30

2.2K 60 11
                                    

"Ok, that's enough, you two. Balik na kayo sa mga trabaho nyo."

Natigilan lamang ang dalawa nang magsalita na si Star. Unang sumuko ay si George pagtapos ay umalis na matapos magpaalam.

Nang makalayo sya ay tsaka lang binitiwan ni Azen ang palapulsuhan ko. Kunot noo nya akong nilingon pagkatapos.

"Wag kang basta bastang nakikipag-handshake sa iba." was the only thing he said before leaving. Dahil dun ay hindi ko na naman sya nakausap.

"Hay, nako! Yan talagang mga batang yan! Ang iinit ng ulo."

"Pasensya na po, Ma'am Star."

"That's alright, hindi mo naman kasalanan. Anyway, magkita nalang tayo bukas. Sa hapon ang shoot mo, okay?"

Umalis na rin si Star matapos nyang ipaliwanag sakin yung tungkol sa shoot. May mga kailangan pa daw kasi syang gawin.

Nang makaalis sya ay tsaka naman ako nilapitan nila Lewis at Nikka. Perehas na nagtataka ang mukha nila, siguro dahil sa nangyari.

"Bakit nandito si Red? Wala naman sya dito last week nung pumasok ako." ang pambungad sa akin ni Lewis na hindi ko rin nasagot.

"Let's just be happy na may trabaho na ko."

"Oo nga, pero unang partner mo si George." Lewis added.

Napalingon ako sa kanya. Nakasimangot sya at parang naiirita sa kung anong dahilan.

"Bakit? Crush mo?"

"Hell no!"

"Then what's the problem? Ano bang meron sa kanya?"

Nilingon nya ako na puno ng pag aalala. Hindi agad sya nakasagot at mukhang nag isip pa, bago bumuga ng malalim na hininga.

"Ayokong mang-akusa, Z. Basta mag-iingat ka nalang... He can be a total asshole, sometimes."

Hindi na nawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Lewis hanggang sa umuwi kami. Kung ano ano na rin ang naiisip ko dahil dun.

Yun kaya ang dahilan kung bakit ako pinigilan kanina ni Azen? Pero bakit?

Ano kaya talagang meron kay George?

* * *

Kinabukasan, maaga akong umalis ng school. Kahit na mamaya pang 5pm ang shoot ko, nagmadali na akong umalis pagkatapos na pagkatapos ng huli kong klase.

May mga klase pa si Lewis at Nikka kaya hindi ko na sila inistorbo. Mag isa na akong umuwi, nag ayos ng sarili at pagkatapos ay pumunta na ng agency.

Una kong nakita doon ay si Star na abala na sa gagamitin naming studio.

"Good afternoon, Ma'am Star!" bati ko pagkapasok sa kwartong gagamitin namin.

Nilingon ako ni Star at nginitian, "You're early, dear! Excited ka ata?"

"It's my first job, so... Yeah."

"That's good! Anyway, nasa kabilang kwarto na si George and some of the staff. Pwede ka nang pumunta dun at tignan ang mga susuotin nyo."

Tumango ako kay Star at ginawa ang sinabi nya. Pumunta ako sa kabilang kwarto at tama sya dahil nandito nga si George.

Alam kong sinabihan na ako ni Lewis na mag ingat, pero since may iba namang tao rito ay nilapitan ko sya. He's my partner, anyway. Lalapit at lalapit ako sa kanya kahit na ayaw ko.

"Zenna! Buti nandito ka na!" he said, smiling.

"Yeah, napa-aga lang."

"I see."

Umupo ako sa isang upuang malapit sa kanya. Pagkatapos nun ay may lumapit na sa akin, tinatanong ako kung gusto ko na ba daw ipaayos ang buhok ko, so I said yes.

Naging abala na yung babaeng nagtanong sa akin habang inaayusan ako. Maging ako ay nalibang sa kanya kaya hindi ko na napansin si George, not until lumapit sya sa akin at alukin ako ng kape.

"Coffee?"

