Chapter 1.1

464 107 92
                                    


I think too much, I see too much, I feel too much but I speak so little.

                         ___________

EDITHA

Matapos ang mahabang litanya ng head ng school ay pinapunta na kami sa kanya kanya naming room.

Nang makarating ako sa room ay kakaunti pa lang ang mga estudyante. Siguro ay nasa quadrangle pa sila at sumisiksik para lang makalapit dun sa lalaki. Ano nga pala pangalan nun?

Tss, ano nga ba pakialam ko. Hindi naman siguro siya importante para malaman ko pa ang pangalan niya.

Naupo na ako sa bandang dulo, sa lugar kung saan hindi pansinin.

Noon, every school year lagi akong nakaupo sa unahan. Sa unahan kung saan ako ang mauunang makikita nung teacher. Noon, ayaw na ayaw kong nahuhuling pumasok, ayaw kong napwe-pwesto sa gitna lalong lalo na sa hulihan. Hangga't maaari dapat nasa harap ako, laging nangunguna sa lahat ng bagay kaya lagi akong maaga pumapasok. Dahil ayaw na ayaw ko ng napag iiwanan. Gusto ko laging nasa taas, tinitingala, hinahangaan ng lahat.

Sino bang mag aakala na sa itsura ko ngayon ay naging sikat ako noon. Maraming magagandang bagay na nangyari sakin, siguro nga sa sobrang dami eh sinisingil na ako ngayon. Parang sa pagsusugal, sa una nananalo ka tapos sa huli mapapansin mo na lang na wala ka ng pera.

Naalala ko pa yung sinabi ng friend ko dati na hindi na ngayon "Don't try to be perfect. Just try to be better than you we're yesterday. That's all." ganyan na ganyan ang pagkakasabi niya sakin.

Nung mga panahon na yun, hindi ko maintindihan yung gusto niyang iparating.

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat ng sinabi niya. Gusto niyang gawin ko yung mga bagay na gusto kong gawin without defending myself or getting the approval of others.

Siguro kung noon ko pa yun narealize eh di sana hindi nangyari yung mga bagay na pinagsisisihan ko ngayon.

Napigil ng ingay ang nagbabadyang pagpatak ng luha ko.

Oras na pala ng klase, sa lalim siguro ng iniisip ko hindi ko na napansin ang pag tunog ng school bell.

Sa pagbukas ng pintuan ay pumasok ang mga kaklase ko. Ang kaninang tahimik na silid ay napuno ng sari saring bulungan na kung susuriin ay tungkol lamang sa lalaking nagsalita noong flag ceremony. Hindi ko nga lang alam kung ano ang mga sinabi niya.

Nang ang lahat ay nakaupo na sa kanilang mga napiling upuan ay siya namang pagpasok ng isang lalaki.

Nakasuot ito ng isang long sleeve na puti na tinernuhan ng pants na itim. Kita sa kanyang pananamit at galaw ang karunungan.

Pumunta siya sa aming harapan at may isinulat sa blackboard, hindi nagtagal ay humarap din siya kaagad.

Hinawakan niya ang necktie na nasa kanyang leeg at pasuwari ko'y niluwagan niya ito. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Good Morning students"

Pagbati niya sa aming lahat. Ramdam ko sa boses niya ang katandaan, ngunit kita sa kanyang pangangatawan ang kagandahang lalaki.

"I am Rustie Victoria, ang magiging adviser niyo hanggang sa matapos ang taon." so siya pala ang gurong natapat sa amin para maging adviser. Hindi na masama.

Living Like A ShadowWhere stories live. Discover now