Chapter 5

183 38 9
                                    

"Winners were not born winners; they learned and practiced how to win and they have it! Everyone who gives a great testimony about his/her life begins with a beginning that was "inadequate" until something happened... a breakthrough that became evident!" -anonymous

^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^

Shadow 5. Begin Again

ËDITHÄ'S PÖV

"Friends na tayo ah, wag mo nako ulit sasaktan o tutuksuhin. Kung hindi isusumbong kita sa kuya ko. Sige ka, lagot ka dun."

Umiiyak na sabi ng isang batang babae sa batang lalaki. Umupo siya sa kahoy na kalapit lamang ng kanilang pinagdapaan.

"Oo, sorry na!" Mataas na tonong saad naman ng batang lalaki.

Linapitan nito ang kanina pang umaatungal na babae. Nang makalapit ay dali dali niyang hinawakan ang tuhod nitong nagdudugo dahil sa gasgas na nakuha sa pagkakadapa.

"Masakit ba? Napakalampa mo naman kasi eh. Bakit ka ba kasi tumakbo? Binibiro lang naman kita."

Mahinahong pagdadahilan ng batang lalaki habang hinihipan ang sugat nito.

"O ayan, hindi na yan masakit kasi hinipan ko na yan. Alam mo bang may magic yan?"

"Magic?" Nagniningning ang mata nito habang binabanggit ang salitang iyon.

"Oo. Sabi ng mommy ko, pag may tao daw na mahalaga sakin ang nagkasugat. Hipan ko lang daw yun at gagaling na ito. Tignan mo hindi ka na umiiyak, ibig sabihin hindi na masakit yung sugat mo."

Masayang turan nito sa batang babae. Umupo ito sa kanyang tabi at pinahid ang luhang natuyo sa pisngi nito.

"May magic din ba yung akin?" nakapout na tanong nito na tila nagpapacute. Ngunit matamis na ngiti lamang ang naging tugon ng batang lalaki dito.

Editha point of view

"Ma'am?" Bumalik ako sa ulirat ko nang magsalita si Manang di kalayuan sa kinatatayuan ko. Masyado akong naligayahan sa mga senaryong nangyari noong bata pa ako. Itinuon ko ang aking atensyon kay manang na kababakasan ng mapagtanong na tono ng pananalita. Tanong kung sa anong bagay, ay wala akong ideya.

Nilingon ko siya at nakita ang mga titig niya sa akin na kababakasan ng pagtatanong. Nakaawang ang kanyang bibig at tila naestatwa na sa kanyang kinatatayuan.

"Manang okay lamang po ba kayo? Bakit ganyan ang itsura ninyo? Daig niyo pa ang nakakita ng multo."

Buong pagtataka kong tanong. Ngunit hindi pa rin siya natitinag at wari'y wala itong narinig.

Makailang ulit kong tinawag si Manang at nang sa pangatlong ulit ay hindi pa rin niya ako napapansin ay napagpasayahan ko nang lumapit at marahang hinimas ang likod nito.

Sa ginawa ko'y tila siya'y nagulat at marahil ay bumalik na sa dating katinuan. Tinignan niya ako ng may kakaunting luha sa kanyang mata. Hindi ko mawari ang dahilan ng kanyang biglaang pag luha.

Magsasalita pa sana ako nang bigla na lamang akong niyakap ni Manang. Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon ko sa mga kinikilos ni Manang ngayong araw.

Sa sobrang kaguluhan ng aking isipan ay ginantihan ko na lamang ang binigay na yakap nito sa akin. Hinagod ko ng dahan dahan ang likod nito sa pagkat humagulgol na ito.

Magkahalong pagtatanong at pagkaawa ang aking naramdaman.

"Manang?" Parang may kung anong bara sa aking lalamunan at tila ang salitang yan na lamang ang aking kayang sambitin.

"Salamat. Salamat anak at bumalik ka na. Salamat at unti unti ko nang nasisilayan ang dating anak ko."

Kahit putol putol ang pagkakasabi ni Manang noong mga pangungusap na iyon ay malinaw ko pa ring naintindihan ang gusto niyang iparating.

Sa mga panahong iyon ay lubos kong naramdaman ang kawalang importansya ko sa mga taong nakapaligid sa akin.

Pinili kong magkubli sa lahat. Magtago at magbago para lang makaiwas sa mga mapanuring mga mata ng iba. Pero hindi ko man lamang naisip ang mga taong nakapiligid sa akin at mga taong nandyan at handa akong intindihin at alagaan.

"Sorry Manang. Sorry talaga." Iyon na lamang ang nasabi ko dahil maging ako'y napaiyak na. Nadala ako sa mga pangyayari.

"Sorry Manang dahil nagbago ako at naging hangal. Nawala sa isip ko ang mga taong handang intindihin at mahalin ako sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay ko. Sorry, I'm very, very sorry."

Nang pagkatapos kong sabihin iyon ay lumuwag ang pagkakayakap ni Manang sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi at marahang dinampi ang luhang patuloy sa pagtulo. Kahit anong punas ang gawin ni manang ay napapalitan lamang uli ito ng panibago.

Itinaas niya ang kaninang nakayuko kong mukha at itinapat sa kanyang sarili. Nagtagpo ang aming mugtong mata at tila ba sa pagkakataong iyon ay nag uusap na kami kahit walang lumalabas na boses sa aming bibig.

"Iha, wag kang humingi ng paumanhin sa akin o kahit kanino pa man. Dahil naiintindihan kita, alam ko kung gaano kasakit ang naramdaman mo dahil sa mga pangyayari. Kahit sinong nasa posisyon mo ay alam kong hindi rin alam kung ano ang mainam na gawin. Kaya tahan na, naiintindihan kita."

Napayakap na lamang ulit ako kay Manang dahil sa kanyang mga sinambit. Sana kagaya na lamang siya ng ibang taong mag isip at umintindi. Kung sana ganon silang lahat ay pasuwari ko'y wala na sana akong pinagsisisihan ngayon.

Naramdaman ko ang unti unting paghimas ni Manang sa likod ko. Nakaramdam ako ng kagaanan ng loob sa mga palad na dumadampi sa aking katawan.

Laki kong pasasalamat sa diyos na kahit wala ang mga totoo kong magulang. Still, nandyan pa rin si Manang na handang tumayong magulang ko. Handang alalayan ako sa lahat ng mga kinahaharap ko kahit ilang beses ko na siyang pinalayo't iniwasan.

"Salamat Manang kasi nandyan ka pa rin para sakin."

Humiwalay na siya sa pagyayakap sa akin at hinawakan na lang ang dalawa kong kamay at tumingin ng diretso sa aking mga mata.

Hinawi nito ang hibla ng buhok na humarang na sa aking mukha. Pinisil pisil niya ang aking pisngi na lagi niyang ginagawa noong bata pa ako.

"Naalala mo pa ba ang laging sinasabi ko sayo noong bata ka pa?"

Nginitian ko siya ng matamis at dumantay sa kanyang dibdib.

"Oo naman manang. Hinding hindi ko po yun makakalimutan kahit sa pagtanda ko."

Dahil iyon ang naging gabay ko sa araw araw. Nagbago man ako, naging iba man ako sa ibang aspeto ng pagkatao ko noon. Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga sinabi sakin ni Manang. Dahil para sakin, ito na lang ang pinanghahawakan kong alas para magpatuloy sa buhay.

Paano ko makakalimutan ang mga pangungusap na dahilan kung bakit pa ako nandito.

Living Like A ShadowWhere stories live. Discover now