Chapter 7.1

73 6 0
                                    

Dennying is like telling that you're a liar.

CHAPTER 7: IN DENIAL

"Pwedeng magtanong?" Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya nang marinig ang kaseryosohan sa boses nya.

Malapit na kami sa room ko nang binasag nya ang katahimikan sa pagitan namin. Kanina pa ko hindi mapakali dahil nauuna ko sa paglalakad. At mula pa kanina ay ramdam ko ang pagtitig nya mula sa likod ko.

"Nagtatanong ka na." Ngumiti sya nang bahagya ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mata. Umayos ako sa pagkakatayo at seryoso na syang tinitigan.

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

"May gusto ka ba kay Paul?" Napangiwi ako sa tinuran nya. Hindi ko mahinuha ang itsura ko ngayon pero batid kong kababakasan ito ng pagkagulat. 

Sa dami pwedeng itanong, bakit ito pa. Don't get me wrong, pero seriously? Wala akong gusto kay Paul or kahit kanino. But my guts telling me na hindi ko dapat sagutin ang tanong nya, pero hindi ko maintindihan kung bakit.

"Iyan lang ba itatanong mo? Kung ganun mauuna na ko, malalate na ko sa klase." Hindi ko na sya hinintay pang sumagot at tumalikod na. Kababakasan ng lungkot ang kanyang  mukha, kung bakit ay wala akong panahong alamin pa.

Matamlay kong binaybay ang aking upuan at ng makaupo ay itinuon ko ang paningin sa labas ng bintana. Ramdam ko ang presensya ng isang tao sa aking harapan ngunit hindi ko na ito pinansin.

"Nakarecover kana pala. Sayang hindi ka napuruhan." Hindi na ko magtataka kung lahat ng tao sa silid ay nakatitig na sa amin. Hindi na ko nag abala pang tignan kung sino man ang nagsalita dahil sa tono pa lang ng pananalita nya ay nakilala ko na sya.

"I have no time for another bullshit. So if you dont mind Ljay, stop talking nonsense and mind your own business." Walang lingon kong pahayag. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng pwede nyang bwisitin e ako pa ang napili nya. I wonder kung anong nagawa ko sa babae na to at para bang galit na galit sya sakin. Well hindi naman sa may pakialam ako kung may grudge siya sakin or what pero sana wag nya na kong pestehen.

Pumalakpak sya ng mabagal at umiiling iling na inikutan ako.

"I'm not talking nonsense. In fact I was talking about your stupidity. But you have point there, nonsense nga." Huminto ulit sya sa harapan ko and this time, I face her. She lean on me and place her hand in my desk.

"Masakit ba Edita? Hindi lang yan ang matatanggap mo sakin once na magpapansin ka pa kay Paul." Lumapit pa sya ng bahagya sa tenga ko at muling nagsalita. But this time, pabulong na.

"At sisiguraduhin kong, mababasag yang muka mo sa kamay ko. Naiintindihan mo ba?" Tinignan ko sya sa mata ng umayos sya sa pagkakatayo nya. I smile a bit and a smirk form in my lips.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Pinantayan ko ang titig nyang nang iinis. Hindi ko inalis ang mapang inis kong ngiti at nagsalita.

"I wonder kung bakit nag aaksaya ka ng oras dumaldal at takutin ako." Muli akong humakbang papalapit sa kanya na sya namang paghakbang nya patalikod.

"Bakit hindi mo na lang gawin ng hindi ako naririndi sa boses mo. Dont tell me what to do, wala ka sa posisyon. And fyi, hindi ko ugaling magpapansin sa kahit na sino katulad ng ginagawa mo." Napalitan ng inis ang kanina nyang mapang inis na ngiti. I smile even wider ng mapagtantong masyado syang apektado sa mga salitang binibitawan ko.

"Hindi yata dapat ako ang sinasabihan mo nyan. Bakit hindi sya ang palayuin mo sakin ng hindi ka parang bata na inagawan ng lollipop." Lumapit ako sa tenga nya't binulungan din sya.

"Wala akong panahon sa mga kaartihan mo kaya kung pwede, pumili ka ng tatakutin mo. Wag ako." I tap her shoulder na mukang nagpatikom sa bibig nyang nakanganga. Hindi nya yata expected na kaya kong pantayan ang kamalditahan nya.