Hindi ako makalingon sa kanya kaya nagpasalamat nalang ako at tinanggap ang kapeng binibigay nya. Ininom ko yun, at nang maubos ay tsaka rin natapos ang pag aayos sa akin.

Naging mabilis na ang mga sumunod na nangyari. Pinagbihis na kami at pinatawag ni Star para sa shoot. The first two was easy. Naging gamay ko ang ginagawa nang tumagal ito, pero nang sa pangatlong batch na ay nahirapan ako.

Hindi ko alam kung bakit pero unti-onting sumasakit ang ulo ko. Nahihilo rin ako sa di ko malamang dahilan, kaya hindi ko magawa ng maayos ang mga utos ni Star.

"What's wrong with you, Zenna! Kanina lang maayos ka, ha?!" inis na sigaw nya nang hindi ko na naman magawa ng maayos ang isang pose.

Nahihiya akong yumuko pagtapos ay humingi ng tawad sa kanya.

"Ayusin mo yang sarili mo! 15 minutes break, everyone!"

Wala na akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga dahil sa nangyari. Mabilis akong naghanap ng mauupuan dahil hilong hilo na talaga ako. Maya maya ay may tumabi naman sakin, which is George.

"Ayos ka lang?" tanong nya sa akin.

Tango lang ang tangi kong naibigay sa kanya dahil sa hilo ko.

"You don't look good. Hayaan mo, aalalayan kita mamaya sa shoot. Ako na bahala."

Hindi na ako nakasagot sa kanya, pero kagaya nga ng sabi nya ay inalalayan nya ako sa shoot. Sya na halos ang nagdala kaya kahit nahihilo ako ay natapos namin ang shoot. Star's not satisfied with it, though. Pero pinalagpas nya na.

Matapos ang shoot, nagpaalam na agad ako sa kanila para makaalis. Pumayag naman ang staff pati si Star kaya naglakad na ako palabas ng agency at papunta sa parking lot.

Hilong hilo parin ako, so I texted Lewis para sana magpasundo dahil hindi ko talaga kayang magdrive ngayon. Pagtapos nun ay pinatunog ko na ang kotse ko. Dito ko balak maghintay kay Lewis. Pero bago ko pa mabuksan ang car door ay may pumigil na sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nagpumiglas ako pero dahil sa hilo ko ay nanghihina ang katawan ko. Tinakpan rin ng pumigil sakin ang bibig ko kaya hindi ako makasigaw.

"Hi, Z. Patikim naman, oh."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ng may hawak sakin. Nasa likuran ko sya kaya hindi ko makita ang mukha nya, pero sigurado ako!

Si George to!

"Come on, wag ka nang lumaban. Madalas mo namang gawin to dati, hindi ba? Isang beses lang, tapos kakalimutan nating nangyari to..."

Ano bang sinasabi nya?! Nahihibang na ba sya?!

Sa pangalawang pagkakataon, sinubukan kong kumawala sa kanya. Nagawa ko yun, pero nahawakan nya rin agad ako.

Sinandal nya ako sa kotse ko tapos ay binuksan ang car door. Pagtapos nun ay marahas nya akong hiniga sa loob at pinaibabawan.

"Isang round lang, Z. Hayaan mo lang akong matikman ka."

Nangilabot ako sa sinabi nya. Hindi ko na alam ang gagawin kaya napapikit nalang ako at napaluha.

Please, anyone... Help me.

"Just one round..."

Tinanggal nya ang kamay nyang nasa bibig ko tapos ay pilit akong hinalikan. His free hand roamed all over my body, na talagang nagpataas ng mga balahibo ko. Dahan dahan nya ring binubuksan ang mga botones ng damit ko, at dahil sa hilo ko ay wala na akong nagawa.

Hinayaan ko nalang na gawin nya ang gusto nya habang unti-onti nang nawawala ang malay ko. He was able to unbutton my blouse and unhooked my bra, pero sa kalagitnaan ay tumigil sya sa di ko alam na dahilan.

Nagawa kong balingan ng tingin ang pwesto nya. May naaninag akong isa pang lalaki doon, pero agad ring nawala ang malay ko hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon