Chapter 2

388 96 82
                                    

Someday we'll forget the hurt, the reason we cried, and who caused us pain. Because the secret of being free is not revenge but letting things unfold on their own ways and time. So smile, laugh and forgive. Believe and love again. That's the key to happiness.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Shadow 2.The Encounter

EDITHA

Dama ko ang malakas na hanging tumatama sa aking balat, na nakapag bibigay ng kakaibang lamig sa aking buong katawan. Tanaw ko mula sa bahaging ito ng burol ang mga makukulay na ilaw na nagmumula sa mga kabahayan sa ibaba. Tila sila mga kuliglig na kumukusap kusap at nagpapagandahan ng kulay.

Namiss ko ang ganitong pakiramdam.

Namiss ko ang kalmadong atmospera, mga sanga ng puno na tila sumasayaw sa bawat pag ihip ng hangin. Mga alitaptap na pumapalibot sa mga puno, malalakas na hangin na tila niyayakap ka at ang langit na napupuno ng mga kumikinang na bituin.

Kay gagandang pagmasdan, nakakagaan ng pakiramdam.

Matagal tagal na din nang huli akong napunta dito. Marami akong inipon na lakas ng loob para makabalik sa lugar na ito. Dahil hanggat sa maaari'y gusto kong buo na ulit ako pag humarap ako sa mga bagay na tinalikuran ko na.

Halata sa itsura nito na walang nag aalaga. Kita ang malaking pagbabagong naganap. Dahil nagsitaasan na ang damong dati'y lagi naming pinuputol para makaraan kami ng walang sagabal. Nagsimatayan na rin ang mga tinanim kong mga bulaklak. Tila naging isang walang buhay na kapatagan ang dating malaparaisong burol.

Alas-dos na ng madaling araw ngunit parang mata pa rin ng kwago ang aking mga mata. Malaki at malamlam na nagmamasid sa buong lugar. Tila isa akong buhay na patay na dinala ng aking mga paa sa lugar na ito.

Gustuhin man ng aking katawan na mahiga na sa malambot na kama at magpahinga ay tila ang isip at puso ko'y tumatalima.

Nangangatal pa rin ako sa mga nangyari kanina. Pagkatapos ng nangyari sa amin ng pakialamerong gurong iyon ay minabuti kong umuwi na lang. Hindi ko kakayaning ituloy ang klase ng lumilipad ang isip at hindi kumportable sa paligid.

Dumiretso ako sa bahay ngunit hindi nagtagal ay umalis din. Mas hindi ko pala matatagalan ang presensya sa bahay na iyon. Mas lalo lang akong nahihirapan at nasasaktan.

Pilit ko mang ibaon ang mga masasamang alala ay parang hinahanap at pilit binabalikan ako ng mga ito at ayaw tigilan. Parang gusto kong maniwalang, ang memorya ay mananatili habang buhay na lagi kong naririnig noon sa mga kaklase ko.

Kung pwede lang magkaroon ng amnesia para hindi ko na maalala ang nakaraan ay ginawa ko na. Ngunit sadyang malupit ang tadhana at ayaw akong pagbigyan.

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng burol, konting maling galaw lamang ay maaari akong mahulog. Kita ko ang pagdausdos ng maliliit na bato pababa sa kinapwepwestuhan ko. Kung pipiliin ko mang mamatay ay sa lugar na ito ko na gugustuhin.

Inilabas ko ang aking telepono sa aking bag. Sa tuwing nalulungkot ako at gusto ko ng kausap ay ibis na magsalita ay itinatype ko na lamang ito. Ginagawang kwento, kwentong sumasalamin sa aking pagkatao.

Nakakatulong sa akin ng malaki ang pagsusulat dahil naiibsan kahit papaano ang sakit na aking nararamdaman. Dahil dito kahit papaano ay nawawala ang sakit ng nakaraan.



*-*-*-kinabukasan

"Iha, iha. Gising na at baka mahuli ka sa klase mo."

Nagising ako sa marahang pagkatok sa pinto at ang magalang na tinig ni manang.

Tinignan ko ang oras sa lamesang katabi lang ng aking kama. Ganun na lamang ang gulat ko ng masilayan ko kung anung oras na.

Sumakit at tila nahilo ako sa biglaang pagtayo. Napaupo akong muli at marahang hinilot ang sentido ko. Anong oras na bakong nakauwi at parang isang oras lang ang naitulog ko.

Ah oo naalala ko na, mag aalas kwatro na pala ko nakauwi . Wala pa sana akong balak umuwi kung hindi lamang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi mo talaga maintindihan ang panahon, kanina lang ay napaka aliwalas nito, tapos magugulat ka na lang bumubuhos na ang ulan. Napaka komplikado, parang tao. Ang hirap intindihin, nakakabaliw.

Nang masiguro kong medyo hindi na masakit ang ulo ko ay dali dali na akong pumunta ng banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang uniporme ng eskwelahan. Gray na damit na sinunsunan ng white na long sleeve with pink necktie at grey na palda. Naka high socks ako. Disente kung titignan. Isang simpleng babaeng nag aaral sa isang magarang paaralan.

Sa totoo lang mas gugustuhin ko pang mag aral sa isang pampublikong paaralan. Kung saan magiging simple lang ang lahat.

Bumaba na ko sa kusina, hindi na ko umupo at kinuha na lamang ang hinandang baon sa akin ni manang. Sumakay na ko sa sasakyan at nagpahatid sa eskwelahan.

Masyado pakong maaga para sa second subject. Siguradong mabubungangaan ako ng gurong iyon. Kung minamalas ka nga naman, traffic pa.

"Manong wala bang ibang daan?"

Desperado na talaga kong makarating sa eskwelahan. Baka pati ikalawang subject ko ay hindi ko na mapasukan dahil sa lintik na traffic na to! Paniguradong malalagot nako sa gurong iyon.

"Opo Ma'am, kaso po medyo masikip at mabaho"

"I don't care. Go that way!"

"O-okay po ma'am"

Langya bakit ba takot na takot sila sa akin? Hindi ko sila maintindihan.

Hindi niyo pa pala ako kilala. Sa sobrang kadramahan ko sa buhay hindi nako nakapagpakilala.

By the way, I'm Editha Mana. 17 years old. Half Korean and half Filipino.

So sa palengke pala ako idinaan ni manong, mabaho nga..

"Manong, ihinto mo saglit, "

"Bakit po ma'am. May problema po ba?"

Problema? Oo meron, marami. At sa sobrang dami, hindi ko na Alam kung saan pa ko lulugar.

"Wala po manong. Bili niyo muna po ako ng newspapers sa labas. Eto po pera."

"Ah sige po. Wait lang po."

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagbabasa ng dyaryo. Sadyang nakita ko lang sa front page yung mukha ng lalaking yun. Ng lalaking kinaiinisan ko sa lahat.

Matagal tagal na rin nang huli ko silang nakita. It's almost 2 years magmula ng araw na yun. Ang araw na hinding hindi ko makakalimutan.

Bumalik na pala siya, sila.

★Not Edited★

Living Like A ShadowWhere stories live. Discover now