Chapter 16: Suspended

1.5K 30 3
                                    

SHEAN

Pagkapasok ko sa room, nagsisimula na ang klase. Well, nagche-check pa lang ng attendance. Mabilis akong umupo sa upuan ko at baka sitahin pa ako ni sir sa pagka-late ko. Delikado na.

"Pascual?"

"Nandito na siya kanina 'di ba?"

"Sir, lumabas po yata. Nandito na po 'yung bag niya eah."

"Pati si Kyle, Allen tsaka si Renz, wala din sir."

Napakamot sa semi-kalbong ulo niya si sir. Oo nga no... Nasaan 'yung mga 'yun?

"Bayaan niyo na 'yung mga 'yun. Okay, before we start, any questions? Violet reaction? Anything?" (Violet talaga 'yun XD )

Ay hala... Magsisimula na si sir. Saan ba sila nagpunta?

"Sir!", nagtaas ng kamay si kuya Xy-pinakamasipag *Ehem* sa room-kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Oh?"

"Sir, pumunta po ako sa comfort room kanina pero naka-lock po 'yung pinto."

"Oh, nakanino 'yung susi?"

"Sir, hindi ko po alam."

"Hay buhay. Sige, dito lang kayo. Gawin niyo na 'yung next portfolio entry. Pagbalik ko dapat tapos na.", inabot ni sir ang kapirasong papel sa class secretary namin bago lumabas. Nagsikalasan ang lahat at nagsimulang mag-ingay ang klase habang gumagawa ng portfolio cheme habang iniisip ko pa rin kung nasaan 'yung tatlo.

Hay... Nakakainis. Naalala ko bigla 'yung nangyari kahapon. Bakit ko pa ba pinapunta sa mall si Renz? Yesterday was the most embarrassing day of my entire existence. Bukod dun, wala akong nadatnang ice cream sa ref namin. Naubos na... GAAAH... Tama na nga. Keep it all together, Shean. You're losing it.

RENZ

Susugurin pa sana ni Allen si Kyle nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang maintenance guard kasama ni sir Lacoste. Patay...

"Oh! Nandito pala kayong apat. Nagsisimula na ang klase ko ah.", nabiglang sabi ni sir at napatingin siya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya. Sheet.

"Bakit nagdudugo 'yang bibig mo?! Anong nangyayari dito?!"

"Sinuntok ko siya *Hick* Hehe."

*Facepalm* ALLEN!!! TUNGUNU MAMAMATAY TAYO SA GINAGAWA MO! AYOKONG MAPATALSIK NG DAHIL DITO.

"Ay, hindi po sir. Tumama po kasi ako sa pa---", napatigil ako sa page-explain.

"NADULAS! Nadulas po siya! Tapos lumagapak 'yung mukha niya sa... Sa pader! Sa pader, sir.", pagdugtong ni Marv. Tae, 'di kapani-paniwala 'yung excuse niya.

"Tsk. Bakit niyo pa kasi itatago? Sir, nakainom po si Allen. Dinala po namin siya dito dahil ayaw po naming mahuli siya.", sambit naman ni Kyle sabay tingin ng masama sa aming dalawa ni Marv.

Bwisit naman, bakit ba kasi sinama pa namin 'to? Pahamak sa buhay.

"Tatlo kayo, dumiretso kayo sa OSA.", huling sabi ni sir bago umalis kasama ni Allen at ng maintenance guard na ngayon ko lang ulit napansin.

Tumingin ako sa direksyon ni Kyle. Tumingin ito pabalik at nauna nang lumabas.

"Magkaka-record na naman tayo sa OSA.", sabi ni Marv bago sumunod palabas ng cr.

"Parang lagi naman..."

* * *

"Ano?! Suspended kayo?!"

"Opo, ma... Pero tatlong araw lang naman."

"Hay nako... Ikaw din naman kasi. Dapat sinabi mo na lang sa teacher niyo, hindi 'yung nagmagaling ka pang itago siya. Kung mahuli man si Allen ng adviser niyo, siya nang bahala ipaliwanag 'yung sarili niya. Nadamay ka pa tuloy."

"Ma, kilala ko si Allen. Kung nasa katinuan siya nung mga panahong 'yun, alam kong pagsisisihan niya 'yung ginawa niya. Ayoko lang namang mawala 'yung tiwala ng mga tao sa kaniya."

"Renz, alam ko namang mabuti 'yung intensiyon mo. Pero dapat maintindihan mo din na mali 'yung ginawa ni Allen."

Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na sa pagliligpit ng pinagkainan namin. Wala si Jinoh ngayon kaya kami lang ni mama ang natira dito sa bahay. Kakauwi ko lang galing sa school at nasabi ko na rin 'yung nangyari kay mama. Buti na lang at hindi siya nag-hysterical. 'Pag nagkataon talaga, mayayari ako.

Matapos kong maghugas ng plato, diniligan ko na si Jane, 'yung maliit naming cactus. Buti pa siya, walang pinoproblema.

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko habang patuloy pa ring iniisip kung ano nang kalagayan ni Allen. Tulad ni Shean, nakasama ko na rin siya simula elementary kaya hindi na rin mawawala sa akin na mag-alala para sa kaniya.

France...

Nalala kong nabanggit nila Allen at Kyle si France nung nag-aaway sila. May alam kaya siya dito? Mas maigi nang malaman ko.

* * *

"Hello? Who's this?"

"France?"

"Wait... Renz, is that you?"

"We need to talk."

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon