CHAPTER 22

4.6K 157 21
                                    

Good morning, Crescent!”

Umayos ako sa pagkakaupo nang maligalig na boses na iyon na nanggaling sa may pintuan.  Nakangiti roon ang babaeng nakasuot ng uniporme ng guro. May maamo siyang mukha, nangungusap na mga mata, katamtaman ang tangos ng ilong, kayumangging balat, at makurbang labi na kulay pula.

She looked so lively and beautiful.

Nakangiting tumayo sina Angie kaya tumayo na rin ako. Good morning, Mrs. Darielle!”

I wasn’t able to greet her. I just stood and smiled ‘cause I didn’t know her name. It did surprise me knowing that she’s already married. Hindi kasi halata sa itsura niya. Sabagay, lahat naman ng mga nijius ay hindi tumatanda.

Nabaling ang tingin ni Prof. Darielle sa akin nang maupo na kami. Bakas doon ang pagtataka. “May nadagdag pala sa section n’yo.” Kalaunan ay ngumiti siya sa akin. “Can you introduce yourself, Miss?”

Muli akong tumayo at ngumiti. “I’m Firoah Myhr Gel Ckleow. You can call me Firoah.”

“What a beautiful name! Bagay na bagay sa magandang dilag na katulad mo.”

Nahihiyang umupo ako’t ngumiting muli. “Thanks po.”

“So let’s start the discussion?”

She’s our language teacher. Ngayon ay Japanese language ang pinag-aaralan namin kaya nahihilo na ako sa mga nakikita ko sa projector. I am not really familiar with Japanese writing and their language kaya wala akong naiintindihan. Nasa likod lang ni Sairi ang paningin ko imbes na sa projector. Parang mas interesting kasi iyong tingnan kaysa roon. Hindi pa ako nahihilo.

Ang guwapong mukha lang niya ang naiimagine ko habang nakatitig doon. Tuloy ay naiisip ko na naman ang nangyari kanina sa Arena. His face was inches away from mine that I could smell his breathing and his perfume.

Amoy downy fashion! Lumalaklak siguro siya ng downy at pinaligo iyon sa sarili.

“Ay downy!” Hawak-hawak ko ang aking dibdib matapos maisigaw iyon sa gulat dahil sa pagtunog ng bell.

“Downy?"

Sa ikalawang pagkakataon ay nagulat na naman ako sa boses na iyon. Buti na lang ay hindi ako muling napasigaw. I flashed an awkward smile at him as I am mentally scolding myself at my stupidness.

Bakit kasi nagtatanong si Sairi? Nakahihiya!

Nang ilibot ko ang tingin, umawang ang labi ko nang mapansing lahat pala sila’y nakatingin na sa akin. Parang gusto ko na lang magbukas ang langit at kunin ako dahil sa kahihiyan.

“Sorry.”

‘Yon lang ang lumabas sa bibig ko. Alangan naman kasing aamin akong iniisip ko si Sairi kaya nag-spaceout ako. Nag-peace pa sign ako sabay ngiti para mas convincing at effective naman.

Angie was just looking at me like I’m a weird creature while Mizu was trying not to laugh. The rest where curiously looking at me.

Ngumuso ako’t yumuko.

“Class dismissed,” ani Prof. Darielle sa gitna ng katahimikan.

Agad ding nagsilabasan ang iba excluding LEs’ and me. I was about to stand up para lumabas na rin nang sabay na lumapit ang LEs sa kinauupuan ko. Si Angie na katabi ko lang at si Sairi na nasa harap ko ay nakatingin din sa akin.

“Anong downy?” nakakunot-noo at sabay nilang tanong na ikinagulat ko.

Seriously? Ganiyan ba talaga sila kapag bago sa pandinig nila ang isang bagay? ‘Di ba sila naka-move on sa katangahan ko?

Niji Academy [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat