Napapikit ako at tiningnan sila ng masama. Oo sila maliban lang kay Xeanel na tahimik na kumakain.

Kailangan pa bang sumigaw? Nasa harapan lang nila ako!

"B-bakit mo ginawa yun? W-Wala akong perang pangshopping ko sa mall" naluluhang sabi ni Yeoneun

"Oo nga, wala rin akong perang pang panood ng sine, huhuhuhuhu" naluluha ring sabi ni Bellear.

Tiningnan ko si Mike baka sakaling may sasabihin din siya. Umiling lang siya at pinagpatuloy kumain.

Hindi ko nalang sila pinansin at binilisan kumain.

Matapos namin kumain ay umuwi nalang kami sa bahay. Dumeretso ako sa kwarto ko ganun din sila para magbihis. Friday ngayon at sa monday na simula ng suspended namin.

Tingnan lang natin kung hindi maiinis sila Bella dahil balita kong grounded sila.

Matapos ko magbihis ay pumunta ako sa sala. Nakita ko silang nagtatawanang nanonood habang kumakain ng popcorn.

Palihim nalang akong napatawa sakanila habang pailing na naglalakad papuntang garden. Mabuti nalamang at hindi nila ako napansin.

Agad akong umupo sa damuhan dito malapit sa ilog pagkarating ko sa garden.

Natulala na lamang akong nakatingin sa ilog.

Hanggang kailan kaya namin ito matatapos?

Mukhang madali lang naman dahil may nakita na rin akong mga magicians. Ang mahirap nga lang ay ang pinahahanap ni mom.

Hindi ko man alam kung ano ang kailangan nila mom sa kanya pero nasisiguro ko na importante ito.

Hindi ko nga maisip na bakit kailangan panamin mag ensayo lalo na't wala namang masamang magyayari o digmaan.

Tumayo na ako ng makitang maggagabi na pero bago pa ako pumasok sa loob ay napatigil ako ng maramdaman kong parang may nakatingin saakin.

Pinakiramdaman ko ang paligid.

Tahimik.

Agad akong napatingin sa kaliwa ng mapansin kong may gumalaw. Walang ingay akong lumapit sa bandang mga matataas at makakapal na damuhan.

Nang tuluyan na akong makalapit, napansin kong gumalaw ito. Hinawi ko ang mga matataas at makakapal na damuhan at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

What happened??

_______________________________

Anica POV

Nandito ako ngayon sa garden namin sa Athena Kingdom. Bigla kong naalala yung nangyari dati ng iligtas ko si Ella. Alam na ng lahat na si Ella ang Elemental Princess. Ipinaliwanag ko sa kanila kung paano nabuhay si Ella.

_____________
Flashback...

Bata palang ako ng magkaroon ng digmaan. Sa katunayan, pangalawang digmaan na ang magaganap ngayon. Naging ulila ako ng matapos maganap ang unang digmaan sa kadahilanang namatay ang aking mga magulang sa araw na iyon. Nakayanan ko parin namang mabuhay kahit wala na sila.

Bigla akong napatingin sa kalangitan ng biglang dumilim ang langit. Tumayo ako at pinagpagan ang aking pwetan.

Isa lang ang pumasok sa isip ko..

Digmaan.

Magsisimula na ang digmaan.

Nandito ako ngayon sa labas ng palasyo.

Ang Elemental Kingdom

Dito na ako simulang tumira ng mamatay ang mga magulang ko habang hindi nila ako napapansin. Palagi kong nakikita sila Ella na naglalaro sa labas.

Gusto ko man sumali pero pinigilan ko hanggang maari dahil ayoko magpakita lalo na't hindi na nila ako kilala.

Nabalik ako sa katinuan ng mapansin kong nagmamadaling nagsilabasan ang mga kawal.

Mukhang naghahanda na sila.

Dahan dahan akong pumasok ng palasyo na hindi nila napapansin. Nang tuluyan na akong makapasok ay agad akong tumakbo.

Hindi ko man alam ang gagawin pero iisa lang ang tumatakbo sa isip ko.

Yun ang sundin ang sinabi saakin ng gddess of Elemental.

Habang tumatakbo ako napansin kong may nag-uusap sa isang kwarto. Ito na siguro ang kwarto ng hari at reyna.

Agad akong nag invisible ng makita kong tumatakbo pumunta ang isang kawal sa kwarto ng hari at reyna. Agad itong kumatok na binuksan naman agad. Narinig kong sinabing nasa labas na ang kalaban dahilan agad lumabas ang hari kasama ang reyna.

Sinarado nila ng maigi ang pinto bago sila umalis.

Nang mawala na sila, nagteleport ako sa loob. Nakita kong may batang babae sa loob.

Ella.

Nasa gilid sya nakaupo habang umiiyak ng tahimik. Balak ko ng tanggalin ang invisible ng makarinig kami ng malakas na pagsabog.

Hindi ko na kayanan ang lakas nito kaya napahiga ako. Malakas ang impact ng pagsabog kaya umabot iyon dito. Mukhang kanina pa nagsisimula ang digmaan.

Nakita kong napatayo sya galing sa pagkahiga. Siguro nasama rin sya sa lakas ng pagsabog. Napatingin ako sa pinto ng makarinig akong nagsasalita.

Tila parang may hinahanap ito.

Napatingin ako sakanya na bubuksan ang pinto. Nagpakita ako agad sa kanya at agad siyang hinawakan.
Saktong pagteleport namin ay ang pagbukas ng pinto.

Nakita ko pa kung sino ang nagbukas nito.

Dinala ko sya sa gubat, kung saan ang gubat na ito ang daan papuntang Mortal World.

Nakita kong nagulat sya.

"S-sino k-ka?" tanong nya saakin.

Napangiti ako ng mapait.

"Hindi na mahalaga yun, ang mahalaga kailangan mong makaligtas" sabi ko sa kanya

"S-saan m-mo a-ako d-dadalhin?" nauutal na sabi nya.

"Sa Mortal World"

Gumawa na ako ng portal at nang makagawa na ako, agad ko syang hinila kahit gusto nyang makawala.

Dinala kami ng portal sa harap ng malaking mansion. Wala namang nakakita dahil na rin sa sobrang dilim ng gabi.

"Pasensya ka na sa gagawin ko" mapait na sabi ko.

"A-ano--"

Agad kong tinapat ang kamay ko sa ulo sya.

"αλααλα αυ μαςαςαλα" bigkas ko.

Umilaw ang aking kamay.

Bigla syang bumagsak dahilan buhatin ko sya.

Kahit bata palang ako kaya ko na sya dahil na rin sa taglay ng kapangyarihan ko.

Iniwan ko sya sa tapat ng gate. Nakatatlong doorbell ako ng mapansin kong may lumabas na tao.

Dinikit ko ang sulat sa damit ni Ella at nagteleport sa isang puno. Nakita ko dito kung paano pinasok ng isang matanda si Ella sa mansion nila.

Ngayon naman...

Oras na gawin ang isa pang pinapagawa...

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon