Chapter 2.1

293 96 57
                                    

Sometimes people who seemed good end up being not as good as you might have hoped .

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Shadow 2.1 (The Encounter)

ËDÏTHÄ'S PÖV

Nakarating na rin ako sa school. How cool right, minutes na lang din at mag sisimula na ang second subject.

About nga pala dun sa newspaper? Ayon, nasa basurahan na. Tulad pa rin ng dati nakakasuka pa rin ang pagmumuka niya, hindi ko pa rin matagalan.

Dito na ko sa tapat ng school gate since wala namang gaanong estudyante ngayon, dito na ko dadaan.

Sobrang tagal na nung huli akong tumapak sa gate nato. Nakakapanibago pala, hindi na ko sanay. Naalala ko noong panahon na sikat pa ko, everyone called my name and smiled at me.

Sino nga namang hindi? I'm always wearing my genuine smile na kahit sinong makakakita mapapasmile. Kala ko that time, lahat kaibigan ko. Kala ko okay na lahat, kala ko pag always ka naging mabait sa lahat ayos na wala ka ng pro-problemahin.

I was very happy that time, because I had friends who would surely help me when I'm down. Mga taong masasabi kong pamilya. Pamilyang tanggap ako kung ano ako, tanggap kung sino ako.

That time I was blinded by their compliments about me. Blinded by those smile. Smiles that said you're a friend'. I saw in their smiles that I was special. Special enough para tinggalain, hangaan , mahalin at ingatan.

I was fooled by their acts. Hindi ko inakalang lahat ng pinakita nila ay isa lang palang malaking palabas. They're good on acting, hindi ko man lang napansin na pinaglalaruan na pala ako. Lahat pala ng pinakita nila ay isang malaking kasinungalingan lang.

Napakalaki kong tanga dahil hindi ko man lang napansin ang malaking pandudugang ginagawa nila sakin. I was a big fool to be blinded by their sweet and flowery words. They were all fake! They were all shit!

I can't imagine how stupid I was during that time.

But the stupid side of me was gone, definitely gone. Ang dating masayahin, mabait at mahinang Editha ay matagal ko nang pinatay. No trace of weakness and stupidity anymore.

Patakbong lakad ang ginawa ko para lang makaabot sa 2nd subject ko. Kung malate ako kahit isang minuto ay kaagad na mahahatak ko ang buong atensyon ng klase.

Nasa may hallway nako nang may makabungguan ako. Napaupo ako sa semento at lahat ng dala kong libro ay tumilapon sa lakas ng impact ng banggaan namin ng tangang lalaking to.

Kung minamalas ka nga naman oo, malalate na ko eh!

At oo lalaki ang nakabangga saakin. Tangang lalaki for short.

"Tsk!" asik ko bago yumuko.

Pinulot ko na ang mga gamit ko dahil talagang late nako. Madalian kong kinuha ang mga libro ko, nakita kong nakipulot din yung lalaki. Pupulutin na sana niya yung last na libro pero inunahan ko na siya.

"Ako na."

Muntik na niyang mahawakan ang kamay ko. Buti na lamang mabilis ang reflexes ko kung hindi mapapasahan ako ng bacteria.

Nagkatinginan kami ng sampung segundo bago ko narealize na nakaupo pa rin pala ako. Nang masigurado ko ng wala nakong gamit na naiwan ay tumayo nako at naglakad na paalis.

Hindi pako tuluyang nakakalayo ng magsalita siya.

"Miss, a simple thank you will do"

Thank you, seriously?! Ako na nga ang nabangga niya at nalate ako pa ang mag tha-thank you? Wow, lakas hah!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Pero bigla na lang may humawak sa braso ko kaya kaagad akong napahinto saka napaharap sa animal na to.

Tinignan ko ang mukha niya na hindi manlang kababakasan ng interes. Familiar siya sa akin, nakita ko na ba to o nagkita na ba kami?

Matangkad siya, maputi at makinis ang balat. May katamtamang laki ang kanyang dalawang mata. Nakatingin siya sa akin na may ngiting nakaguhit sa kanyang labi. Hindi kaya mapunit ang labi nito sa laki ng ngiti.

"Hi! Ako nga pala si Paulo, Paulo Renz."

Pagkasabi niya nun eh inabot niya ang kamay niya. Tinignan ko siya sa mga mata niya. Nagmumukha na siyang tanga dahil hindi ko pa rin inaabot ang mga palad niya. Pero wala na akong pake pa sa kanya.

Hindi ako nagsalita at tumalikod na sa kanya. Tumakbo na ko ng mabilis dahil paniguradong nag uumpisa na ang klase.

Malalim ang paghinga ko ng makarating ako sa tapat ng aming silid. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto.

Hindi ako nagkamali dahil unang hakbang ko pa lang ay ramdam ko na ang mga matang nakatitig sa akin. Ngunit nawala rin iyon kaagad. Nang tignan ko sila ay abala na sila sa kung anong ginagawa nila.

Napailing na lamang ako, bakit ba nagmadali pakong pumasok. Nawaglit sa aking isipan na ako nga lang pala si Editha. Ang Editha na pinaglipasan na ng panahon.

Binawi ko na ang tingin ko at mabilis na umupo sa bakanteng upuan. Kapansin pansin na walang guro sa harapan. May hindi ba ko nabalitaan?

Mukha namang hindi pa ko late.

Lumipas na ang dalawampung minuto at wala pa ring teacher na nagpapakita. Paniguradong wala ng klase sa subject na yun. Lagi na lang.

Binabalot ng matinding kabugnutan ang buong katawan ko. Kita ko ang mga nagtatawanang mga kaklase ko. Wala kahit konting pagkabored ang makikita sa kanilang mukha.

Iniyuko ko na lamang ang ulo ko sa desk at nagpretend na natutulog. Unti unting naramdaman ng katawan ko ang pagod na dala na rin siguro ng pagtakbo ko kanina.

Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata, hanggang sa tuluyan na itong bumigay.


---------------

Naalimpungatan ako ng mag vibrate ang cellphone sa aking bulsa.

Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko. Naramdaman ko ang pagsakit nito, mukang nangalay ang leeg ko sa pagkaka subsob mula pa kanina.

Iniikot ko ang aking leeg para mawala ang konting sakit. Napansin kong ako na lamang ang tao sa silid. Anong oras na ba at parang lunch break na dahil ramdam ko ang init sa labas. Napatagal pala ang tulog ko kung ganun.

Kinuha ko mula sa aking bulsa ang cellphone ko. Pagslide ko palang sa lock ay bumungad na kaagad ang limang notifications sa wattpad account ko.

•Angelica Marie Argao voted for your story

•Angelica Marie Argao commented on your story

•Angelica Marie Argao Started following you

•Ara Nicole Lazaro voted for your story

•Ara Nicole Lazaro Started Following you

Binalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko dahil wala naman iyong kwenta. Inayos ko muna ang gamit ko at bago tuluyang lumabas.

Makakain muna bago tumuloy sa susunod na klase.








★Not Edited

Living Like A ShadowWhere stories live. Discover now