Ang pinaka ayoko kasi sa lahat ay ang pinagbabantaan ako. Lalo pa't napaka non-sense ng dahilan nya. Kung ayaw nyang may nakapaligid sa boyfriend nya, mainam na talian nya sa leeg para nababantayan nya 24/7.

Bumalik na ko sa upuan ko ng makita kong dumating na yung teacher namin. Umalis na din si Ljay sa harapan ko, pero bago makalayo ay tumingin muli sya at tinitigan ako ng masama. Tsk. Walang kwentang nilalang.

After that non-sense encounter with Ljay, nawalan na ko ng ganang magseryoso sa klase. Idinukdok ko na lamang ang ulo ko sa desk at hinayaang lamunin ng antok.

Nagising ako sa mahinang pagyugyug sa balikat ko. Inalis ko ang pagkakayuko ko at minulat ang mata. Sumilay sa aking ang mukang tinubuan ng ngiti. Oh this guy, hindi nya yata alam ang salitang kalungkutan.

"Parang pagod na pagod ka ahh. Tinulugan mo lang teacher mo? Haha ibang klaseng babae." and then ginulo nya yung buhok ko na parang aso.

Anong oras na ba?  Napasarap yata ang tulog ko dahil iilan na lang ang tao sa loob ng silid.

"What time is it?" Mahina kong tanong sa kanya ng hindi sya nililingon. Abala kasi ko sa pag aayos ng gamit ko.

"Alas tres na ng hapon. Wala sana kong balak gisingin ka pero may pupuntahan pa tayo di ba?" Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Asan si Renz?" Tanong ko bago tumayo at magsimulang maglakad. Nakita ko ang lungkot na sumilay sa kanyang mukha ngunit bigla ding napalitan ng isang mapang asar na ngiti at muling nagsalita.

"Bakit namimiss mo na sya agad? Wag kang mag alala pumunta lang sya sa locker may kukunin lang." Napairap ako sa mga sinabi nya. Why would I miss that guy tsk.

Tumango na lang ako at inunahan na syang lumabas ng silid.

"Sus dennial. Ayiee kunwari pa sya hahaha." Baliw talaga ang isang to. Nagpatuloy lang sya sa pang aasar sakin hanggang makarating kami sa gate.

Habang naghihintay kay Renz ay di pa rin tumitigil si Paul sa pang aasar sa akin. Hindi ko alam kung bakit di ako naiirita sa pang aalaska nya. Maybe for some quiet time, naging komportable ako sakanya or maybe ang hirap nya lang patigilin. Kasi the more na pinapastop mo sya, the more ka nyang iinisin.

"Ayiee~" Muntik na kong mapatalon sa gulat ng tusukin nya ang tagiliran ko dahil sa kiliti.

"Hoy ano ba Paul, tumigil ka na malakas kiliti ko dyan!" May kalakasang suway ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin sya tumigil at lalo pa nya kong kiniliti.

"Aha! Dyan pala ang kiliti mo ahh. Mainam wahaha." At pumwesto pa sya sa likod at lalo akong kiniliti. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko. Paniguradong sobrang pula ko na sa kakatawa. Naluluha na rin ako at konti na lang baka mapasigaw na ko.

"Pau- Paul! Ano ba tama na, hindi na ko makahinga hahaha."

"Hahaha ayoko nga ang saya mo e."

Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa gate. Bwiset na lalaki to ayaw pa tumigil.

"Paul isa!"  Pinilit kong magsalita at bantaan sya. Pero ang loko hindi pa rin tumigil at dinuktungan ang pagbibilang ko.

"Dalawa! Hahaha" Tsk epal talaga.

"Ehem!" Natigil kami sa pag haharutan ng dumating si Renz. Inalis ko ang kamay ni Paul sa waist ko at inaayos ko ang postura ko. Huminga ko ng malalim at inalis ang namumuong tensyon sa sistema ko. Pakiramdam ko may ginawa akong masama.

"A-andyan kana pala. Tagal mo, tara na." Pagkatapos ay tumalikod na ko't naunang mag lakad.

"Ano bang ginawa ko?" Iniling iling ko ang ulo ko't binilisan ang paglalakad.





Not Edited

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living Like A ShadowWhere stories live. Discover now