CHAPTER 48

2.5K 89 20
                                    

[FIROAH]

Linagay ko sa bag ang librong katatapos ko lang basahin saka tinanaw ang mga estudyanteng naglalakad sa field. Nang makaramdam ng gutom ay tumayo ako’t pinagpag ang sarili.

“Firoah!”

Napalingon ako nang marinig ang boses na iyon ni Shin. Kasama niya sina Josh at Eujin habang naglalakad papunta sa akin. Ngumiti ako nang kumaway sila at tuluyan nang nakalapit.

Oy! Kumusta?” nakangiting bati ni Josh.

Ginantihan ko siya ng ngiti. “Ayos lang. Maganda pa rin.”

Natawa ito sa sagot ko ngunit hindi naman kumontra. Nakatingin si Shin sa aking likuran, tila may hinahanap doon, saka muling binaling sa akin ang tingin. “Hindi mo yata kasama ang LEs ngayon.”

“The girls are at the mall, nagsho-shopping na naman. Hindi naman ako mahilig sa ganoon kaya hindi na ako sumama. Iyong mga lalaki naman, nasa misyon sila ngayon.”

Apat na araw ng wala ang apat dahil sa misyon nila at hanggang ngayon, hindi pa ito bumabalik. Kahapon nga’y apat lang kami sa classroom.

“Mission again?” tanong ni Eujin na tinanguan ko. “Ang sipag naman yata ni Prof. Bryce magbigay ng misyon sa inyo.”

“Sinabi mo pa!” sang-ayon ko. “Noong nakaraan lang, nagkaroon din kami ng misyon ni Hikari, eh.”

“Prof. Ash is like that to us too. Buti na lang at hindi siya nagbigay ngayon,” ani Shin. “Saan nga pala ang punta mo?”

“Sa cafeteria, magpapakabusog lang bago bibitayin,” sagot ko na ikinatawa nila.

Lumiwanag ang mukha ni Shin at umaakbay pa sa akin. “Papunta rin kami roon. Sumabay ka na sa amin kung ganoon.”

Inalis ko ang pagkakaakbay niya at pabiro siyang siniko. “Hindi mo naman ako kailangang akbayan. Tara na.”

Natawa lang sila’t sumunod sa akin sa cafeteria. Shin and his friends seemed to be quietly known too. Marami rin kasing napapatingin sa kanila at minsan ay humihinto pa para lang tingnan sila sa tuwing naglalakad. Nang makapasok sa cafeteria ay dumeretso na ako sa counter ngunit pinigilan ako nito.

“Ako na,” nakangiting saad niya.

“Okay.”

Hindi na ako nakipagtalo pa. Narinig ko naman ang kantiyaw ng mga kaibigan niya sa kaniya at napapailang na lang siya habang sinasaway sila.

“Stop it. She’s Sairi’s girlfriend,” rinig ko pang saad niya.

Umawang ang bibig ng dalawa’t sabay pang napatitig sa akin. “Oh? Naunahan ka?”

Natawa ito. “I just said I like her but not in a romantic way. You just misunderstood it,”— Shin glanced at me—“even Sairi.” He then smiled at me. “Pagpasensyahan mo na mga kaibigan ko. Bagong labas lang kasi ang mga ’to sa mental. Nagkamali lang ang mga healer sa pagpalabas sa kanila.” Narinig ko pa ang pag-angal ng dalawa ngunit inakbayan na niya ang mga ito nang mahigpit saka sila tumalikod. Huminto siya’t muling lumingon sa akin. “Maluwang pa ang turnilyo ng mga ’to sa utak.”

Natawa ako at nailing na lang. Nang matapos silang kumuha ng pagkain sa counter ay agad din kaming kumain. Ang ingay pa ni Eujin at Josh nang matapos kami at kung ano-ano na lang ang pinaggagawa o pinagsasabi.

“Tingnan ninyo! Ang papel lumipad! May pakpak siyaaa!” biglang sigaw ni Eujin sabay turo sa itaas kahit wala namang papel doon.  Umakto pa itong lumilipad na sinabayan naman ng kanta ni Josh na animo’y isang napakagaling na mang-aawit dahil sa mga kulot-kulot pa nito na may piyok din naman at sinabayan pa ng mga gestures sa kamay. “Oh, baby I'm flying without wings!”

Niji Academy [Completed]Where stories live. Discover now