Chapter 6

108 30 4
                                    

Jealousy comes when you think someone or something is being stolen from you or the things that you want to have is already been taken by someone you envy the most.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°•••••••••••••••••••••••••••••••°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Shadow 6. Jealousy

ËDÏTHÄ'S PÖV

To be happy is a choice, not a destiny.

Marami tayong pamimilian sa buhay. Mga pamimilian na sure na magiging masaya tayo or di kaya ay magbibigay sa atin ng kasawian o kalungkutan.

Pero may mga pagkakataon talagang pinipili natin ang ikasasakit natin. Not because we want to be sad or miserable, but the fact that we're afraid to face the consequences.

I looked at Racel who's now ordering our food. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Lunch time na kasi ngayon, and probably I'm not alone this time.

Simula ng first meet namin ni Racel ay hindi na siya tumigil sa kakasunod sakin. As a matter of fact, pinagtanong pa niya ang cellphone number ko. Pero nabigo siya. But instead of giving up, gumawa pa rin siya ng paraan.

"Here's your meal, and here's mine." Nakangiti niyang saad. Napakunot ang noo ko sa way ng paghawak niya sa pagkain. Yakap yakap niya iyon ng kanyang dalawang kamay at waring proprotektahan ang pagkain niya sa mga taong pwedeng kumuha o humingi nito. Napapailing na lang talaga ako sa tuwing naiisip kong naging kaibigan ko siya, DATI.

I simply said thank you then started to eat. Uminom ako sa ice tea na nasa gilid ko ng makaramdam ng pagkauhaw.

"Alam mo ba Amber, namimiss ko na yung bubbly na kilala ko." Tinignan ko siya sa mukha nang marinig ko ang sinabi niya. Nakalipsided siya at tila ba nagpapaawa.

I smiled a bit, at saka tinanaw ang bintana sa tabi namin.

Amber is my childhood nickname. At isa lang ang kilala kong may alam ng palayaw kong iyon.

Simula pa lang nung nagkakilala kami ni Racel, may kakaibang pakiramdam na agad akong naramdaman. That he is someone related from my past. At hindi nga ako nagkamali, dahil di kalaunan ay umamin din si Racel na siya nga ang taong iyon.

Ang batang kasa kasama ko noong bata pa ako. At wala pang kamuwang muwang sa mga nangyayari sa paligid ko.

I really wanted to be a child again. Kung saan walang inaalala, walang kasawian, walang prinoproblema at ang batang kadapaan sa lupa lang ang tanging iniiyakan.

Hindi tulad ngayon na ultimo pag hinga ay ikahihirap pa ng kalooban mo. Na mas nanaisin mo pang malagutan ng hininga kesa maramdaman at maranasan lahat ng dagok ng buhay.

I literally blinked my eyes when Racel tapped my shoulder.

"Okay ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap pero tila wala kang naririnig. Kanina ka pa tulala." Ramdam ko ang pag alala sa boses niya. Nginitian ko siya ng bahagya.

"Okay lang ako." Nanatiling naka poker face siya na waring hindi kombinsido sa sagot ko. I held his hand and tried to show a big smile to assure him that I'm okay pero nabigo ako.

Living Like A ShadowМесто, где живут истории. Откройте их для себя