Chapter 5.1

149 34 7
                                    

"No matter how hard the past was, you can always begin again."
------------------------------------------
Shadow 5.1 (Begin Again)

ËDITHÄ'S PÖV

Sadyang kay hirap ngang mag umpisa ulit. Mahirap lalo't nasanay nako sa buhay kung saan walang kinokonsidera kundi ang sarili lang.

Parang isa akong bagong panganak na sanggol na walang muwang sa mundong ginagalawan.

"Natahimik ka diyan?" Nagmulat ako ng mata ng biglang magsalita si Paulo sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa likod ng building ni Sir Rusty, nakatambay. Nakakatamad kasi ngayong araw, puro activities ang pinapagawa. Hindi naman mga chinechekan, so why bother myself to do those things.

"Wala naman, nirerelax ko lang ang sarili ko."

Umayos ako ng upo at pinagpagan ang likod kong kanina lang ay nakahiga sa damuhan.

"Pumasok na ba minsan sa isip mo na wag nang magpatuloy sa buhay? Yung tipong huminto na lang at wag nang gagalaw?"

Tinignan ko siya sa mukha pagkatapos kong sabihin ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla ko na lang natanong ang mga bagay na yun. Basta alam ko, bigla bigla na lang itong umikot sa isipan ko't tila nauntog at nahulog na lang sa aking bibig.

Ngumiti siya ng bahagya at tsaka nagsalita. Lumabas ang mga salitang hindi ko alam kung sa kanya ba talaga nagmula.

"I've experience a lot of challenges in life. Even hard and tiring problems that I don't know if it's possible to solve."

Huminto siya at tumingin sa akin na hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi.

"Yeah, there are times that I want to give up, to lose hope and escape from these problems. But for many reasons, I'm still holding on. I'm still holding on to the fact that every problem has a reason and probably has a solution. You only need to find it and continue dreaming in life."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at pinagpagan ang pants nya.

Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang pangungusap na yon. Masyadong malalim at malaman iyon para sa isang kagaya niya.

"Tara!"

I lookes at him with a questioning look.

Hindi pa man ako nakakapagtanong kung saan kami pupunta ay hinawakan na niya ang kamay ko at hinila papatayo.

"Kain tayo sa canteen, nakakagutom ang kagwapuhan ko."

Napamake face na lang ako sa sinabi niyang iyon. Ang lakas makapang ewan ang mga banat niya. Kahit kailan talaga hindi ko makakabisado ang ugali niya.

Hindi ko na lamang siya sinagot at nakisabay na lang sa paghila niya. Wala na rin naman akong magagawa kundi ang sumunod sa baliw nato.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko binuksan ang aking mga mata. Makailang ulit ko iyong ginawa upang mawala ang kabang unting unting nabubuo sa sistema ko.

Nandito na kami sa canteen, and it makes me uncomfortable because of the stares I receive from those girls. I don't know kung ako lang to o talagang nanlilisik ang mga mata nila habang nakatitig sa akin.

"Ano gusto mo?"

Napaharap ako sa taong puno ng kahanginan sa katawan. Nakatalikod siya sa akin habang palipat lipat ang tingin sa mga nakahilerang paninda sa canteen.

Living Like A ShadowWhere stories live. Discover now