Chapter 18: Compose

1.3K 26 4
                                    

SHEAN

Matapos ang tatlong araw ng pagiging suspendido nila Renz, Marv, Allen at Kyle, nakabalik na sila ngayon at mukhang maayos naman na ang lahat. Although walang nagpapansinan sa kanila, sa tingin ko ay naka-recover naman na yata 'tong mga 'to.

"Guys, 'yung mga write-ups niyo daw, ipasa na kay Ma'am.", sabi ni Ate Joy na nagpayanig sa kapayapaan ng buong classroom. Nagsimulang magkagulo ang lahat na para bang End of The Newton na. Buti na lang na-print ko na 'yung sakin.

"OMAYGAD! SA'N PWEDENG MAGPA-PRINT!? I'M GONNA' DIIIE~!"

"BILIS! BILISAN NIYO! NANDIYAN NA ANG PULANG KARWAHE!!!"

"KATAPUSAN NA NATIN!!! GRAAAAAAH!!!"

"GO! GO! GO! I-BARRICADE NIYO NA 'YUNG MGA PINTUAN!"

"SHET! KILAY IS LIFE! PAPUNTA NA SIYA DITO."

At 'yan mga kababayan ang nagagawa ng Research.

Kawawang mga nilalang...

Habang nagkakagulo at nagsisimula nang manalangin ang mga tao sa paligid ko, napatingin ako sa pwesto ni Renz. 'Di tulad ng inaasahan ko, chill lang si Bes at mukhang wala siyang problema. Nagbagong buhay na yata.

"Renz?", pagtawag ko sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang tumingin sa akin at nasilaw ako sa maaliwalas niyang pagmumukha. Shemay.

"Bakit?", sabi niya naman at halos masira ang pandinig ko sa pagkamaalumanay ng boses niya. Putek, ano namang pinakain ni Tita dito?

"Tapos ka na ba Bes? Ipapasa na daw mga write-ups, 'di mo ba narinig?"

Pumikit lang ito na para bang hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Wait, what?"

"Huh?"

"Anong sinabi mo?"

"Uh, 'yung mga write-ups?"

"Anong meron sa write-ups?"

"Ngayon na daw ipapasa."

Biglang nasira ang maamo niyang mukha at napalitan ng kataku-takot na... ekspresyon na hindi ko ma-explain.

"ANAK NG PATING! WHY?! SINO... BAKIT 'DI NIYO SINABI SAKIN!!! WALA PA AKONG NASISIMU--- KATAPUSAN NA!!! KATAPUSAN NA!", sabay takbo niya kasama sa mga iba kong kaklase na nananalangin na para magkaroon ng milagro at madisgrasya man lang sana 'yung teacher namin para 'di maka-attend sa klase.

Nagkamali ako...

Naisip ko tuloy... Renz and I just talked... And... Without any weirdness dominating the atmosphere. Nakalimutan niya na ba 'yung sinabi niya sakin? Na gusto niya ako? Or was that just my imagination at wala talaga siyang sinabing ganun?

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon. Sana kahit isa man lang sa mga 'yun, masagot ko. Sooner or later supposedly.

"Uh, Shean.", lumingon ako to see Allen standing behind my chair. Nakangiti siya at mukhang positibong-positibo siya ngayon. Last time na nakita ko siya, sobrang down ng aura niya. Oo nga pala. 'Yun pala 'yung rason kung bakit sila na-suspend. He was drunk that day. Hanggang ngayon, 'di pa rin ako makapaniwala. It's really not like him at all.

"Oh, Allen. What's up?"

"If you have time, pwede bang pumunta ka sa rooftop mamaya?"

"Mamaya? Bakit? Anong meron dun?"

"Basta. I'll explain later. Para mas maganda, dalhin mo na rin 'yung lunch mo para dun na rin tayo kumain."

"Teka, hindi ko---"

"Meet you there at twelve.", at umalis na siya without another word.

Ano daw kayang meron sa rooftop. Ngayon lang ako na-inform na pwede pala i-access 'yun. Pupunta ba ako? Sa bagay, lagi naman akong sinasamahan ni Allen kung saan-saan. Maybe it's time to pay him back.

* * *

"Shean, you're just in time.", sabi ni Allen habang naglalakad ako palapit sa kaniya. Kakarating ko lang galing sa cafeteria at dinala ko na lang dito 'yung binili kong food pack.

"So ano na? Anong gagawin natin dito?", tanong ko bago umupo sa tabi niya. Syempre may space.

"Check this out.", may inabot siya sa aking papel. May mga nakasulat dito.

"Is this..."

"Yep."

"Didin't know you were a poet."

"Actually, kanta 'yan."

"Para sa'n naman 'to?", tanong ko at tumingin siya sa dala kong pagkain.

"Wala... Madami lang kasi akong problema kaya naisipan kong i-express 'yung nararamdaman ko by composing a song."

"Hm... Sige nga! Kantahin mo nga."

"Uh, hindi pa kasi pwede eah. That's why I called you here. Help me put a tone to it."

"Hala, bakit ako?!"

"Uhm... Gusto ko eah."

"Hindi ako marunong maglapat ng tono. Kung gusto mo, iba na lang."

"Eah, gusto ko nga ikaw eah."

Bigla akong napahinto sa sinabi niya. And then Renz's face flashed into my mind.

"Gusto kita..."

"Gusto..."

"Kita..."

"Shean?"

"HUH? ANO?!"

"Sabi ko gusto kong malaman 'yung suggestions mo."

"..."

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman."

"Hay... Minsan na nga lang ako mag-request sayo eah..."

"Ugh. Kasi naman. 'Di nga ako marunong. Chemene mo rin eah noh... SIGE NA NGA! "

"Yay."

"Ewan ko sayo. Para sa'n daw kaya 'to."

"You'll find out kapag tinulungan mo ako."

"Yeah, whatever."

And then I read the lyrics...

What the hell is this...

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon