29

2.2K 74 13
                                    

"Bakit hindi nyo sinabi sakin! Para tuloy akong tanga kanina! I feel like a total idiot!"

Sa sobrang inis, parang gusto ko na tuloy sabunutan ang sarili ko habang kinukwento kela Lewis ang nangyari...

"Serina..."

Seryosong pagkakabanggit nya. Diretso ang tingin nya sakin. Hindi iyon naiilang di katulad ng mga titig ko sa kanya.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko at sabihin lahat ng naiisip ko. Katulad ng: Kamusta na sya? O kaya, bakit sya umalis? Pero lahat ng nadaloy sa isip ko ay hindi man lang na isa-tinig ng labi ko.

Hanggang sa nasabi ko nalang ang isang walang ka kwenta kwentang bagay...

"A-Azen... Long time no see!"

Lalo na namang uminit ang ulo ko nang maalala ang sandaling yun.

Oo, hindi ko nakausap si Azen! Yun lang ang nagawa kong sabihin: Long time no see. Kingina! Ang galing ko! Tapos dahil pa sa interruption nung prof namin, hindi ko na nagawang lapitan si Azen matapos ang paghaharap naming iyon, kaya nagkunwari nalang ako na hindi ko sya napapansin throughout the whole day. At oo, alam ko... Ang bobo ko!

"Hindi din namin alam! Right, Nikka?"

Lumipat ang tingin ko mula kay Lewis papunta kay Nikka. Tumango sya sa akin at dahil dun, napabuntong hininga nalang ako.

"Cheer up, Z. Marami pang pagkakataon na makausap sya."

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang kabobohang nagawa ko.

I guess Nikka's right. Marami pa ngang pagkakataon.

Tumayo ako sa sofa matapos kong mag make-up. Ngayon kasi ako isasama ni Lewis sa agency kung saan sya nagtatrabaho kaya kailangan kong maghanda.

Syempre, hindi naman kasi pwedeng makitira lang ako sa kanila. Kailangan ko ring tumulong sa mga gastusin, kaya kailangan ko talaga ng trabaho.

"Ready?" tanong sa akin ni Lewis na tinanguan ko naman.

Tumayo na rin sya pati si Nikka para makaalis na kami, pero lahat kami ay natigilan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang magandang babae.

Sa tingin ko ay nasa mga late 30's na sya, pero hindi iyon halata dahil sa maamong mukha at magandang hubog ng katawan nya.

"Ma! Buti nakabalik ka na!"

Napatingin ako kay Lewis nang batiin nya ang babae. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya't hindi agad ako nakapagsalita.

Mama nya?! Ang akala ko ate nya lang!

"Oh, Lewis. May bisita ka pala?"

"Yup, si Nikka. And of course, si Zenna. Yung sinabi ko sayo na makikitira muna sa atin?"

Namilog ang bibig ng mama ni Lewis at tsaka kami binalingan ng tingin. Unang bumati ay si Nikka na sinundan ko naman.

"Ako po pala si Serina Luiz. Pero Zenna nalang po ang itawag nyo sakin. Pasensya na po kung nakaka-istorbo ako rito sa inyo."

Ngumiti ako. Sinuklian naman iyon ng mama ni Lewis at tsaka marahan pang umiling.

"Nako, wag ka nang mag po! Tita Lily nalang ang itawag nyo sakin. Tsaka ano ka ba! Maganda nga na may bagong mukha dito sa bahay, eh! Alam mo kasi, dalawa lang kami ni Lewis kaya medyo boring."

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon