SPECIAL CHAPTER

2.6K 63 5
                                    

"IF YOU CAN READ THIS, THANK YOUR TEACHER!"

For the upcoming International Teachers' Day, I will dedicate this next chapter to all the teachers in the world that strives to educate young minds. *STATING THE OBVIOUS*

SHEAN

Career Guidance Week ngayon at required ang lahat na magsuot ng costume or attire ng gusto nilang trabaho balang araw. Hiniram ko ang uniform ni mama since wala na akong ibang maisip suotin.

"Ihanda mo na ang sarili mo para sa isang kagimbal-gimbal na araw.", sabi ko sa sarili ko bago lumabas ng comfort room sa loob ng faculty. Lahat ng mga Math teachers, nagsitinginan sakin. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo. As in lahat ng mga mata nila, sakin nakatitig. Nakakapangilabot. What the heck?

"Ma'am Francisco! Ikaw ba 'yan?", pang-aasar ni Ma'am De Leon sakin. Ngumiti na lang ako tsaka lumabas. Ang bilis nga ng paglakad ko kaya muntik na akong matipalok sa hallway. Buti na lang, wala pang masyadong tao. Life saved.

Umakyat na ako papunta sa second floor kung nasaan 'yung room namin. Naiilang ako sa damit ko. Kung hindi lang talaga namin kailangan, hinubad ko na 'to.

Binuksan ko ang pintuan ng classroom namin, saktong papalabas si Allen. He's wearing a black suit and large eye glasses. Pero dati pa s'ya nakasalamin. Natatawa ako sa itsura niya. Ang laki ng eyebags niya tapos namumula 'yung mga mata niya. Mukha siyang zombie na bampira with a pinch of Frankenstein.

"Anyare sayo bes?", pinipigilan ko ang tawa ko para 'di siya mainis. Baka mamaya sapakin ako nito. Pero joke lang 'yun kasi 'di naman nananakit ng babae si Allen.

"Long story. Let's go find Kyle. May kasalanan 'yun sakin.", hinila niya ako sa braso pero pumiglas ako.

"Bes, kakarating ko lang. Tapos papababain mo na naman ako?! Ang sakit kaya sa paa.",

"Tsk. Sino ba kasi may sabing mag-high heels ka?"

"Si lolo mo, bes.", tinitigan ko lang siya hanggang sa mairita siya. Maya-maya, umalis na siya sa harapan ko. Ako na lang mag-isa dito sa room. Ang aga-aga pa pala! 6:16 am. pa lang! Anong gagawin ko dito? Ayoko namang bumalik sa faculty. Aasarin lang ako ng mga teachers dun.

Dinukot ko 'yung cellphone ko sa bulsa pero wala along nakapa. Wala sa bulsa ko! Omaygad!!! SA'N KO NILAGAY?! Afghjkmnoreoplserinexfrchndte?!!!

"#!?*@%!!!!!! 'YUNG CELLPHONE KO!!!??? HALA *Bleep* 'PAG NAWALA LANG TALAGA *Bleep* PAPATAYIN KO TALAGA 'YUNG *Bleep* INANG KUMUHA!!! SHEEET!!! *BLEEP* Mama kooo!!! S'an ko nilagay---", napahinto ako sa tantrums ko. Naalala ko bigla, hindi ko pala dala. Naiwan ko sa bahay. Mukha lang akong shunga kakasigaw kanina. Sayang effort.

Since wala na din naman akong magawa, dinampot ko 'yung chalk sa teacher's desk tapos sinulat ko 'yung whole name ko sa blackboard.

"Good morning, class. My name is Shean Espiritu Francisco. I will be your Math teacher for the whole semester and I hope for your cooperation in my class.", sabi ko sa mga imaginary students ko.

"6x²+8x-8÷3x-2", sinulat ko sa blackboard. "Can someone come here in front and solve?", walang nagtataas ng kamay. 'Di ko alam ang mga pangalan nila kaya wala akong matawag.

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon