Chapter 12: PAASA

2.5K 67 3
                                    

RENZ

Mabilis kong kinuha ang susi ng bahay at nangupit ng bente pesos sa aparador ni mama. Ibabalik ko din. Promise.

Dahil sa pagmamadali ko, sa kwarto ni Jinoh ako napadpad. Dumampot ako ng isang t-shirt sa drawer niya tsaka nagpalit ng pantaas. Naghilamos ako at nag-ayos ng buhok. Nag-toothbrush din ako. Just in case.

"Okay na.", sabi ko sa salamin at tsaka lumabas. Ni-lock ko 'yung bahay tsaka nagpaalam sa maliit naming cactus na nasa pasimano ng bintana.

* * *

Pagkababa ko sa tapat ng SM, nakita ko si Shean. Huminga ako ng malalim bago ko siya nilapitan. Kinakabahan ako na natatae na hindi ko malaman.

Nakasuot siya ng white na blouse at peach na palda. Nakatirintas 'yung buhok n'ya. Parang may kausap s'ya sa cellphone kaya naghintay muna ako ng five minutes. Nilapitan ko na s'ya pagkatapos.

"Renz.", nag-init ang mukha ko ng banggitin niya ang pangalan ko. Nakangiti s'ya pero 'di ko alam kung masaya ba siyang nakita n'ya ko. Lalo na ngayon na umamin na ako. Baka naalog 'yung utak niya tapos nakalimutan n'ya kung anong nangyare kahapon.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mag-isa mo lang?", tanong ko sa kaniya.

"Hindi, kasama ko si Allen. Kanina ko pa nga s'ya hinihintay eah.", ako ba? Hinintay mo ba ako habang papunta ako dito?

"Ah. Bakit? Nasan na ba 'yun?"

"Nakalimutan n'ya 'yung iPad n'ya sa Starbucks. Galing n'ya noh?", tumango na lang ako.

"Oo na lang.", pinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ko.

"Eah may kasama ka na pala eah. Bakit mo pa ako pinapunta dito?", tumingin s'ya palayo.

"Ano...", kinamot n'ya 'yung pisngi n'ya.

"Ano?", 'di ko alam kung bakit pero lumapit ako ng konti sa kan'ya.

"Kasi..."

"SHEAN!", napalingon kaming dalawa. Tumatakbo papunta samin si Allen.

Hay...

"Oh Renz. Ba't nandito ka?", tanong sakin ni Allen. Tumingin ulit ako kay Shean pero kay Allen s'ya nakatingin. I feel like a third wheel.

"Hindi ko alam. Pinapunta ako dito ni---"

"Ay Renz, may gagawin pa pala kami. Next time na lang pala. Sorry ah."

Ano? Pinapunta n'ya lang ako dito para sa wala?

"Kakarating ko lang. Bakit mo ba talaga ako pinapunta dito?", medyo naiinis ako. Sinasadya n'ya ba 'to? She's taking me for granted.

"Sorry talaga, Renz. Ito oh, pangpalit sa pinamasahe mo.", nag-abot s'ya ng P50 pero 'di ko tinanggap.

" 'Wag na. Maglalakad na lang ako."

Naririnig kong tinatawag n'ya ang pangalan ko habang naglalakad ako palayo. Papaalisin mo ako tapos pababalikin mo ako? Tsk.

May dumaan na jeep and by instinct, napara ko.'Di ba sabi mo, maglalakad ka?!

Tanga

Sumakay na ako at umupo sa pinakadulo. Maluwag pa 'yung space kaya nakadungaw ako sa bintana. Pakiramdam ko, pinaasa ako.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon