Chapter 9: Arithmetic Sequence vs. Romantic Sequence

3.1K 77 0
                                    

RENZ

"Buti pa ang arithmetic sequence, kahit may difference,may common pa rin. Pero ang romantic sequence, walang exact ratio. Walang tiyak na pagkakasunod-sunod. 'Di mo alam kung anong mangyayari dahil wala silang sinusundan na pattern. For short, walang katiyakan sa romantic sequence. Wala! WALA--- Aray.", lumingon ako at nakita ko si Jinoh, pinsan ko, sa gilid ng pintuan. Pinukol n'ya sa ulo ko 'yung unan niyang matigas. Ang laki ng eyebags at sobrang gulo ng buhok n'ya na parang nagpakuto s'ya kay Orang Juice.

"Ano ba?! Kung ayaw mo matulog, eah 'di sana sinabi mo sakin para ako nagpatulog sayo--- Aw!", sapul sa mukha n'ya 'yung unan niya. Hehehe.

"Hoy batang pinanganak sa city mall! 'Wag mo nga akong pinagsasabihan. Una sa lahat, mas matanda ako sayo ng tatlong buwan. Pangalawa, bahay namin 'to kaya may karapatan akong mag-ingay. Pangatlo, madami akong proble--- Aray ko! Nakakailan ka na ha! Ay... Hehe... Hi ma. Ma, alam mo, kapag nakikita kita, lalo kang gumagan---"

"RENZ ROBREDO DELA PAZ SANCHEZ! ANAK KA NG INA MO, MATULOG KA NA NGA!", napalunok ako at parang nawalan ng dugo ang mukha ko.

"Opo. Opo.", hinagis ko ang sarili ko sa kama. Hinayaan ko lang nakabukas ang laptop ko. Natatakot akong gumalaw. Kapag si mama nagalit at sinama na niya lahat ng apelyido ng ninuno n'yo, masindak ka na. Alam kong malaki na ako para matakot pero sino ba namang hindi manliliit kapag nag-activate na ang machine gun ni mama?

"SABI KO MATULOG! PIKIT!", ipinikit ko ng pagkadiin-diin ang mga mata ko at nagtago sa ilalim ng kumot. Pinatay na ni mama ang ilaw at nagliwanag ang mga neon stars na nakadikit sa kisame. Hindi na masyadong maliwanag kasi three years na ang mga 'yan d'yan. Regalo sakin ni Shean.

S'ya na naman iniisip ko. Tsk. Sino ba namang 'di makakatulog sa araw ng pag-amin mo sa isang tao na may gusto ka sa kaniya?

"August 30, 2016.", bulong ko sa sarili ko bago ipinikit ulit ang mga mata ko.

"Hindi ko makakalimutan 'to. Ang araw na unang beses akong nagtapat sa babaeng gusto ko at ang unang beses na hiniling ko na sana, nilamon na lang ako ng lupa."

Unti-unting namanhid ang pakiramdam ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Teka wait... 'Yung laptop ko pala.

*Beep*

Windows shutting down...

POOF!

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora