Chapter 10: PINSAN

2.8K 83 0
                                    

JINOH

Matapos maligo ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita ko si Renz, nanonood ng tv habang kumakain ng pancake. Tsk.

"Jinoh! Gising ka na pala. Kunin mo 'yung almusal mo dun sa ref. Nakalagay sa platito.", hindi ako sumagot at dumiretso papunta ng kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ang platito na may pancake... na may kagat.

Binalik ko sa loob ang platito at nag-face palm. Kung meron lang akong pera, matagal na akong umalis dito.

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha 'yung jacket na nakasabit sa likod ng pintuan. Sinuot ko ito ng mabilis at lumabas. Tumingin sakin si Renz habang nginunguya niya 'yung pancake sa loob ng bibig niya.

"Shan ka fupuntcha?", tanong nito pero hindi ako sumagot. Lumabas ako ng bahay dala ang P100.00 na naipon ko simula first day of school na tatlong buwan na ang nakakaraan.

Tinawag ni Renz ang pangalan ko pero 'di ako lumingon. Naglakad ako papunta sa pinakamalapit na computer shop samin. Sinayang ko ang perang inipon ko sa walang katuturan. Pero nag-enjoy ako. Anong meron sa DOTA na wala ang pamilya ko? Ang DOTA, P15.00, masaya ka na. Ang pamilya ko, pancake na nga lang, 'di pa pinatawad.

Nang maubos na ang oras ko, lumabas na ako at ginamit ang baryang natitira sakin para makapunta sa SM. Ayokong umuwi sa bahay na 'yon.

Nang makarating ako sa "Birth Place" ko na laging sinasabi sakin ni Renz kapag pumupunta kami dito, hindi muna ako pumasok. Dinukot ko ang stick ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan ito. Naubos ito ng hindi ko namamalayan at nang itinapon ko na ang basyo sa basurahan, napahinto ako ng may nakita akong babaeng dumaan. Nakasuot siya ng puting button-up blouse at peach na palda na three inch ang haba mula sa tuhod. Naka-braid ang mahaba niyang buhok at masasabi kong nanggaling siya sa mayamang pamilya dahil sa aura at itsura niya pa lang.

Pero may kasama siya. Lalakeng matangkad at nakasalamin. Malinis ang pagkaka-trim ng buhok nito at mukhang disente. Parehas silang nakaputi pero naka-black na leather pants naman 'yung lalake.

Huminto sila saglit at may binasa ang lalake sa screen ng cellphone nito. Iniwanan niya ang babae pagkatapos magpaalam pero hindi sila nagyakapan o nagkiss. Siguro magkaibigan lang sila.

Lalapitan ko sana 'yung babae pero may tinawagan siya sa cellphone. Hindi niya binaba hanggang sa dumating naman ang isa pang lalake. Nakaitim na t-shirt at naka-shorts lang 'to. May nakatatak na "I'M BATMAN" sa damit n'ya. Mukhang ordinaryo lang 'to kumpara sa lalake kanina.

Bumagsak ang panga ko ng ma-realize kong ang magaling kong PINSAN pala 'yun. AT SUOT PA ANG T-SHIRT KO!

Pumasok na lang ako sa mall. Tsk. Lahat talaga ng gusto ko, inaagaw niya sakin.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon