28

2.6K 83 27
                                    

"Hi... Mom." nakangiting bati ko sa kanya.

Lumapit sya sakin at pagkatapos...

*Pak!

Lumapat sa mukha ko ang malakas nyang sampal. I felt numbness all over my face kaya hindi ko na nagawang lumingon sa kanya.

"How could you do this?! HOW COULD YOU EMBARRASS ME?! HINDI PA BA SAPAT NA NANGYARI NA TO NG ISANG BESES, AT PUMANGALAWA KA PA?!" sigaw nya sakin.

Dahil sa mga sinabi ni Mommy, bumalik sa akin yung mga alaala na pilit kong tinatakasan. Yung araw na nakipag away ako kay Leila... Yung araw na sinumpa nya ako... Yung araw na pinaghigantihan nya ako na naging dahilan ng pagkamatay ni Daddy.

Matagal kong pilit iniwasang mangyari ulit yun. Pero ngayon... Eto at naulit na naman.

"You're a disgrace to our family! A mistake!"

Malamig at may halong pagkamuhi ang pagkakasabi nya nun. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Agad ko 'yong pinunasan at tsaka tumawa ng mapait.

Sa lahat ng nangyare sakin sa araw na to, wala na sigurong mas sasakit pa dito. Pinahiya ako at sinaktan ni Alexis, iniwan sa ere ni Cloud, pero mas masakit pala na sabihan ako ng sarili kong ina na isa akong malaking pagkakamali.

Oo, alam kong marami akong naging kasalanan sa kanila. Sa pamilya namin. Pero hindi ko inaasahan na dadating ang araw, na sa bibig nya pa mismo lalabas ang mga salitang iyon.

"Then just erase me." mahina kong sinabi.

"Anong sinabi mo?"

Nilingon ko sya at nakita ang galit sa mga mata nya, "If I'm such a nuisance to you, bakit hindi mo nalang ako burahin sa buhay mo? Tutal isa lang naman akong pagkakamali, di ba? Ipatapon mo na ko! Kalimutan mo nang naging anak mo ko! Or better yet, patayin mo nalang ako--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nya akong sampalin ulit. Sa pagkakataong ito, mas malakas at mas masakit.

"HOW DARE YOU TALK TO ME LIKE THAT! NANAY MO KO! AT ANAK LANG KITA!"

Sarkastiko akong napatawa at napangiti sa sinabi nya, "Really? 'Cause as far as I can remember, hindi mo ako tinuring na anak. Mula noon, at lalo na nung namatay si Dad! Binalak mo pa nga dating ihiwalay ako ng school at bahay para lang hindi mo ako makita, eh! Ako lang tong tanga na nagmamakaawa sayo na dito ako pag-aralin! Nagpanggap pa kong pangit at hindi ka kaano-ano dahil lang gusto kitang makasama! Ginawa ko na ang lahat, Mom! I maintained my high grades, good records and low-profile just to make sure that I won't give you any problems! Just so I can be with you! But in the end, you still can't forgive me for what happened to Dad..."

Tuloy tuloy ang tulo ng luha ko pero hindi ko na iyon pinansin. Ang gusto ko nalang ay matapos na to.

"Kaya sige, Mom. Simula ngayon, hindi mo na ko makikita. I won't treat you as my mother. Kagaya ng pagtrato mo sakin."

Nanlaki ang mata ni Mommy dahil sa mga sinabi ko. Napaawang ang bibig at hindi na nakasagot pa. Nagulat siguro sya dahil hindi nya inaakalang masasabi ko ang mga yun. Pero hindi ko na yun pinansin dahil mabilis na akong tumakbo paalis. Ang gusto ko nalang ay mawala sa lugar na to.

Habang natakbo ako, nakita kong nakitingin sakin ang lahat ng tao. Mapa-estudyante man o guro. Pero ang taong gusto kong narito ngayon ay wala... Si Cloud. What's worse is that he's with someone else.

How nice. Well, I don't care... 'cause I won't give a damn anymore.

Simula ngayon, wala nang puwang sa puso ko ang lahat ng nanakit sakin. Dahil wala na yung Serina na nakilala nila.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon