13

3.4K 90 19
                                    


"You sure you wanna go? Pwede ka namang magpahinga nalang dito kung ayaw mo sa inyo."

"Wag na. Masyado na kong nagtagal dito. Tsaka mas narerelax ako sa labas." sinabi ko habang inaayos ang buhok ko.


I'm really exhausted. Ikwento ko ba naman ang buong buhay ko. Pero ayaw ko naman magtagal dito sa condo ni Azen. At lalong ayaw kong umuwi sa amin kaya niyaya ko nalang syang lumabas. Pumayag naman sya kahit na medyo nag aalangan.


"Saan tayo?" tanong nya nang makapasok kami sa sasakyan nya.

"Moonlight. Or maybe Craft? Ikaw na bahala."

"Roger that!" tsaka nya pinaandar ang sasakyan.


Tahimik lang sya at diretso ang tingin sa kalsada. Naninibago na nga ako kasi hindi naman sya ganyan dati.

Sa sobrang bored ko, kinuha ko nalang ang phone nya na nakalawit lang naman sa drawer. Hinayaan nya naman ako.


"Wala kang password?"

Bahagya nya akong sinulyapan tsaka ibinalik ang tingin sa kalsada, "Para saan pa? Kapag may password, tatanungin nyo din naman. Useless."


Natawa nalang ako. Oo nga naman!


Tinignan ko ang messages nya. As usual, puro babae ang laman nun. Napaisip tuloy ako...

Hindi kaya sya nagsasawa sa babae? Hindi kaya sya nabobored na puro yun nalang ang inaatupag nya? Well, hindi ko naman sya makukwestyon. He's a playboy. At yun lang naman ang trabaho ng mga katulad nya... Ang mambabae.


"Wala ka bang balak mag girlfriend? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pambababae?"

Nilapag ko ang cellphone nya at naghintay ng sagot.

"Nagsasawa din. Kaya nga tumigil na ko eh."

"Tumigil? Kelan pa?"

"Nung sinabi mo. Remember?"

Kumunot ang noo ko.


May sinabi ako? Kelan yun? Hindi ko maalala. Binalikan ko yung mga nangyare at inisip kung kelan nangyari yun.


"Ah! Nung nasa bar tayo?"


Tumango sya.

Tss. Bakit naman sya titigil dahil lang sinabi ko? Tsaka hindi naman yun seryoso. Gusto ko lang naman na hindi sya mambabae in public para hindi sya makita ni Cloud.


"That's not what I meant. Ayaw ko lang masira ang plano. You can still date other girls." Err... In secret? Pwede sila sa condo nya or somewhere else. Ugh! Bakit ba iniisip ko palang, naiinis na ko?

"Really?" lumiwanag ang mukha nya. Akala mo batang binigyan ng candy. Kainis!

"Y-Yeah sure!"


Tumingin ako sa labas at napansing nakarating na pala kami. Dinala nya ako sa Craft, isa ring sikat na bar. Dito palang ay rinig na rinig ko na ang malakas na trance music. I can tell.. The party is at it's peak.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon