CHAPTER 13

6.9K 311 17
                                    

Isa laban sa lahat-iyon ang natatandaan kong sabi ni lolo sa akin tungkol sa ikaapat na level ng Battle Exam. 61 na lang kaming natitira at lahat kami ay nasa gitna ng Arena-naghihintay ng hudyat kung kailan magsisimula ang ikaapat at panghuling pagsubok na ito.

Sa pinakadulo ng Arena ay may mga nakatayong poll at may nakasabit na asul na watawat sa itaas. Dalawampu't isa iyon lahat at kailangang makakuha kami ng isa niyon. Kailangang hindi rin iyon manakaw sa amin hanggang sa matapos ang oras.

They gave us an hour to fight for that flag. After that, kung sino ang may hawak na watawat, magiging opisyal na estudyante na ng Academy. This will be hard, I know. Lahat ay kalaban ko. Lahat kami, maglalaban. There are only 21 flags and we're 61. 21 lang sa amin ang makakapasa.

Napabuntong-hininga ako saka binaling ang tingin sa bleachers. Naroon pa rin ang LEs at sila na lang ang nakaupo roon pati ang mga guro. Alas onse na ng gabi, pero heto kami't makikipaglaban pa rin.

Nabaling ang tingin ko sa harap nang marinig ang nakaririndi at nakakakabang tunog ng kampana-hudyat ng pagsisimula. Agad naman kaming kumilos at nagsiunahan sa pagtakbo at pagkuha ng flag.

Mabilis na nakaabot ako sa isang poll at aakyat na sana nang may humila sa akin dahilan para mapaatras ako. Kalmadong hinarap ko ang may gawa niyon. Bumungad sa akin ang nakangising lalaki na maraming needles at tahi sa katawan. He's like a human puppet because of those.

Napangisi na rin ako nang may lumabas na mga needles sa kaniyang katawan at sinugod ako. Agad ko namang binunot ang katana ko saka nilabanan iyon. Natigil siya nang bumalik sa kaniya ang mga iyon at hindi siya nakailag sa iba. Natuon ang pansin niya sa kaniyang natamong sugat dahilan para magkaroon ako ng oras para umakyat uli. Ngunit may babaeng nakaakyat na roon at kaunti na lang, makukuha na niya ang flag.

I heaved a sigh as I closed my eyes then jumped as high as I could. Napakapit ang isa kong kamay sa binti ng naunang umakyat at ang isa nama'y sa pole dahilan para mapatigil siya at naiiritang binalingan ako ng tingin na nasa ibaba niya lang.

"Get off me!" aniya pa.

Binalewala ko iyon at sinubukang unahan siya nang tadyakan niya ako gamit ang isa niya pang paa. Natamaan ang balikat ko pero hindi ko iyon ininda't nagpatuloy na lagpasan siya nang biglang nagpalabas siya ng buhangin at pumalibot sa akin. Noon ko lang siya namukhaan. Siya iyong unang sumabak sa battle exam kanina.

Naubo ako at nabitiwan ang binti niya. Ang isang kamay ko'y nakahawak pa rin sa poll upang hindi mahulog.

"Serves you right!" nakangiting aniya saka nagpatuloy na sa pag-akyat.

Ginalaw-galaw ko ang aking katawan upang makawala ngunit mas humihigpit ang pagpulupot ng mga buhangin sa akin. Nang tiningala ko iyong babae, sobrang lapit na niya sa watawat.

Sa huli, lumikha ako ng malalaking bula at dumikit ang mga iyon sa buhangin dahilan para mabawasan ang mga buhanging nakapalibot sa katawan ko. Nakatakas ako mula rito at naabutan ang binti niya. Mahigpit ang kapit ko roon. Hindi pa nakalilingon ang naiinis niyang mukha sa akin ay kinulong ko na siya sa bula dahilan sa pagkabitiw niya sa poll. Lumutang siya sa ere at nalaglag nang pumutok iyon. Narinig ko pa ang pagmumura at sigaw niya ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

I went higher and higher till my hands could finally reach the flag when I felt a sticky thing grabbing my hand causing the flag to fall down from my hand. Sasaluin ko pa sana iyon ngunit nasalo na iyon ng malagkit na bagay na pumulupot sa aking kamay. It was a tongue.

Niji Academy [Completed]Where stories live. Discover now