Chapter 2.2

314 93 69
                                    

When you know how to control your emotions, you never hurt easily.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Shadow 2.2 [The Encounter]

ËDÏTHÄ'S PÖV

Nandito ngayon ako sa likod ng science building, kumakain.

Nangangalahati nako sa lasagnang prinepare ni manang kanina nang may kaluskos akong narinig.

Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko kahit hindi pa ko tapos.

Pinagpagan ko ang palda ko ng nakatayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at saka nagtago sa may punong hindi kalayuan sa pwesto ko.

Dumungaw ako ng kaunti upang masilip ko kung sino ang dumating.

May isang lalaki akong nabungaran, hindi kalayuan sa pwesto kung saan ako kumain.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil kasalungat ng direksyon mula sa akin kung saan siya nakaharap.

Kung susuriin ay isa siyang lalaki, base na rin sa kanyang kasuotan.

Ang pinagtataka ko lang ay paano siya nakapunta dito, gayong bawal pumunta dito ang mga estudyante.

Maliban na lang sa akin dahil hindi ko sinusunod ang batas hinggil dito.

Dahil dito lang sa lugar nato ako nakakapag isa.

Humarap ang lalaki sa direksyon kung saan ako nakapwesto.

Mabilis pa sa alas kwatro akong nagtago.

Nang makalipas ang limang minuto ay tumingin akong muli sa direksyong iyon.

Ngunit ng paglingon ko'y, wala na siya.

'Nasan na yon?'

Mahina kong tanong sa sarili.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Muntik pa akong mapasigaw sa sobrang gulat.

Mabuti na lang at nacontrol ko ang sarili ko.

Ngunit hindi ko napigilan ang paninigas ng buong katawan ko.

Hindi ako makagalaw at napapikit na lang.

'Shit!" Napamura na lang ako sa sitwasyon ko ngayon.

Ilang beses akong napalunok ng laway at tila naubusan ako ng hangin sa buong katawan.

Ramdam ko ang paglamig ng buong katawan ko.

Nagsisimula nang mamuo ang maliliit na butil ng pawis sa aking noo.

Bago pako makapagreact sa mga pangyayari ay hinawakan na niya ako sa balikat at marahang iniharap sa kanya.

Sa ginawa niya ay napadilat ako. Nagtama ang aming mga mata.

Nang makilala ko na kung sino ang nakakita sa akin ay bahagyang nawala ang panlalamig na nararamdaman ko.

Ang kaninang ninenerbyos kong mukha ay napalitan ng kakalmaduhan.

Siya lang naman pala. Mukhang hindi pa tapos ang kamalasan ko sa araw na ito.

Tinignan ko ang mga chinito niyang mata.

Kahit may katangkaran siya ay hindi ito naging alintana para tumingin ako sa kanya.

Living Like A ShadowWhere stories live. Discover now