Chapter 1

733 117 99
                                    


"It's better to be silent than to open your mouth and talk about random things."
 

                       __________

EDITHA

It's June 2015. First day of class, again. Maaga akong nagising since unang araw nga ng klase.

Pag bangon ko sa aking higaan ay inayos ko na ito at inahanda ang aking pamasok.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pag aayos nang may kumatok sa may pintuan.

"Iha, kakain na ng umagahan."

"Susunod na lang po ako manang." magalang kong saad

Hindi na ito nag abalang sumagot pa at sa tingin ko'y umalis na dahil narinig ko ang mga hakbang papalayo sa aking kwarto. Papahina ng papahina hanggang wala na akong narinig.

Matapos kong maihanda ang aking damit ay dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Nang nakapasok na sa paliguan ay madalian kong hinubad ang aking mga saplot. Hindi kasi ako sanay ng naliligo ng may damit. Ibinuhos ko ang tubig at kaagaran kong naramdaman ang lamig na dulot nito.

Ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo sa aking buong katawan. Binilisan ko ang pagbuhos ng tubig upang maibsan ang sobrang lamig. Rinig ng aking taenga ang bawat pag agos ng tubig sa gripo, maging ang mabilis na pagdaloy at pagtulo ng tubig sa aking katawan ay dama ko.

Madalian na akong naligo at nagbihis. Kaagaran kong tinuyo ang aking buhok at agaran ko itong itinirintas.

Matapos ay tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Halata dito ang malaking pagbabago ng aking itsura.

Ang dating malaporselanang kulay ng aking balat ay napalitan ng kayumangging kulay. Ang dating kulay dilaw kong buhok ay ngayo'y itim na. Mapupungay na mata, nakataas na kilay at mapupulang labi ay nawala na. Ang dating masayahin at kilalang kilala ng lahat sa taglay na kagandahan ay tuluyang naglaho sa isang iglap lamang.

Ang lahat ng magagandang katangian ko noon ay naglaho na lamang na parang isang bula.

Nakakalungkot isiping ang dating tinitingala ng lahat ay biglang bumagsak sa lupa. Nalubog at hindi na nakaahon pa.

Ang dating makulay na bulaklak ay kumupas at nalanta na ng tuluyan.

Pinunasan ko ang mumunting luha na pumatak sa aking mata at saka ko isinuot ang salamin. Salamin na tanging nagkukubli sa matang puno ng hinanakit at pangungulila.

Pangungulila na ilan taon ko ng pinagdaraanan.

Bumaba na ako at tumungo sa hapag kainan para makakain na ng almusal.

Pinagmasdan ko ang mga bakanteng upuan na halatang matagal nang hindi nagamit.

Pinigilan ko ang maluha. Nasagi na naman sa aking isipan ang mga alaalang pilit kong tinutuliksa sa aking sistema.

Hindi ko pa man natatapos ang aking pagkain ay tumayo na ako at linisan ang aming bahay.

Hangga't maaari ay ayaw kong nagtatagal sa bahay na iyon dahil bumabalik lamang sa aking memorya ang mga masasamang bagay na nangyari sa aking nakaraan na hanggang ngayon ay pilit kong kinakalimutan.

Naglalakad na ako palabas ng aming sabdibisyon. Kahit may sasakyan ako ay mas pinili kong maglakad na lamang. Ayokong makahatak ng atensyon ng kahit na sino. Mas gugustuhin ko pang ikubli ang aking sarili kesa mapagbalingan ng mga nangungutyang mga tingin.

Nang makarating ako sa eskwelahan ay dumaan ako sa lihim kong daanan. Mas maganda ng umiwas sa lahat.

Ako lang ang nakakaalam ng daan na ito. Wala pa kahit sino ang nagtatangkang mapadpad dito dahil sa mga kwento kwentong may multo daw dito.

