SPECIAL CHAPTER

1.3K 34 6
                                    

RENZ

Maaga akong pumasok ngayon dahil magdedecorate kami ng stage para sa foundation day. Valentines day na ngayon at wala pa yatang balak si Shean na sagutin ako. Biro lang. Hindi ko pa naman kasi siya tinatanong.

"Ang lamig, nakakabanas.", sabi ni Marvin habang nagsasabit ng lobo sa mga poles. Napayakap ito sa sarili niya at tumingala saglit. Malamig nga ngayon pero ang balita ko, mawawala na din ang ganitong temperatura sa susunod na linggo.

"Lubosin mo na lang. Next week, mainit na naman ulit."

"Pero ang lamig kasi. Ilang araw na akong 'di naliligo. Ang ginaw kasi."

Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya naman minabuti ko na lang na tapusin ang pagsasabit ng lobo na may quotes. Ilang minuto makalipas, natapos na rin ako.

"Balik muna ako sa taas. May kukunin lang ako.", pagpapaalam ko kay Marvin at tumango lang ito. Mabilis akong umalis at nagtungo sa classroom namin.

Pagpasok ko sa loob ay wala akong nadatnan na kahit sino. Nakapatay ang mga ilaw at hindi nakasaksak ang aircon tulad ng inaasahan ko.

"Ang kalat naman dito.", bulong ko sa sarili ko bago pumunta sa likod ng room kung nasaan 'yung mga locker namin. Binuksan ko 'yung sakin at hinugot ang isang puting rosas na may nakadikit na sticky note. Napangiti ako. Sana magustuhan niya.

"Happy Valentines Day?", nabulantang ako ng may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay namula ang mukha ko sa kahihiyan.

"Nakakagulat ka naman. Kanina ka pa d'yan?"

"Oo. Nandun ako sa ilalim ng mesa. Nagcha-charge. Kanina pa ako dito sa room."

"Ah..."

"Patingin nga.", tinuro niya 'yung bulaklak na hawak ko kaya mabilis kong tinago sa likuran ko.

"Ayoko nga."

"Hala, papansin. Patingin lang naman eah."

"Eah bakit ba kasi? Ayoko nga!"

"ANG DAMOT MO NAMAN!"

"EEEH!!!"

"Para kanino ba 'yan?"

"Sa lolo mo!"

Akala ko tatantanan na ako ni Shean pero nagulat ako ng hablutin niya mula sa likuran ko 'yung rosas. Nag-panic ako kaya hinila ko 'yung kamay niya, dahilan para mahulog siya sakin. Literally.

"Aray ko naman."

"Ikaw kasi eah! Tamo! Nasira na!", pinakita ko sa kaniya 'yung nagkalagas-lagas na petals pero wala siyang pake. Galing noh?

"ANO? IKAW KAYA 'TONG AYAW MAGPAHIRAM!"

"Ba't kasi hihiramin mo pa, ibibigay ko din naman sayo?"

"..."


"..."

Patay...

"..."

"..."

I'm dead...

"..."

"..."

This is getting pretty awkwar---

"Akin na pala."

"Huh?"

Kinuha niya 'yung bulaklak at nginitian lang ako na para bang ayos lang sa kaniya. Ayos... Ayos lang ba talaga?

"Happy Valentines din, Bes."

Bes...

O'rayt. Nakalimutan ko... Bes nga lang pala talaga tingin niya sakin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Saklap nemen...

A/N: Tinatamad ako mag-update so just bear with me guys.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Where stories live. Discover now