CHAPTER 16

7.7K 306 53
                                    

"Pa'no tayo matutuyo nito?" I asked him as we got up.

I mentally slapped my face when my gaze went down to his body. Bumakat ang abs sa basa niyang uniform nang hubarin niya ang upper niyon at ang inner na white na lang ang natira.

"Magpapatuyo," he stated as he started walking.

Nakasimangot akong bumuntot sa likod niya at masama ang tingin doon. Pilosopo!

"Paano nga? Alangan namang papasok tayo ro'n sa building nang basang-basa, 'di ba?"

"Yeah. Papasok tayo."

"What? Basa nga tayo 'di ba? Pagtitinginan tayo roon!" nanlalaki ang mga matang sabi ko.

"Tss. You're noisy."

"Kasi-"

Naputol ang pagsasalita ko nang may marinig akong ungol sa bandang likuran namin. Sumeryoso ang tingin ko kay Sairi at ganoon din siya sa akin.

"M-may mga gala bang hayop dito?" mahinang tanong ko nang hindi gumagalaw.

"Yeah," baliwalang sagot niya. "Wolves."

Umawang ang labi ko sa narinig at agad naalerto't pinakiramdaman ang mga kaluskos na naririnig sa paligid.

"Marami ba?"

"They attack in pack."

Marami nga.

Agad na nagsisulputan ang mga lobo sa harap, likod, at gilid namin. They were seven black wolves with golden eyes. Hanggang dibdib ko pa ang laki nila.

"That's why students are forbidden to go here," dagdag pa ni Sairi.

I was new here that's why I didn't know that thing. Hindi ko lang alam kung bakit narito si Sairi kung alam naman niya ang tungkol doon.

Papalapit na sila nang papalapit sa amin dahilan para mapaatras ako't nagkadikit ang likod namin ni Sairi.

"Don't use you ability," aniya nang makitang itinataas ko na ang kamay ko sa ere.

Nagtatakang nilingon ko siya. "Bakit?"

"They are Head Mistress Jade's pet. She'll know if her wolves get wounded and she'll probably know that we got here in this forbidden forest."

Napaawang ang labi ko sa narinig.

Pet? Seriously? Sa dami ng puwedeng alagaan, bakit wolves pa?

"That's how weird she is," ani Sairi nang mabasa ang pagtataka ko.

I sighed as the wolves went closer and closer to us. "Hindi rin natin sila puwedeng labanan sa lakas, 'di ba?"

"Yeah," he replied casually.

"What are we gonna do then?"

"We'll teleport."

Nanlumo ako sa naisip niyang paraan. I can teleport, yes, but I should not use it. Sigurado kasing may magtataka kung bakit may gano'n akong ability. A nijius only has one ability. Only LEs can have multiple... and that girl with that rainbow hair-which is me, but only my family knew about it. I needed to hide my identity so no one could harm my family.

Nagbuntong-hininga ako. "Ikaw lang naman ang meron niyon."

Lumingon siya sa akin at tinitigan ako, dahilan para mapatitig din ako sa kaniya. "Bakit? May nasabi ba akong mali?"

Napapikit ako nang umulong nang sabay ang mga lobo na sobrang lapit na sa amin. Kaunti na lang talaga, magiging putahe na nila kami sa araw na ito.

Niji Academy [Completed]Where stories live. Discover now