26

2.3K 62 12
                                    

Serina's POV

Naglakad ako papalapit kay Cloud na naghihintay para sa akin. Naka plain-white tshirt sya, dark pants at snickers pero hindi mo mapagkakaila ang kagwapuhan nya. Hindi ko talaga magets kung bakit ang lakas ng dating nya kahit sa simpleng mga damit.

"Sorry, I'm late!" pambungad ko.

Napalingon sya sakin at ngumiti. Dahil dun ay lumabas ang dimples nya na lalo pang nakapagpagwapo sa kanya.

Kainis!

"Ok lang. Kararating ko lang." malambing nyang sinabi pagtapos ay inabutan ako ng isang boquet ng rosas, "Happy 4th, Z."

"Happy 4th, C."

Magbilis ko syang niyakap na nakapagpatawa naman sa kanya.

Yes, today's our 4th monthsary. At ang mas masaya pa doon? Valentine's Day din ngayon. So it's a double celebration kaya pinaghandaan namin.

"Salamat sa flowers." nakangiti kong sabi bago kunin ang boquet.

"Anything, for my girlfriend."

Kinuha nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Nasa isang Mall kami ngayon at dito namin naisipang icelebrate ang monthsary namin.

Everything is perfect! Kagay lang ng inimagine ko kagabi. Yung bibigyan nya ako ng bulaklak, maglalakad kami na magkahawak ang kamay, tapos...

"Ay! Girlfriend nya yun? Sayang naman."

"Ang gwapo nya tapos ganyan lang ang jowa nya?"

"Love is blind nga naman."

...Tapos walang ganito.

Sige lang mga te. Magchismisan pa kayo. Wala akong tenga, hindi ko kayo naririnig.

"Don't mind them."

Rinig kong bulong ni Cloud. Siguro ay napansin nyang pinaguusapan na kami.

Paano naman kasing hindi. Ayan sya, napakagwapo sa isang simpleng tshirt. Samantalang ako, thick-framed glasses, ponytail, na tinernohan ko pa ng outdated shirt at palda. San ka naman?

"Ok lang. Sanay na ko."

Nilingon ako ni Cloud at napabuntong hininga, "Bakit ba kasi nagpapanggap ka pa? I really don't get it."

"I already told you, ayaw kong magkaroon ng kaaway sa school. I want my records clean. Kung hindi naman ako mag aayos ng ganito kapag nasa labas tayo, iisipin lang nila na two-timer ka."

"Pwede naman kitang ipagtanggol sa school kung iyon lang ang inaalala mo." aniya sa isang malamig na tono.

Napabuntong hininga narin tuloy ako.

Ayokong masira ang araw namin kaya hindi na ako sumagot kay Cloud. Lately kasi, palagi naming napag aawayan ang pagpapanggap ko.

Tanggap nya iyon nung una pero ngayon ay nahihirapan na daw sya. Bukod kasi sa hindi nya ako maipakilala bilang girlfriend nya kapag ako si Zenna, hindi nya rin ako malapitan kapag may ibang tao. So I had to dress up as Serina the nerd kapag lumalabas kami.

Pinaliwanag ko na sa kanya kung bakit ako nagpapanggap pero hindi nya daw kasi ako maintindihan. Well, I can't blame him. Dahil hindi ko rin naman masabi ang totoong dahilan.

Hindi ko masabi na ginagawa ko ito dahil sa isang tao. Hindi ko masabi na kaya ako umiiwas sa kaaway ay dahil may ayaw akong uliting pagkakamali.

Ewan ko, siguro natatakot lang ako na malaman nya ang totoo...

Pero kay Azen nasabi ko.

Ugh! Bakit ba naiisip ko na naman sya!

"Let's not talk about it, okay? Magsaya nalang tayo ngayon." malambing kong sinabi para matanggal ang inis nya. At gumana naman yun.

Dinala ako ni Cloud sa isang mamahaling restaurant. Elegante ang loob noon at pagpasok mo palang ay aasikasuhin ka na agad ng mga staff.

"Big time ka na ba ngayon, C?" pang aasar ko kay Cloud dahil sa napili nyang restaurant.

Napatawa naman sya habang hawak ang silya ko na inayos nya, "Baliw ka talaga."

"Baliw sayo."

Malaki ang ngiti ko nang umupo ako dahil sa magandang takbo ng araw namin ni Cloud. Pero sa isang iglap ay naglaho ang ngiting iyon... Nang may makita akong pamilyar na tindig.

H-Hindi pwede. W-Wala na sya, diba?

Napako ang tingin ko sa lalaki na nakatayo lamang sa katapat na restaurant, nakatalikod sya at medyo malayo pero mabilis na nakuha nun ang atensyon ko.

"Z, ayos ka lang?"

"H-Ha?"

Shit! Kanina pa ata ako tulala!

"Tinatanong kita kung ano yung order mo, pero hindi ka nasagot. May problema ba?"

Mabilis kong binalingan ulit ng tingin yung lalaki sa kabilang restaurant. Nang makita kong naroon parin sya ay tsaka ako humarap kay Cloud.

"W-Wala... Ayos lang ako."

Pero ang totoo ay hindi ako mapakali dahil sa lalaking iyon. Dumating ang mga pagkain namin at nagsimula kaming kumain pero ang buong atensyon ko ay naroon parin sa lalaki. Ni hindi ko na makausap si Cloud dahil sa kanya.

Nang matapos kaming kumain, kasabay noon ang pagtayo nung lalaki sa kabila. Dahil tuloy doon ay hindi ko sinasadyang mapatayo rin na ikinagulat ni Cloud. Nang mapagtanto ko ang aking ginawa ay mabilis ko syang nilingon.

"C-Cloud. I'm sorry--" gusto ko sanang magsorry at magdahilan na magc-cr muna ako pero mabilis nya kong pinutol.

"Ano bang problema, Z? Kanina ka pa ganyan. Simula nang dumating tayo dito ay tulala ka na."

"C-Cloud kasi--"

"Alam mo, pinagbigyan na kita kanina pero nasa ibang lugar na yata ang utak mo, Z. We're having a date pero kung ano ano yang iniisip mo."

Padabog na ibinaba ni Cloud ang mga kubyertos na hawak nya. Kinuha nya ang wallet nya at naglapag ng pera sa lamesa namin. Pagtapos nun ay tumayo narin sya at naglakad na papalabas ng restaurant. Dahil dun ay napatingin ako sa lalaking kanina ko pa pinagmamasdan at nataranta nang naglakad na rin ito palayo.

"C-Cloud! Teka!"

Mabilis kong hinabol si Cloud na lumiko sa kanang bahagi ng mall. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil yung lalaki naman ay sa kaliwa naglakad.

Ano nang gagawin mo, Serina?

Hahabulin mo ba si Cloud? O... Yung lalaki na kahawig ni Azen?
 
~ • ~

Pasensya na sa matagal na update! Nasira kasi ang phone ko, guys. Medyo mahihirapan na rin akong nag update dito pero susubukan kong tapusin na agad to. Pasensya na rin pala sa lame update. Matagal akong di nakapagsulat kaya na-stock ang brain ko 😂

Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa at naghihintay ng updates dito! 😘

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon