12

3.4K 103 9
                                    

Naabutan ako ni Azen na tulala sa kwarto nya. Sa dami kasi ng alaala na pumapasok sa isip ko ay hindi ko na iyon magawang iprocess isa isa sa utak ko. Napakatagal na simula nung naalala ko ang mga iyon kaya medyo nabigla ako.

"Hey, are you really okay?"

Lumapit si Azen at umupo sa tabi ko. Hinawi nya ang takas na buhok ko at inipit iyon sa aking tenga. Kung sa ibang araw ay maiilang ako sa ginawa nyang yun, pero hindi ngayon.

"Serina.." he said softly.

His voice was deep. Sa isang salita nyang iyon ay naramdaman ko agad ang pag aalala. I guess he really cares about me. Kahit paano ay naging masaya ako na sya ang kasama ko.

"I'm fine. Tara, kain na tayo?"

Tumayo ako pero sinundan nya lang ako ng tingin hanggang sa makarating ako sa pinto. Nag aalinlangan syang tumayo, pero hindi ko alam kung bakit. Kaya binalikan ko sya at hinila na patayo.

"Ang kulit mo. Tara na!"

Hindi nya na naman ako pinansin. He just stared at me, like something's wrong. Natigilan tuloy ako sa paghila.

"You're creeping me out. Halika na kasi. Ok nga lang ako--"

"Ikwento mo sakin." pagpuputol nya sa sinasabi ko.

Biglang naging seryoso ang mga mata nya. Ang buong atensyon nya ay itinuon nya sakin. Bigla tuloy akong nailang kaya nag iwas ako ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit parang maiiyak na naman ako. Alam kong hindi bobo si Azen kaya alam nyang may bumabagabag talaga sa akin. Pero hindi ko alam kung kaya ko ba iyon ikwento sa kanya.

I've been keeping my nightmares all to myself. Kahit kay Ice na pinsan ko ay hindi ako nag oopen dahil ayaw kong kaawaan ako ng mga tao. Ayaw kong maging mahina sa paningin nila. At ayaw ko dahil kung babalikan ko ang mga iyon, I might break down again. Baka hindi ko na naman kayanin.

Kaya for the past 2 years, inilihim ko lahat ng hinanakit ko. Lahat ng naranasan ko..

Pero ngayon, can I really tell Azen about it? Can I really open up to him?

Bumagsak ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan, kasabay ng pagbalik muli ng nakaraang pilit kong tinatakasan.

Sa isang iglap, naramdaman ko nalang ang paghigit ni Azen sa baywang ko sabay pinaupo ako sa gitna ng mga hita nya. Niyakap nya ako mula sa likod tapos ay pinatong nya ang kanyang ulo sa aking balikat. Agad akong binalot ng init ng katawan nya.

"Kung nahihiya ka, pwede mo namang ikwento nang nakatalikod sakin.." he whispered.

Bahagya akong natawa.

"See? You're already laughing. Sige na, ikwento mo na para mas lalo pang gumaan ang loob mo. You can trust me."

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malumanay na boses ni Azen.

Kahit na nakakainis ang isang to, alam na alam nya parin talaga kung paano ako pasiyahin. I guess I can tell him, right? Kaya ko na siguro.. Kaya ko na..

Isang normal na araw lang din naman yun. Walang bago, walang kakaiba. Pumasok ako noon sa school at natapos ko din katulad ng normal na ginagawa ko dati.

"Bye, Aicel!" paalam ko sa kaklase ko tsaka tumungo na palabas ng school.

Sinuot ko ang aking earphones at binalot ang buong kapaligiran ko ng isang masayang tunog. Patawid na sana ako ng kalsada nang may biglang humablot sa akin mula sa likod. Nang nakalingon ako ay bumungad sakin si Leila na may kasamang mga lalaki.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon