18

3.1K 85 7
                                    

Nagising ako kinabukasan sa amoy ng kape. Tinignan ko ang sarili ko at nalamang iba na pala ang soot kong damit. Nilibot ko rin ang mata ko sa di pamilyar na kwarto kung saan ako naroon.


Ugh, my head hurts like hell. Parang pinupukpok na binibiyak na hindi ko maintindihan. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero walang napasok sa isip ko dahil sa sobrang sakit.

I guess I did it with someone, base sa itsura ko ngayon. Hindi ko nga lang alam kung sino. Pero kung sino man sya, I better thank him for saving my drunk ass last night.


I wrapped myself up with a blanket. Lumabas ako ng kwarto at diretso akong naglakad sa kitchen kahit na hindi ko naman alam kung kaninong condo to.


"Gising ka na pala. Breakfast is ready."


Nanlaki nalang ang mata ko nang si Azen ang makita sa kitchen. Topless sya pero may suot na apron. Tapos yung buhok nya ay gulo gulo pa. Halatang bagong gising din.


"Wait! Ikaw yung-- Sayo to--" I stuttered. Hindi ko alam ang sasabihin ko.


WHAT THE HELL HAPPENED LAST NIGHT?!

Paano ako napunta dito sa condo nya? Paano ako nagpalit ng suot? Anong ginawa ko kagabi?!


"Mamaya ka na mag isip. Kumain ka muna at inumin mo tong gamot."


Hindi na ko nagsalita pa. Sinunod ko nalang ang sinabi nya.

Buong umaga akong tulala. Habang nakain kami, nung umuwi ako, hanggang nung ihatid nya ako sa school. Pilit ko kasing inaalala ang lahat.


Naalala ko na yung nangyari sa Eclipse. Pati kung paano ako nakapunta doon at nung nag inuman kami. Naalala ko rin nung sumuka ako. Pero shit! Pagtapos nun, wala na!

Blangko!

Ugh! Nakakainis!

May nasabi kaya ako? May nangyari kaya samin? Oh God, ano kayang kagagahan ang ginawa ko kagabi?!


Nang tumigil ang sasakyan ni Azen sa tapat ng school, tsaka lang ako nagkalakas ng loob na tanungin sya. Wala rin namang mangyayare kung pipigain ko ang utak ko kakaisip. I need answers!


I cleared my throat bago nagsalita, "What happened last night?"

Nakita ko ang pag irap ni Azen.

What the! At iniirapan nya na ko ngayon!

"Sabi na nga ba eh." simple nyang sinabi.

Nice. Napakalaking tulong nun.

"Sagutin mo nalang ako! Huli ko kasing naaalala ay yung sumuka ako. Tapos wala na! Tell me, what happened last night?"

Nakakunot ang noo nya nang lingunin ako, "Wala ka talagang maalala? Kahit isa sa mga nangyare?"

Napalunok ako at unti unting umiling.


Please... Tell me I didn't stripped naked. Tell me I didn't embarrassed myself.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon