17

3.2K 94 18
                                    

"Ano ba yan, tumigil ka na nga!" inis na sabi sakin ni Azen.


Andito ako ngayon sa condo nya pagkatapos kong magpasundo. Gusto ko kasi ng makakasama. Sya naman agad ang naisip ko, kaya sya ang tinawagan ko.


"Tinitignan ko lang naman!"

"Tss." inirapan nya pa ako tapos ay kumuha ng damit.


Pagkapasok ko kasi ng condo nya, napansin ko agad ang tambak tambak na dvds nya. Kaya ayun at hinahalungkat ko. Baka mamaya may porn sya dito.


"Oh eto, suotin mo." sabi nya pagkatapos ay naghagis sakin ng puting tshirt.

"Thanks! Wala ka bang porn dito, Azen? Nang may mapanood naman tayo."

Inis nya akong tinignan, "Wala!"


To naman, ang sungit! Niloloko ko lang naman. Kung hindi lang sya lalaki, aakalain kong may PMS sya.


Umupo ako sa sofa nya pagtapos kong magbihis. Bukod sa undies ko, tanging tshirt nya lang ang soot ko dahil yun lang ang binigay nya. Buti nalang at malaki to kaya mukha na naman akong nakadress.

Nakita kong kumuha sya ng dalawang can ng Heineken sa ref at tsaka tumabi sakin. Binigyan nya naman ako ng isa.


"Ano ba kasing nangyari? Bakit basang basa ka kanina? Hindi mo ba alam na pwede kang magkasakit dahil dun!" inis parin ang itsura nya.

"Wala. Napagtripan lang ng mga pinsan ko. Tsaka kaya nga kita tinawagan eh, para makahiram ng damit."

"What the-- Nasa tapat ka ng bahay nyo kanina! Bakit hindi ka nalang umuwi para magpalit, tapos tsaka mo ako pinapunta?!"

Napapikit ako sa sigaw nya.


Seriously, bubungangaan nya nalang ba ako buong gabi? Pwede na syang magpare as dami ng sermon na alam nya eh.


"Ayaw ko nga kasing pumasok sa loob. Okay? Uminom ka nalang jan at wag akong pansinin."

Inirapan na naman ako ng mokong.

Bahala na sya jan. Iinom nalang ako.


Binuksan nya ang tv at nagsalpak sya doon ng flash drive para makanood ng movies. Matutuwa na sana ako kaso lang nagloko ang flash drive nya.


"Ano ba yang flash drive mo Azen! Walang kwenta!" ininom ko ang huling lagok ng Heineken at tsaka inabot sa kanya ang can, "Oh, bumili ka nalang neto, nang may pakinabang ka."

"Wow. Libre lang mahiya, Serina! Wag mong tipirin!"

Sinamaan ko sya ng tingin, "Bibili ka ba o hindi? Aalis ako dito kapag walang alak."

"Tss! Oo na! Ang sakit mo sa ulo!"

Napangisi ako, "Anong ulo? Yung sa taas, o sa baba?"

Nanlaki ang mata sya sinabi ko.

"BWISET!"


At pagtapos nun, padabog syang nagmartsa paalis ng condo nya. Humagalpak nalang ako sa tawa.


Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon