Chapter 15.1: Bangag

1.8K 39 1
                                    

This chapter is dedicated to BLUE_POTION. ENJOY, BEBELABS!

RENZ

"Ganon? Bakit daw?"

"Hindi ko alam sa kan'ya. Basta-basta na lang nagbabago 'yung isip."

"Bipolar talaga 'yang si Sheee---mene."

Naputol ang pag-uusap namin ni Marv ng dumaan si Allen. Gulo-gulo ang buhok niya tapos ang lulusog ng eyebags. At parang amoy...

Alak? Anong nangyari dito?

Iniwan ko saglit si Marvin at hinintay makaupo si Allen bago ko siya nilapitan. Agad nitong sinalpak ang mukha niya sa lamesa.

"Ayos ka lang?", kinalabit ko siya sa balikat at iniangat niya ang ulo niya para tignan ako. Namumula 'yung mga mata niya. Mukha siyang bampira. Shet.

"Huh? *Hick* Uh... Oo naman. Hehe-*Hick*", napakunot ang noo ko. Nagdadalawang-isip kong inilapit ang mukha ko sa kaniya at inamoy kung sa kaniya ba nanggagaling 'yung amoy ng alcohol.

Sa kaniya nga.

"Baliw ka ba, Allen?! Bakit naglasi---"

"Shhh...!", tinakpan ko 'yung bibig ni Kyle na bigla na lang sumusulpot kung saan-saan.

"Renz, anong meron?"

Hinila ko si Marv papalapit, "Si Allen, lasing...", pagbulong ko.

"Ano?!"

"SHHH!", nilamutak ko 'yung kamay ko sa bibig ni Marvin.

" 'Wag kayong maingay... Kapag nalaman ng iba na nakainom si Allen, malalagot siya... Tulungan niyo na lang akong dalhin siya sa comfort room...", mahina kong sabi. Inalalayan ko si Allen sa pagtayo at umalis kaming apat ng walang nakakapansin.

"Kyle, i-check mo 'yung hallway kung may tao.", pag-utos ko. Hindi pwedeng may makakita kay Allen dahil bagsak na ang katawan niya. Mas mabuti na kaysa gising siya. Maingay kasi ang mga taong lasing. Tsk. Ano bang naisip niya at uminom s'ya ng alak? Kung anuman 'yun, siguradong meron siyang malalim na dahilan.

"Okay na. Bilisan na natin."

"Isa... Dalawa... Tatlo...", bitbit ang dalawang braso at mga binti ni Allen, pinagtulungan namin ni Marvin na makarating sa banyo. Ang galing namin.

Alam niyo na, ha? Kapag nakapatay kayo, tawagan niyo lang po ang numerong ito: #09501706148

Maayos na serbisyo! Malinis at pulido! "BANGKAY SALAKAY". Your Partner In Crime.

"Marvin, i-lock niyo 'yung pinto."

"Malalagot tayo nito. Dapat dinala na lang natin s'ya sa clinic tapos pinakiusapan natin 'yung nurse na 'wag na lang sabihin."

"Na ano? Under siya ng influence ng alcohol? Hindi pwede 'yun, Kyle. Ire-report 'yun ng nurse kay sir Lacoste."

"Err... *Hick* Ang ingay naman. Nas'an tayo? Bakit umiikot 'yung paligid? *Hick*", napatingin kaming lahat kay Allen. Naaawa ako sa kaibigan namin. Bakit nagkaganito 'to?

Kinuha ko 'yung BENCH na face towel na nasa bulsa ko bago basain ng tubig. Kailangan bilisan namin at baka mahuli kaming 'di oras.

To Be Continued...


OH 'YAN NA! Tinupad ko na ang pangako kong mag-u-update ako. Promises weren't meant to be broken after all. *Nose Bleed*

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Där berättelser lever. Upptäck nu