Chapter 13: Paligoy-ligoy

2.5K 65 0
                                    

SHEAN

"What was that all about?", napatingin ako kay Allen. Nasa bahay na ako at sinama ko s'ya para makapag-charge ng cellphone. Seriously, wala ba silang outlet sa bahay nila?

"Huh? Ano 'yun?", binaba n'ya ang tasa ng kape sa lamesa at humarap sakin. Nakaupo kami sa sofa. Still, there was a gap between us.

"May problema ba kayo ni Renz?", napalunok ako. Meron. Madami kaming problema pero 'di ko alam kung pano ko s'ya kakausapin.

"Pwede bang 'wag na muna natin s'ya pag-usapan? I'm tired of thinking about him."

"So iniisip mo s'ya?"

Nanlaki ang mga mata ko. Fact sheet naman oh.

Tumahimik ang buong bahay. Walang kumibo for less than five minutes.

"You really like him, don't you?", biglang tanong ni Allen. What the hell, man?!

"What the. Best friend lang kami, okay?! Hanggang dun lang talaga 'yun.", tinitigan n'ya lang ako na para bang hinuhukay ang mga sikreto ko sa buhay.

Bumilis ang pag-tibok ng puso ko. Sasabihin ko ba? Magde-deny ba ako? Use that big brain of yours, Shean. Think!

" 'Di ko gusto si Renz."

Epic Silence...

"I have to go. Kita na lang tayo sa Monday.", tumayo na s'ya at tinanggal ang charger sa socket. Sinundan ko s'ya palabas ng bahay. Nakahinga na ako ng maluwag. Did it work?

Bago s'ya lumabas ng gate, huminto muna s'ya at lumingon. Hanggang balikat n'ya lang ako kaya kailangan n'ya pang yumuko para tumungin sa mga mata ko. *Hingang MALALIM*

"Shean."

"Oh?"

"I know you lied."

Your lips are moving~ Wait... Ano daw?

"What do you mean?" Ohhh Woah Shut up, Inner Voice!

"First, wala naman akong binanggit na pangalan nung sinabi kong "Gusto mo talaga s'ya". Ikaw na mismo ang nagsabi sakin na gusto mo si Renz"

Uminit ang mukha ko. Pa Dum Tsss... Katapusan ko na.

"Ano ba kasing point mo? 'Di kita maintindihan"

"Well, as my secretary, you are pledged to be honest and trustworthy at all times. Kung maliit na bagay pa lang, hindi mo na kaya maging totoo then I doubt you wouldn't do the same with larger matters."

Hindi na ako sumagot. Tama nga naman siya. Masyado ba akong halata? Oo bes. Oo.

"Sorry. Ayoko lang kasi ng ganito."

"Ng ano?"

"Basta! Umuwi ka na. Shoo!", tinaboy ko s'ya palabas ng gate bago ako bumalik sa bahay.

Kailangan ko ng ice cream.





A/N: Guys! Nawawalan na ako ng ideas! Tulungan n'yo kooo.

P.S. 700+ views na!!! *Sabog-sabog makalaglag-panty confetti (Tama ba 'yung spelling?) *

I LAB YU GAYS!!! *Kiss! Kiss! Fall in love!*

P.S. Boyfriend ko po si Douglas Booth *Malanding Halakhak* Jk. Asawa ko s'ya. XD

#BlueTooth
#Bluooth
#Booth<333

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon