35

1.5K 48 20
                                    

"Z..."

I smiled at Cloud when he called me.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Ang mga kamay ko ay nanginginig dahil bukod sa nakita ko na siya ng harapan, ngayon na lang ulit kami makakapagusap simula nang maghiwalay kami. Pero ang mahigpit na pagkakahawak ni Azen sa kamay ko ang nagbigay sa akin ngayon ng tapang.

I won't cry like last time. I won't let myself breakdown because of Cloud.

"Long time no see... Cloud. Alexis."

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Azen dahilan para mapatingin si Cloud doon. Pero mabilis din niyang nilipat sa akin ang tingin niya.

"Yeah," tipid niyang sinagot.

"K-kasama ka pala rito, Zenna?" tanong naman ni Alexis na sinagot ni Lewis.

"Oo. Bakit? May problema ka ba do'n?"

Umiling si Alexis pagtapos ay kumapit sa beywang ni Cloud na para bang gusto na siyang yayain na umalis, pero nanatili si Cloud sa kinatatayuan niya. He has this serious-looking eyes, na parang nanghahamon. Hindi ko iyon napansin dahil nagsalita si Alexis, pero nang natahimik ang lahat, doon ko lang nalaman na kanina pa pala masama ang titigan ni Azen at Cloud.

Unti-onti ko nang nararamdaman ang tensyon kaya ako na ang nagsalita at nagpaalam sa kanila na aalis na kami. Pero kahit na nahiwalay kami sa kanila, hindi pa rin nawala ang tensyong binigay nila sa amin. Lewis is still freaking out even when we're already in our room. Azen, on the other hand, was awfully quiet. Pero kahit na gano'n, alam kong big deal din sa kanya na nandito sila Cloud.

Dahil siya ang nakakaalam ng lahat ng naramdaman at pinagdaanan ko. And of course, it's because he's now my boyfriend.

"Azen," pagtawag ko sa kanya nang maiwan kaming dalawa sa kwarto.

Nasa balcony siya ngayon at nakatingin sa labas. Nang hindi siya lumingon ay ako na ang lumapit sa kanya pagtapos ay niyakap siya mula sa likod.

"Are you mad?"

Isang buntong-hininga ang ginawa niya bago siya sumagot, "No, baby... Why would I be?"

Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya pagkatapos ay inilipat niya ako sa harapan niya. Ngayon, siya naman ang nakayakap sa akin.

"Kasi nandito si Cloud... Kasi kinausap ko siya."

He chuckled softly under my ear, but I sensed no humor in it.

"Hindi ako galit dahil kinausap mo siya. Hindi rin ako galit na nandito siya dahil hindi naman natin alam. I'm just... Worried."

"Why?" tanong ko pagkatapos ay hinarap siya.

Malumanay akong tinitigan ni Azen. His light-brown eyes became lighter because of the sunlight. Hindi ko tuloy mapigilang purihin siya sa aking utak. He looks so good even when he's troubled.

"Dahil magkakasama kayo sa shoot. Fuck, kung alam ko lang sana sumali na lang din ako."

"Trabaho lang naman iyon. Hindi mo kailangang mag-alala." sinabi ko para pagaanin ang loob niya pero natahimik ako sa sumunod siyang sinabi.

"Hindi iyon dahil lang doon. I'm not jealous or anything, Serina. I'm worried because your feelings for him might come back because of the shoot. Dahil kahit hindi mo sabihin, alam ko naman na mahal mo pa rin siya. Deep inside, I know you're still in love with him."

Kumabog ang dibdib ko. Nanlamig ang katawan ko na para bang nahuli akong gumagawa ng masama. Alam ko naman na alam ni Azen na hindi pa ako tuluyang nakakamove-on kay Cloud, pero ang marinig iyon sa kanya... It's terrifying.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon