Chapter 25- Camp Training 1st part

Start from the beginning
                                    

“A-Ah.. Goodmorning. A-Anong ginagawa mo dito?” Sinong nagsabing walang ako sa mood? Sige, Steffie. Mukha ka na ngang witch ay ipakita mo pang mukha ka ding abnoy sa pagiging utal mo tuwing umaga. (-_-“ )

“Fetching you..” simpleng sagot nya with his famous heart killing smile. Psh.

Biglang bumukas ang sliding door nung van. “Hi Steffieeee” sabay sabay na sabi ng teammates niya. Akala ko sya lang..

E bakit parang disappointed ka? Sabi ng epal na subconscious ko.

Duhhh. Hindi no.. >o< Hays. Sige na nga. Oo, medyo. Akala ko kasi kami lang dalawa.

“Uyy. Hello” ganting bati ko sa mga ito.

“Sabay ka na samin..” magiliw na sabi ni Kevin. Gwapo din ang mga lalaking ito kahit sa umaga, bakit ba parang ang unfair? May oras ba na pumapanget din sila? (__) Ka-inggit.

“Ha? A-ah.. E-Ehh. Ano kasi..” pwede kaya? Hmm. Sabagay.. Kakaaway nga lang din namin ni Manong Ding. Ang awkward naman kung ipagda-drive nya pa ako.

“Oo nga sabay ka na samin.” Sabi naman ng prinsipe ko na prenteng nakatayo at nakangiti sakin.

Wag ka ngang ngingiti-ngiti dyan.. Baka gahasain kita. Tss

“O sige. Makakatanggi pa ba ako e andito na kayo?” and I gave them a warm smile.

“Pero Miss.. H-Hindi po pwede..” singit ni Manong Ding na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.

“Manong, pagtatalunan pa ba natin to ulit?” naiinis kong sagot. “Wait lang guys, ibaba ko lang yung mga gamit ko..” at tumalikod na.

Dala-dala ng mga kasambahay ay isa kong maleta at bagpack habang ako naman ang may dala ng shoulder bag ko.. Kinuha naman ni Bryan ang mga dala kong bag at sya na rin ang naglagay nito sa likod ng van.

“Sige Manong, Nana Susan, alis na po ako. Kaya na po ang bahala kela Jm. Pakisabi nalang po na umalis na ako.”

“Dito nakatira sila JM??!” parang gulat na tanong ni Alvin.

“Ah.. Yep. Bakit?” mamamatay na ako sa curiousity kung ano ba talagang meron tong lalaki na to at si Cecille.

Bigla syang umayos at para nagulat din sa ginawa nyang pagtatanong. “Ah wala wala. Lika na. Baka mapagalitan pa tayo ni Coach.”

Nakasakay na ako at sa pinakadulo nila ako pina-upo. Nakapasok na ako ng sasakyan ay hindi pa pumapasok si Bryan at nakita kong kausap nya pa si Manong Ding.

Hayy. Pag-uwi ko mags-sorry nalang ako kay Manong.

Pumasok na si Bryan at nagulat ako na sa tabi ko sya umupo. Dmn. Bakit hindi ko nga naisip yun?? Lahat ng upuan ay occupied na maski ang passenger seat kaya malamang ay sa tabi ko sya uupo dahil dito nalang ang walang naka-pwesto. I stiffened. Kinakabahan ako at baka lumabas na naman ang puso ko sa sobrang pagtibok nito.

Mr. Heart, hinay hinay naman oh. Hindi ka pa ba nasasanay? Aba tatlong taon ka ng ganyan tuwing malapit sya ah. Hindi ka ba napapagod? :(

Hindi ko alam kung ano ba talagang meron ang isang Bryan Kiefer Harris at nabubuhay nya ang katawang lupa ko kahit madaling araw. (“ -_-)

“Teka nga.. Harris, Muse.. Nag-usap ba kayo?” tanong ni James ng magsimula ng umandar ang van.

“H-Huh?” sorry ha. Ako na slow. Di ko kasi talaga maintindihan.. Sorry po..

Be MineWhere stories live. Discover now