Nung una natakot ako sa mga kwentong naririnig ko. Pero napag isip isip ko na hindi naman totoo iyon. Sadya lang siguro silang matatakutin o mas gugustuhin nilang dumaan sa maraming tao para maipagmalaki nila ang kanilang mga kagandahan at kasikatan.

Nangiti na lang ako sa isiping iyon. Datirati ganun rin ako. Yung dating ako na mas gugustuhin ang dumaan kung saan maraming tao. Kung saan makikita ng lahat kung gaano ako kayaman, kaganda at kasikat.

Noong mga panahon na yon ay kita ko sa kanila ang sobrang paghanga. Bakas sa kanilang mukha ang desperasyon na maging kaibigan ako. Ang mga mata nilang nagsasabi kung gaano nila ako nirerespeto.

Napangiti na lang ako ng mapakla sa mga alaalang iyon.

Ramdam ko ang pag init ng aking mata kasabay ng pagbagsak ng mainit na likido sa aking pisngi.

Kahit anung pilit kong burahin ang nakaraan ay kusa itong bumabalik. Mga alaalang minumulto ako sa kasalukuyan.

Sinulyapan ko ang relo na nasa aking kamay. Malapit na palang mag umpisa ang flag ceremony. Pinunasan ko ang nabasa kong pisngi, huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Rinig na rinig ko ang malalakas na pagkwekwentuhan sa paligid ko hinggil sa mga ginawa at pinuntahan nila noong bakasyon.

Kanya kanyang labasan ng mga mamahaling gamit at alahas na halata ang kamahalan sa unang tingin pa lang. Samot saring pagmamayabang, samot saring pagpapabango sa kanilang pangalan.

Eto ang ayaw ko sa eskwelahan. Nagsamasama ang mga ilusyonada, maaarte, plastic, inggitera, at iba pa. Kumurba ng maliit na ngiti ang aking labi dahil sa realisasyong ngayo'y kinahaharap ko. Kung makapag salita ako ngayon ay parang hindi ako naging ganon noon. Ngayon ko lang narerealize ang mga bagay bagay na ginawa ko sa nakaraan.

Naputol ng isang malambing na tinig ng isang lalaki ang lahat ng bulungan ng mga estudyante.

Ramdam ko ang mga presensya ng lahat na tumingin sa harapan kung saan nanggaling ang tinig.

Sa pagharap ko sa entablado ng paaralan ay nasilayan ko ang maamong mukha ng isang lalaki.

Nakasuot siya ng unipormeng katulad ng saamin. Nakataas ang kanyang mga buhok at kita sa kanyang mukha ang karanyaan.

Siguro ay kasing edad ko lang siya.

May hawak siyang mikropono sa kanyang kaliwang kamay, Habang nakalagay naman sa bulsa ng pantalon niya ang isa pa.

Itinaas niya ang hawak na mikropono at itinapat sa kanyang bibig.

"Good Morning." Pag uulit niya sa sinabi niya kanina.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay saka siya ngumiti ng pagkatatamis tamis. Sumilay sa amin ang mapuputi niyang ngipin maging ang singkit niyang mga mata.

Mayroon siyang malalalim na mga lubo sa magkabilaang pisngi na lalong nagpainosente sa mukha niya.

Rinig ko ang mahihinang hagikhikan ng mga babae sa aking tabi. Nang sila'y aking lingunin ay kitang kita ko ang mata nilang nagliliwanag. Marahil iguro sa lalaking nasa harapan.

Napailing na lamang ako sa mga reaksyon nila. Para silang mga inosenteng ngayon lang nakakita ng gwapo sa tanan ng buhay nila.

Mga babae nga naman, ibang iba na sa panahon ngayon.

Hindi ko na pinakinggan ang nasa harap at nakinig na lamang ng musika. Mas interesado pa akong pakinggan ang malungkot na awitin kesa marindi sa mahihinang tili ng mga kababaihang nasa paligid ko. Pathetic bunch of fuck ass!

★Not Edited

Living Like A ShadowWhere stories live. Discover now