CHAPTER 21

5.7K 204 24
                                    

“Attention to all students! Please proceed to the Arena! Attention to all students! Please proceed to th Arena!”

Natakpan ko ang aking mga tainga sa paulit-ulit na anunsiyo na nagmumula sa speaker na nakakabit sa ceiling. Saktong natapos na rin naman ako sa pagkain kaya tumayo na ako’t nagpunta sa Arena.

It’s been a week when the ranking battle happened. Kahapon lang din natapos ang ibang year levels at ‘yong iba naman ay no’ng isang araw pa. Siguro’y ngayon na iaanunsiyo ang ranking kaya lahat kami ay pinapapunta roon.

Nang makapasok sa Arena’y marami ng mga nijius na nakaupo roon. Marami sa kanila ay  hindi ako pamilyar sa mukha. Iba-iba ang kulay ng necktie ng ibang year level kaya madaling matukoy ang mga estudyante rito.

Napangiti ako nang may makitang puwesto sa dulo. Nang akmang pupuntahan ko na ito ay may humawak sa braso ko at hinatak ako paupo dahilan para mapaupo ako sa bakanteng bleacher sa likod ko. Naiinis na nilingon ko ang may gawa niyon at babawiin na sana ang braso ko nang malaman kung sino iyon.

Humupa ang inis na naramdaman ko’t napalitan ng pagkagulat. Naitikom ko rin ang aking bibig na dapat ay maraming gustong sabihin.

“Are you done staring at me?” tanong niya dahilan para maibalik ako sa katinuan.

Nahihiyang iniwas ko ang tingin sa kaniya at lihim na pinagalitan ang sarili sa katangahan. Napangiti na lang din nang may matanto. Hinila niya ako’t pinaupo sa tabi niya. Gusto niyang katabi ako, pero nagwa-walkout din naman sa huli—iniiwan ako.

Hindi ko pa naisasauli sa kaniya ang payong at wala akong balak isauli ‘yon hangga’t hindi niya hinihingi. Pang-souvenir na rin sa moment na iyon, proof na hindi ako nanaginip nang mangyari iyon.

“Good morning, students!” Natuon ang pansin ko nang magsimulang magsalita si HM Jade sa harapan. It was just a hologram of her. Nasa office niya yata siya dahil nakikita ko ang background sa likuran niya. “I was so impressed with your performance last week. You all did great!” nakangiting dagdag niya. “Kaya lang... ‘di talaga maiiwasan na may bumababa ang rank sa inyo at malilipat sa ibang section,” ani HM Jade.

I looked at the expressions of some students. Some of them are nervous and some were just chill.

“So here’s the new ranking.”

Nawala ang mukha ni HM Jade at napalitan iyon ng list of names. Nang basahin iyon, agad nanlaki ang mga mata ko at napangiti nang makita kung sino ang nangunguna.

Ang galing ni krass!

Dahan-dahan kong binaling ang tingin sa kaniya, tinitingnan kung ano ang reaksyon niya, at sumimangot nang wala man lang akong nakitang pagkabigla o pagkagalak. Sabagay, sanay na siguro siya. But how can he be so cool and cute at the same time kahit seryoso lang siyang nakatingin sa harap? That’s illegal!

Nanlalaki ang mga matang naitik ko ang bibig nang lingunin niya ako. I couldn’t even look away and I just stared back.

Nanigas ako sa kinauupuan nang hawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kaniya. My heart was throbbing abnormally and I couldn’t think straight.

A-anong balak niya? Balak niya ba akong i-kiss dahil sa sobrang tuwa niya sa results ng ranking?

I mentally scold myself at that thought. He would never do that!

Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin habang seryosong nakatitig sa mga mata ko. Nag-iinit ang mukha ko’t ‘di maigalaw ang katawan.

Pipikit na ba ako? Sure na? Baka prank lang ‘to? Kailangan kong hanapin kung nasaan ang camera!

Niji Academy [Completed]Where stories live. Discover now