"May hinahanap lang kaming tao" sabi ko.

"And?" nagtatakang tanong niya.

"His name is Stein Alberts. Do you know him?" sabi ko

"No"

Tiningnan ko siyang maigi bago tumingin kay Xeanel.

"What?" tanong nya nang mapansing nakatingin ako sa kanya.

"Nothing" mahinang sabi ko at tumingin kay Stacy

"Ah hmm sige, kailangan ko ng umalis baka nag-aalala na si tatay Al" biglang sabi ni Stacy at tumayo.

"Maraming salamat sa tulong nyo sa akin kung hindi dahil sa i--"

"Don't mind it. Ang mahalaga, ligtas ka na" pagpuputol ni Bellear sa sasabihin ni Stacy.

Ngumiti lang si Stacy saamin at nagpaalam ng umalis. Nang mawala na sya sa paningin namin, agad napatingin ang apat sa akin

"Saan tayo mag sisimula ngayon?" tanong ni Yeoneun

"Hindi ko pa alam pero may ibinigay saakin si mom na address, baka nandoon pa sya nakatira" sabi ko.

"So, tara na?" tanong ni Xeanel

"No, bukas nalang natin simulan. Sa ngayon, magpahinga muna tayo" sabi ko at tumayo saka nagtungo sa aking kwarto.

***

Nandito kami ngayon sa harap ng isang lumang bahay kung saan ang address na ibinigay ni mom.

"Sigurado ka bang dito sya na katira?" tanong ni Bellear

"Yeah" simpleng sagot ko at kumatok ng tatlong beses.

Naghintay kami ng ilang minuto pero hindi parin bumubukas ang pinto. Kumatok pa rin ako pero wala paring nangyayari.

Pinihit ko ang doorknob at nagulat nalang ako ng hindi ito nakalock. Binuksan ko ang pinto at saka kami pumasok.

Masyadong tahimik ang bahay na ito at walang ni isang gamit kaming nakita.

"Mukhang wala nang tao dito" komento ni Xeanel

"Yeah, let's go" sabi ko at tumalikod na palabas. Sumunod naman sila saakin.

Hindi pa kami nakakarating sa kotse ng...

"Guys! Look!" biglang sabi ni Yeoneun.

Napatingin kami sa tinuturo niya.

Is that iron dust?

"How come na merong ganito yan dito?" tanong ni Bellear saamin.

"Wait, hindi ba isang weapon maker si Stein, Seanica? What if, kay Stein galing yan? Siguro habang naglalakad sila, may mga nahulog na iron dust. Maybe, it can lead us to him" komento ni Mike dahilan mapaisip ako

May posibilidad ngang kay Stein galing ito dahil nagmula ito sa bahay na pinuntahan namin.

"Then, sundan natin?" tanong ni Yeoneun

"Yeah, lets go" sabi ni Xeanel.

Tumango lang ako at sumunod sa kanilang sinusundan ang mga iron dust.

Hindi kaya, sinadya ito? Marahil ito nga ay iniwan ni Stein bilang daan kung nasaan siya ngayon.

***

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon