa mall? Ang alam ko may fireworks display ngayon doon sa seaside."

"Zenna... is interested in fireworks?"

Tinaasan ko sya ng kilay, "It's romantic, Cloud. Malay mo doon pala ako mafall sayo?"

Natawa sya sa sinabi ko pero hindi na sya umangal, "As you wish."


Great. Now, for step two... Make him jealous.

Kahit na sya ang kasama mo, hindi mo dapat iparamdam agad na sya lang ang nasa isip mo. Make him feel that he's not the only one. Kapag napansin nya yun, he'll be the one to cling on you.


"Do you want to eat first? Mukhang mamaya pa magsisimula." Sabi nya nang makarating kami sa mall.

"Kumain na ko eh. Let's just go grab some drinks. Gusto ko dun." tinuro ko iyong open-bar malapit sa seaside na maraming tao. Specifically... boys. Napangiwi naman sya sa suggestion ko.

"Marami nang tao."

"Bar yan, Cloud. Of course maraming tao. Come on, let's go?"


Dire-diretso akong naglakad papasok. Sa pinakamalapit palang na table ay may tumawag na sakin. Nginitian ko naman sila.


Sige Cloud, magselos ka!


Umupo ako sa bakanteng table. Nauna ako kaya may lumapit agad nang nakitang mag isa ako.


"Hi miss! Alone?"


Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako kay Cloud na ngayon ay matalim na ang titig sa amin. Nang palapit na sya, tsaka ko lang hinarap ulit ang lalaki.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon