Chapter 6.1

96 28 4
                                    

Jealousy is just a lack of self-confidence.

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Shadow 6.1 Jealousy

ËDÏTHÄ'S PÖV

Ilang araw na din ang lumipas na nagiging weird na ang pagkilos ni Renz. Every time na nakakasalubong namin siya ni Racel ay tila galit na galit siya sa mundo at nagmamadaling umaalis at nilalampasan lang kami na parang wala siyang nakita. At pag nasa klase naman, lagi ko siyang nahuhuling nakatitig sakin. Pero sa mga oras na yun ay inaalis niya kaagad ang paningin niya sakin at parang walang nangyari.

Tulad ngayon, PE class namin. Nakaupo siya sa bleacher habang ako nandito at nag aayos ng mga gamit ko.

About sa volleyball ang topic namin kaya naman lahat ng mga kaklase ko ay handang handa. Sa sobrang kahandaan nga nila ay inakala na nilang party ang pupuntahan nila.

Tinignan ko si Ljay at ang grupo niya. Lahat sila naka short na parang panty sa sobrang ikli. Umangat ang tingin ko sa mga mukha nilang kay puputi. Mga pisngi at labing kay pupula na akala mo ay may kasiyahang dadaluhan.

Natigil ang pagsusuri ko kila LJay ng masipatan kong tumayo na si Renz sa kinauupuan niya. I gulped many times dahil sa direksyon ko siya papunta.

'OMG girls, papunta siya dito'.

'Oo nga, pupuntahan niya ako. Nakakakilig naman ang asawa ko'.

'Wag ka ngang ambisyosa'.

Hindi ko pinansin ang mga bulungan nila Ljay sa likod ko. Kundi ay pinagpatuloy ko ang panunuod kay Renz hanggang binabagtas niya ang daan papunta sa pwesto ko.

Nang medyo malapit na siya sa pwesto namin ay nilagay ko sa gilid ng tenga ko ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Re-" Tatawagin ko na sana talaga siya dahil akala ko ay titigil siya sa akin upang kausapin ako. Pero nagkamali ako, dahil nilagpasan niya lang ako.

'Renz'

Nadama ko pa ang hanging nagawa ng paglakad niya sa harapan ko. Tumalikod ako upang tingnan kung saan siya pupunta.

Napabuga na lang ako ng hangin sa aking bibig ng makitang kasama na siya ng mga kaklase kong lalaki upang mag warm up.

Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago sumunod sa kanila para mag stretch na rin bago pa mag umpisa ang laro.

Hinati kami ni Ma'am Aby sa apat na grupo. Magkahiwalay ang babae sa lalaki dahil magkaiba daw ng lakas ang mga lalaki sa mga babae according to Ma'am na sinang ayunan nilang lahat, maliban sa akin.

Magkakalaban kami nila Ljay pero kakampi ko ang ilan sa kaibigan niya katulad na lang nila Rose at Genemay. Sa kabilang banda naman ay kakampi ni Renz ang mga barkada niya.

Di ko maitatanggi na well built ang katawan niya na nabibigyan katarungan ng suot niyang white sando at sport short. I glanced at his face once more, bago ko narinig ang pagpito ni Ma'am. Hudyat na magsisimula na ang laro.

Pinauna ni Ma'am na maglaro ang mga lalaki, sa makatuwid ay kaming mga babae ang mahuhuli. Kanya kanya kaming nagsi upuan sa mga bleachers.

Umupo ako sa may bandang likuran kung saan ako lang ang nag iisang nakaupo. Nagsimula na ang laro at si Renz ang first serve.

Living Like A ShadowWhere stories live. Discover now