Chapter 5: BES! ANYARE?!

3.7K 104 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(ANG CUTE NG CHARACTER SA IMAGE! ANONG MANGA 'TO?! HNGGGH... NOT RELATED TO THE STORY BUT WHO CARES?)



SHEAN

Galit ba s'ya sakin? Bakit parang iniiwasan n'ya ako ng tingin? May nagawa ba ako?

"Ah sige. Sabay tayo kumain mamaya?", niyaya ko s'ya. Wala talaga s'yang balak tumingin sakin.

"Sorry, Shean. May gagawin pa ako mamaya. Baka 'di na ako mag-lunch. Sabay ka na lang sa iba.", bumukas 'yung pintuan. Nandiyan na si Mr. Lacoste kaya bumalik na ako sa upuan ko.

'Yan na naman si Renz. Kung galit s'ya sakin, sana naman sabihin n'ya kung bakit. Hindi 'yung nagmumukha akong tanga kakaisip kung anong nagawa ko. Kainis.

* * *

Lunch break na at lalabas na sana ako papunta sa Math faculty ng harangin ako ni Marvin.

"Mamaya ka na kumain. Samahan mo muna ako. May sasabihin lang ako.", hinila n'ya ako palabas ng room at pumunta kami sa backstage. Wala na akong nagawa. Umupo s'ya sa bench. Tumabi ako sa kaniya pero may space sa pagitan namin.

"Oh, ano na?", tinignan ko s'ya sa mata. Medyo naiirita ako kasi ang tagal n'ya magsalita. Parang iniisip n'ya pa kung anong sasabihin. Nakalimutan n'ya siguro 'yung linya n'ya.

"Shean, naaalala mo 'yung sinabi ko sayo kagabi?", tumango ako. Tumingin s'ya sa mga taong dumadaan.

"Totoo 'yun. Kahit 'di umamin si Renz, alam kong gusto ka n'ya. Dapat 'di ako ang nagsabi sayo. Gusto ko lang kasi s'yang pag-tripan. Pero sana 'wag magbago 'yung tingin mo sa kaniya.", hahawakan n'ya sana ako sa balikat pero tumayo na ako at umalis.

Ine-expect n'ya bang maniniwala ako? Pwes hindi. Alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin sakin ni Renz. Gagawa na nga lang s'ya ng kalokohan, idadamay pa ako.

Hindi dapat pinapaasa ang damdamin ng isang tao para lang sa ikasisiya mo.

Nasa kalagitnaan ako ng hallway ng bigla akong nahilo. Umiikot 'yung paningin ko at parang ang bigat ng ulo ko. Nandilim ang paligid at 'di ko na alam kung anong nangyare.

* * *

RENZ

Tahimik kong nginunguya 'yung pagkain ko. Nakakawalang gana. Sana matapos na 'tong araw na 'to para wala nang pasok kinabukasan.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng biglang bumukas 'yung pintuan. The fudge?

"Emergency po! Sino pong may contact # ng guardian ni Shean Francisco?", lumapit si Allen, ang peace officer ng klase at tinanong kung anong nangyari.

"Hinimatay po 'yung kaklase n'yo. Nasa clinic po s'ya ngayon. Pinapakuha po ng nurse 'yung contact # ng guardian n'ya para po ma-contact sila."

"Ano?!", napasigaw ako at nagsitinginan sila. Ramdam ko din ang pagkagulat ng iba naming kaklase.

"Hala guys. Tawagan n'yo si Ma'am Francisco!"

"Bes, wala s'ya ngayon! Nasa district office."

"Basta tawagan natin!"

Dahil sa dami ng nagsasalita, wala na akong maintindihan. Nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta sa clinic.

Nand'yan na ako, Shean.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon