Chapter 15.2: Bagang

1.7K 39 0
                                    

A/N: Oo mga Bes. "Bagang" talaga 'yung title ng chapter na 'to. Actually, continuation lang siya nung previous chapter so... 'Yun lang. BYEEE

BTW: The next chappy is Rated SPG

Striktong patnubay at gabay ng mga magulang para sa mga batang mambabasa. Maaaring may maseselang---

Jinoh: Alam na nila 'yun. -_-

Eah 'di shing... >.>

* * *

"Tsk tsk tsk. Sira ka talaga, Allen.", hirit ni Marv habang dinadampian ko ng basang panyo ang mukha ni Allen.

"*Hick* F*CK IT. You don't know me.", nabulantang ako sa pagmumura ni Allen. Hindi na normal 'to.

"Allen, ano bang pinagsasasabi mo? Umayos ka nga. Nawawala ka na ba talaga sa sarili mo, ha?"

Hindi niya ako pinansin at ngumisi lang. Nabaling ang tingin niya sa kabilang dulo ng comfort room. Tumingin siya ng masama kay Kyle. Parang papatay na s'ya ng tao sa itsura niya ngayon.

"YOU SON OF A B****!!!", (Waaah... I hate dis.) Sabay sugod ni Allen kay Kyle. Mabilis kong hinarangan ang daan para mapigilan siya. Tinangkang suntukin ni Allen si Kyle pero ako ang tinamaan. Sa mukha. Dumugo ang bibig ko at parang may matigas sa loob ng bibig ko. Natanggal 'yung bagang ko! Mah beautiful face. Teka, ano ba 'tong pinag-iisip ko?!

"TAMA NA, ALLEN!", pagpigil ni Marv sa kaniya habang hinihila siya paatras. Ano bang pinuputok ng buchi nito?! Magkaaway ba sila ni Kyle? (Hindi, Bes. Hindi.)

"YOU F*CKING CUNT!"

Lumingon ako para tignan si Kyle pero nakangisi lang ito 'di tulad ng inaasahan.

"May alam ka kung bakit nagkakaganito si Allen?", tanong ko sa kaniya. Tumawa lang ito na para bang nawawala na sa sarili. Demonyo ba 'to?

"Hahaha... Haaay... Ang mga tao nga naman oh. Bakit ba hindi mo matanggap na mas mahal ako ni France kaysa sayo? Hindi pa ba malinaw na pinili niya ako dahil sawa na siya? Desperado ka talaga."

Teka... Si France? 'Yung former classmate namin?

"IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAPATALSIK SA SSC! KUNG 'DI MO SIYA INAGAW SAKIN, SANA MAAYOS PA RIN SIYA HANGGANG NGAYON!"

"Allen... Allen... Allen... Psh. Hindi ka talaga nag-iisip. Tanungin mo nga muna ang sarili mo. Kung mahal ka talaga ni France, hindi niya hahayaang mawala siya sayo. Pero ano? Sumama pa rin siya sakin. Masyado ka kasing mapagmataas. Sa sobrang busy mo, nakalimutan mo na unti-unti na siyang nawawala sayo. Pinabayaan mo siyang bumagsak habang nasa tuktok ka ng lahat. Hindi siya natanggal sa curriculum natin dahil sakin. Dahil 'yun sayo."

Susugurin pa sana ni Allen si Kyle nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang maintenance guard kasama ni sir Lacoste. Patay...

Sorry kung dalawang beses akong nag-update ngayong araw. Wala kasing WiFi sa bahay namin kaya kailangan ko nang samantalahin habang nasa QC pa ako. Anyways, nagustuhan niyo ba? Ano kayang nangyari sa pagitan ni Allen at Kyle? Sino ba talaga si France? Kailan 'to naganap? Ano kayang kulay ng brief ni Renz? Kaninong kulangot kaya ang nasa pader? Abangan ang lahat ng iyan sa susunod na kabanata.

Renz: Haaay nako.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon