Chapter 6.2

101 28 2
                                    

"Love without jealousy is neither true nor pure. Because being jealous is a proof that you care for someone or you want something to be yours, only yours."

$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;$;

Shadow 6.2 Jealousy

ËDÏTHÄ'S PÖV

I slapped my face many times to calm myself. Iniisip na siguro ng nakakakita sa akin na nababaliw nako pero ano nga bang pakialam ko sa sasabihin nila. Mas magandang bigyang atensyon ko na lamang ang laro kesa mag isip.

Nagbigay lang si Ma'am ng ilang paalala bago magdesisyong ibigay ang bola kela LJay, since sila ang natalo sa bato bato pick naming kanina. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag upo ni Renz sa upuang kanina lamang ay kinapwepwestuhan ko.

Kanina pa gumugulo sa isipan ko ang maaaring dahilan ng kakaibang kilos niya nitong mga nakaraan araw at ngayon nga ay may muntik pa siyang makaaway.

'Hay, ano nga bang nangyayari sa kanya?'

Iniling ko na lamang ang aking ulo just to wash away the thoughts that started to manifest my mind. Narinig ko na ang pagpito ni Ma'am, senyales na umpisa na ng laro.

Si LJay ang magse-serve ng bola. Pumorma na siya at malakas na pinalo ito. Dahil doon ay agad kong hinanda ang sarili ko't pinosisyon sa lugar na pagbabagsakan ng bolo. I tossed the ball to my right side easily and waited for my team to make their next move.

"Editha." Malakas na sigaw ng kateam ko kaya naman hinawi ko ang paligid para makakilos ng maayos at saka malakas na ini-spike ang bola sa kalaban.

"Mine!" Hinintay ko ang gagawin ni LJay dahil siya ang umako sa pagsapo ng tira ko. Napatayo nako ng maayos at napailing.

Kita ko ang malakas na pagtama ng bola sa mukha niya. Masasabi kong malakas iyon dahil rumehistro ang sakit sa mukha niya. Rinig ko ang pagsinghap sa paligid ko, ang ilan pa nga'y napatayo sa kanilang kinapwepwestuhan.

Agad na pinuntahan ni Ma'am si LJay at siguro'y tinanong kung okay lang ito base na rin sa pagbuka ng bibig nito.

Tumango man ay hindi ko masasabing totoo dahil kaagad itong nagpukol ng nanlilisik na tingin sa akin. I wonder why she's acting like it's all my fault.

I'm not good in playing volleyball kahit noon pa. Wala nga sa isip ko na makakapaglaro ako nito kahit na para sa lesson lang sa school. Noon kasi masyado akong takot sa bola, na baka tamaan ako't masaktan. But all this time, hindi pala dapat sa bola ako matakot. Kundi sa iba pang bagay na nakapaligid sa akin.

Nagpatuloy ang laro sa pagitan ng grupo ni LJay at ng grupo ko. Ngunit tila parang kami lang ang naglalarong dalawa dahil siya at ako lang ang nagpapalitan ng tira.

Pinunasan ko ang kumawalang pawis sa aking mukha. Pagod na ako at malamang ay ganun din siya. Malapit na naman matapos ang laro kaya hindi ko na ito ininda pa.

I focused my full attention on LJay who's now in her serving position. Nakita ko ang pagkurba ng labi niya sa isang mapang asar na ngiti. Mukhang may binabalak ito ah.

Pinaghiwalay ko ang dalawa kong paa at hinanda ang pang depensa ko sa ano mang taktika ang gagamitin niya.

"Haaaaa!" Nagulat ako sa malakas na pagsigaw niya na sinabayan ng pagpalo sa bola ng malakas.

Living Like A ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon