20

3.2K 90 11
                                    

Nang matapos akong mag ayos, lumabas na ako ng kwarto at nadatnang naghihintay doon si Cloud. It felt weird. Una, dahil hindi naman kami ganun ka close, at pangalawa, wala naman syang rason para gawin yun. Si Serina ako ngayon, kaya bakit nga ba nya ko kailangang hintayin?



"Kanina ka pa?"

Umiling sya tsaka nagsalita, "Ngayon lang din. Tara na?"

Tumango ako at sumunod sa kanya papunta sa lift.


Naglakad kami papunta sa banquet hall ng hotel. Bumungad sa amin ang amoy ng pagkain. Napakaganda ng ayos doon at napakarami din ng pagkain na pwede mong pagpilian. There were steaks, pastas, sushi, and different kinds of desserts. Pati mga inumin ay iba't ibang klase.


"Mauna ka nang umupo. Ako nalang ang kukuha ng pagkain."


Kahit medyo nag aalangan, tumango ako at sumunod nalang sa sinabi ni Cloud. Makalipas lang ang ilang minuto, dumating sya dala ang dalawang malaking pinggan.


"Ang dami naman nyan!" I said, surprised when I saw my plate filled with all kinds of food.

"Tama lang yan, para tumaba ka naman."

I pouted my lips. Tumawa naman sya nang makita ang reaksyon ko.

"You know what, you remind me of someone."

Nag angat ako ng kilay sa tanong nya, "Sino naman?"

Ngumiti lang sya at sinimulan nang kumain.


Weird. Kanina lang napakasungit nya sakin, tapos ngayon may pa ngiti ngiti na sya. Hindi nya ba alam na halos malaglag na ang panty ko sa bawat pag ngiti nya?

Tahimik kaming kumain ni Cloud. Paminsan minsan ay nagsasalita ako pero nauuwi rin sa katahimikan dahil wala syang ginawa kung hindi tumitig sakin at ngumiti. Para bang pinagaaralan nya ang bawat galaw ng mukha ko. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya.


"Alam mo, itigil mo na yan." I said when he lit a cigar.


Nandito kami ngayon sa fire exit. Tapos na kaming kumain pero ayaw pang bumalik ni Cloud sa kwarto nya dahil wala naman daw syang gagawin doon. Kaya sinamahan ko nalang sya dito.


"Masarap manigarilyo pag bagong kain." sabi nya naman pagtapos ay nagbuga ng usok.


Para akong naiinggit sa kanya. Hindi ko bisyo ang paninigarilyo, but I have to say that he's right. Masarap naman talaga. Pero pilit kong tinitiis ang sarili ko dahil nga hindi ako si Zenna ngayon.

Pinanood ko sya habang hinihigop at binubuga nya ang usok mula sa kanyang sigarilyo. Kung sa iba ay parang nakakaturn-off iyon, pero kay Cloud... hindi. He looks so damn hot.


"Hey Cloud... Talaga bang mahal mo si Zenna?" wala sa sarili kong tinanong.


Nanlaki nalang ang mga ko nang marealize ko ang sinabi ko. Tinignan nya ako at walang pag aalangang sumagot.


"Of course. I loved her the moment I saw her."

Namula ang pisngi ko dahil sa pagiging straightforward nya.

"G-Ganun ba?"


Hindi ko maiwasang maging masaya. Kahit na alam kong hindi naman talaga ako ang sinasabihan nya, natutuwa parin ako. Bigla ko tuloy naisip yung pagpapanggap ko para lang makaganti sa kanya.

Hindi ko alam dati kung bakit ko ginawa yun. Oo naiinis ako sa kanila ni Alexis, but that reason was too shallow. The main reason is... I wanted to prove something.


Gusto kong patunayan noon kay Cloud na hindi lahat ng gusto nya ay pwede nyang makuha. Oo gwapo sya, pero hindi yun dahilan para magmataas sya. Hindi nya kayang makuha ang lahat. Especially me.

Minahal nya lang ang kung anong maganda sa akin, kaya yun ang ipinakita ko sa kanya. Kapag minahal nya na ako, iiwan ko syang wasak. Guys who play with other people's heart doesn't deserve to be loved. Yun ang nasa isip ko noon.


Pero ngayon, ako tong tanga na nahuhulog sa kanya. I guess, Azen was right.

That I might get caught in my own trap. And now... I think I have.


Hinatid ako ni Cloud hanggang sa pinto ng aking kwarto. Nang makapagpaalam kami sa isa't isa, pumasok na ako. Pasara na ang pinto ko nang tumunog ng malakas ang aking cellphone. I laid my back against the door then answered Ice's call.


"Oh Ice, bakit?" tanong ko sa aking pinsan.

"Nasa Vigan ka na?"

"Yup. Kanina pa. Bakit?"

"Yun! Pasalubungan mo ko ha! Balita ko masarap daw ang bagnet at longganisa jan."


I burst into laughter after hearing what he has to say. Langyang lalaki to, akala ko naman kung anona! Gusto lang pala ng pagkain!


"Oo na. Kahit ano pang gusto mo!"

"Talaga?" he chuckled, "Asahan ko yan Sel ha! I love you na talaga!" he said while laughing.

"Patay gutom ka talaga. Sige na! Byeee... I love you too." sabi ko para sakyan ang trip nya.


Pinatay ko na ang phone pagtapos nun. I was on my way to bed when I heard loud bangs on my door. I cussed in surprise.

Mabilis akong pumunta sa pinto at binuksan iyon. Nagulat ako nang makita roon si Cloud na galit na galit.


"Cloud! Anong--"


Hindi na ko nakatapos sa pagsasalita nang bigla syang pumasok sa kwarto ko. Padabog nyang sinara ang pinto pagtapos ay ikinulong ako sa dingding sa pagitan ng mga braso nya. Biglang nanuyot ang lalamunan ko nang tumama sa akin ang nanlilisik nyang mga mata.


"C-Cloud--"

"Sino yun, ha?" malamig nyang sinabi.


Nanlamig ang buo kong katawan dahil lang sa tatlong salita na yun. Kahit kailan ay hindi ko pa sya nakitang galit na galit. I already saw him pissed, but not like this. Itsura nya palang, para na syang handang pumatay.


"A-Anong ibig mong s-sabihin?"

"Don't play dumb, Sel. I heard you. Nakikipagusap ka sa telepono pagtapos ay nag 'i love you' ka pa. Sige nga, sabihin mo. Ilan kami?"

My brows furrowed in confusion. Then my heart started beating faster than it already was.

Anong ibig nyang sabihin? Naguguluhan na ko.

"Hindi kita maintindihan Cloud--"

And just before I could finish, he attacked my lips. His warm mouth covered mine. I want to protest but my body seems to have a mind of its own. So I ended up responding to his kisses.

I felt my toes turned to jelly as it went deeper and deeper. We were out of breath when he decided to pull away.

"I knew it." he said while catching his breath.

I was shocked. Hindi parin ako makapaniwala na hinalikan nya ako. I mean, oo nahalikan nya na ko pero yun ay dahil ako si Zenna. Pero iba yung ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Cloud, but the fact that he kissed me while I'm Serina, really made me happy.

"Cloud... B-Bakit?" tanong ko, pilit na naghahanap ng sagot.

Ngumiti sya ng makabuluhan bago ako sinagot.

"You made me jealous, Sel. So I'm giving you your punishment."

Sabi nya bago pinaulanan ulit ako ng maiinit na halik.


Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon