Chapter 17:

1.2K 26 0
                                    

FRANCE

Nasa loob ako ng coffee shop kung saan kami magkikita ni Renz. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang makipag-kita. Kahit noong magkaklase pa naman kami ay 'di naman kami naging malapit sa isa't-isa.

"France!", lumingon ako ng may tumawag sa pangalan ko at gaya ng inaasahan, nakita ko siya. Pinagpapawisan ang mukha niya at mukhang hinihingal pa yata. Nagmadali sigurong makapunta dito.

"Sorry na-late ako. Ang aga mo naman kasing dumating. Filipino Time tayo 'di ba?", napangiti ako sa sinabi niya at inalok ko na siyang umupo para makapag-usap na kami.

"Uhm... France.", pagbanggit niya ulit sa pangalan ko.

"Let's get it straight. Bago kayo nag-break ni Allen, meron bang nangyari sa inyo?", nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad siyang napailing. Napansin ko ang bahagyang pamumula ng mga pisngi niya na nagdagdag pa sa kabang nararamdaman ko.

"Ah, hindi! Mali ka ng iniisip. Ang ibig kong sabihin, kung nag-away ba kayo? Nagkaro'n ba kayo ng 'di pagkakaintindihan? Gano'n...", napayuko siya at napabuntong-hininga ako. Akala ko kung ano na...

"Bakit mo naman natanong?", sabi ko sa kaniya, pinipilit na 'wag malungkot sa mga alaalang nagbabalik sa isip ko. Mga alaalang akala ko, nakalimutan ko na.

"Hindi mo pa pala alam.", sabi ni Renz pero parang kinakausap niya ang sarili niya kaysa sakin.

"Ang alin?", tinignan niya ako sa mata at nakaramdam ako ng kaunting takot. Hindi dahil sa mukha siyang mangangain ng tao, kung 'di dahil sa sagot niyang posibleng konektado sa iniisip ko ngayon.

"Si Allen at Kyle, nagsapakan sila nung huli ko silang makasama."

"Ano?!"

"I mean, ako 'yung sinapak ni Allen...", dagdag niya pero pabulong kaya hindi ko masyadong nadinig.

"Sinapak ka ni Allen?"

"Ah basta! Mahabang istorya. Gusto ko lang malaman kung meron ka bang alam kung bakit sila nagkagano'n.", napakamot ito sa batok niya at bigla kong napansin ang pasa na nasa gilid ng pisngi ni Renz.

"May nabanggit ba sila sayo?"

"Kaya nga ako nagtatanong sayo eah."

So hindi pa niya alam...

"Renz..."

"Hm?"

"Allen... Allen's my ex."

FLASHBACK

"France? France! Nand'yan ka pala! Kanina pa kita hinahanap."

"Kyle... W-Wala na kami ni Allen."

"Ano? Bakit? Sinong nakipaghiwalay?"

"I did... Pero hindi ko inaasahang gano'n na lang kabilis mawawala ang lahat. I broke up with him last week and I don't think gagawa pa siya ng paraan para magkabalikan kami."

"Ikaw naman kasi eah. Gawa ka ng gawa ng paraan para lang mabigyan ng oras ang iba pero sarili mo nakakalimutan mo na. Ikaw lang naman 'yung nage-effort eah. Si Allen, nagawa niya bang ipagpaliban 'yung iba para sayo?"

"Hindi..."

"Mahihirapan ka lang kung itutuloy mo 'yan."

"Tulungan mo ako..."

"Pano?"

"Let's make him regret. Make him realize what he wasted."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kyle, let's hook up."

"..."

END OF FLASHBACK

"And then after that, naging focused ako sa paghihiganti kay Allen. Nawalan na ako ng interes sa pag-aaral at hanggang sa..."

"Natanggal ka sa SSC."

"Exactly."

"Pero... Pero kung naka-move on na talaga si Allen, 'di ba dapat, wala na sa kaniya 'yun."

"I... I don't know."

"Do you still love him, France?"

"I do but... I'm still trying to cope up with all the mistakes I've done. Kailangan kong mabawi lahat ng nawala sakin."

"Including Allen?", napatingin ako sa labas ng shop kung saan nakita ko ang book stall kung saan lagi kaming tumatambay ni Allen para magbasa ng mga nakabukas nang libro.

"He was never mine in the first place... I was his... Last option."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin ako sa kaniya, managing a smile.

"He was always in love with Shean."

TO BE CONTINUED...

A/N: Oh yeah~ I'm back, babies. *Insert Ngiting Aso*

Grabe, ni-reread ko 'yung buong story tapos ang chemene ng mga pervious na chapter. Walang sense of direction kung baga kaya aayusin ko na 'to. I'M GONNA' MAKE THIS RIGHT. \(*^*)/

Orayt...

Mahal Kita. Mahal Mo Ko. Ano Ba To?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon