Chapter 6: Shocking Revelation Bes!!!

3.4K 107 2
                                    

RENZ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RENZ

Pagkapasok ko sa infirmary, nakita ko si Marvin. Nakaupo s'ya sa gilid ng kama ni Shean. Hay salamat at walang nangyaring masama sa kaniya.

Lumapit ako kay Marv at ngayon n'ya lang napansin nandito ako. Tumayo s'ya at tumingin sakin bago ibaling 'yung tingin n'ya pabalik sa natutulog na Shean.

"Bakit nandito ka? Ano bang nangyare?"

Napakamot s'ya sa batok n'ya.

"Magkasama kami kanina tapos nung umalis na s'ya, may narinig akong ingay sa hallway. Nung tinignan ko kung bakit, pinaliligiran na pala s'ya ng mga tao . Hinimatay si Shean kaya dinala ko s'ya dito.", medyo pinagpapawisan si Marv. Halata sa mga mata n'yang nagaalala s'ya kay Shean.

"Magkasama kayo kanina?", tanong ko habang nakatitig sa mukha ni Shean.

Hindi ko alam pero bakit parang nagseselos ako na magkasama sila? Ako dapat 'yung kasabay ni Shean kanina. Ako dapat ang magdadala sa kaniya dito kung sakali mang himatayin s'ya. Kung pwede lang i-rewind ang oras, dapat pumayag na lang akong samahan s'ya. Hindi sana nangyari 'to.

"Renz?", nahinto ako sa pag-iisip nang makita kong gising na pala si Shean. Napabuntong-hininga ako at umupo sa upuan sa tabi ng kama.

"Ang shunga mo.", dinampi ko ng kamay ko ang noo n'ya. Ang init n'ya! Bakit ba pumasok 'to ngayon? Nilalagnat s'ya oh!

Tinanggal n'ya ang kamay ko sa noo n'ya at tumingin s'ya palayo.

"Umalis na nga kayo. Ano bang ginagawa n'yo dito?", parang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Nagtinginan kami ni Marv tapos lumabas na s'ya.

"Ikaw? Ano?", tinignan n'ya ako na para bang sinasaksak ako ng mga mata n'ya.

"Galit ka ba sakin?", tanong ko sa kaniya.

"Hindi. Ikaw? Galit ka ba sakin?", mabilis n'yang sagot. Ako? Galit sa kaniya?

"Hindi---"

"Oh bakit mo ako iniiwasan?"

"Ano?"

"Bingi lang?"

"Sinong nagsabing iniiwasan kita?"

"Nararamdaman 'yun, Renz. 'Di 'yun sinasabi. Kahit naman hindi ka magsabi na 'Oy Shean! Iniiwasan kita ha', mararamdaman ko pa rin 'yun eah. 'Di ako manhid."

"Oh talaga? Hindi ka manhid? Bakit pala 'di mo maramdaman?!"

"Ang ano?!"

"Na gusto kita!", nanlaki ang mga mata n'ya sa sinabi ko. Pati ako nagulat.

Umamin ako. Inamin ko sa kaniya.

Hindi s'ya umimik. Tumingin s'ya sa mga kamay n'ya. Sabi ko na eah. Siguro ngayon, galit na s'ya sakin. Wala na... 'Yung pagkakaibigan naming matagal kong iningatan, nasira lang dahil sa kawalan ko ng kontrol sa sarili ko.

Lumabas ako ng tahimik. Hindi ako lumingon. Ayokong malaman kung anong reaksyon n'ya.

Kung totoo man ang sinulat n'ya sa diary n'ya, 'yun lang ang hindi ko alam.

Gusto n'ya man ako o hindi, wala nang paraan para mabawi ko pa ang nasabi ko.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon