19

3K 81 15
                                    

Hanggang sa naglunes ay masungit parin ang pakikitungo sa akin ni Cloud. Kung dati ay nagrereply sya kapag may news ako about Zenna, ngayon hindi na. Halos hindi nya rin ako pansinin kanina nang pumasok ako. Para pa syang nandidiri sa akin dahil panay ang iwas nya.

Yung totoo... Ano bang nasinghot ng isang yun? Kung makapagsungit, daig pa ang nagmemenopause. Talo pa nya ang mommy ko!

Ibang klase...


"FCL 1B, bus number two kayo!"


Nilingon ko ang class president na sumigaw pati narin ang bus na sasakyan namin.

Ngayon ang tour namin papuntang Vigan. Actually, para iyong recollection dahil request ito ng catechist namin. Dahil catholic school ang Greenridge, pumayag ito at ginawa nalang tour para sa lahat ng sakop ng subject na tinuturuan nya.


"Kumuha kayo ng number dito. Tapos pwede na kayong umupo sa seat na nakuha nyo."


Nag abot sya samin ng isang box at isa isa kaming pinabunot. Para daw hindi maging unfair ang pagkuha ng upuan.

19 ang nabubot ko.

Chill akong naglakad papasok ng bus habang nakikinig sa iPod ko. Pero nang makita ko ang uupuan ko, para akong biglang nanlambot.

Ang upuan ko ay number 19... katabi ng 18 na ngayon ay inuupuan ni Cloud.


Yung totoo, nasa wow mali ba ko? Pwede na kayong lumabas, mukha na kong tanga dito oh! Punyemas... Kapag sunuswerte ka talaga!

Oo gusto ko syang makatabi, pero shet na malagket! Nag PPMS ata yang lalaking yan ngayon eh!

Okay Serina... Hinga ka lang. Wag kang magpaapekto. Wag kang magpaapekto!


I ignored his intense stare. I didn't even throw him a glance. Tuloy tuloy lang akong umupo sa seat ko. At nung makaupo ako ay mabilis akong lumingon sa bintana na nasa gilid ko para iwasang makausap sya.

Dalawa lang ang upuan kaya no choice ako kung hindi ipirmi ang tingin ko sa labas. Kahit halos magka-stiff neck ako ay tuloy parin.

Buong byaheng nasa tanawin ang atensyon ko. Isinandal ko ang aking ulo sa bintana nang makaramdam ng antok. Lalo pang nakapagpaantok sakin ang kanta sa earphones ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.


"Hmm..." I smiled when I felt something massaging my thighs.


It feels so good. Para akong narerelax sa bawat paghagod nya. But then my brows furrowed when realization struck me.

Ano nga ba yung nahawak sakin?

I opened my eyes only to find Cloud's hand caressing me there. I felt an intense heat rushed through my body. My heart started pounding so hard that I can almost hear it.

What the hell is he doing?!


"C-Cloud..." I said, almost like a moan.

"Shh... you'll wake them up." he answered.


Iginala ko ang mga mata ko at nakitang tulog na ang lahat ng kasama namin sa bus. Tanging ang driver nalang at ang substitute driver na nasa harap nalang ang gising. Madilim narin sa labas.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon