CHAPTER 4

10K 366 30
                                    

Tahimik kaming naglalakad ni Keira sa school field habang pinagmamasdan namin ang mga lalaking schoolmates naming naglalaro ng soccer. Tapos na rin kasi ang klase kaya papauwi na kami. May mga poging naglalaro naman akong nakikita pero hindi ko type. Nasa kabilang mundo talaga ang gusto ko.

Nabaling ang tingin ko kay Keira nang bigla na lang siyang kumanta.

"Miss na kita, baby hindi ko na kaya—aray!” Binatukan ko siya kaya ang sama ng tingin niya sa akin. “Ba't ka ba namababatok?"

"Ang ingay mo kasi, at wala ka sa tono kumanta. Mahiya ka naman sa mga tao! Pinagtitinginan ka na!" nakabusangot kong sagot.

Napatingin siya sa mga tao na nakatingin nga sa 'min at nahihiyang nag-peace sign sa kanila. Akala mo talaga koryana—feeling koreana lang pala. Napairap na lang ako.

Ang bruha, wala talagang balak batiin ako.  Nakalimutan na talaga niyang birthday ko ngayon.

"Anong oras na?" maya-maya'y tanong niya.

"Oras na para bumili ka ng relo," sagot ko at umirap ulit.

Sinamaan niya ako ng tingin pero deadma lang ako. Kala niya naman matatakot ako. Psh.

"By the way, may assignment nga pala tayo sa Math. Ito nga pala." Binuksan niya ang zipper ng bag niya at binigay sa 'kin ang Math notebook niya.

Sa dinami-rami ng magiging assignment, bakit Math pa? Hindi naman sa mahina ako sa Math. Sadyang nakakatamad lang mag-solve.

"Anong gagawin ko rito?" Tinaas ko pa sa ere ang notebook niya at may nalaglag na mga scratch papers doon. Napangiwi ako. "Ang daming mga basura sa notebook mo. Nangongolekta ka ba? Isali mo na rin sa 'kin. Madami sa bag ko."

"Tse! Sa 'yo na 'yong basura sa bag mo na sampung taon ng nando'n!"

"Oy 'di, ah! Two years pa lang 'yon nando'n. Pinasobrahan mo naman ng walong taon!" pagsakay ko sa biro niya.

"Whatever," aniya at kinuha sakin ang notebook niya at binuklat 'yon. "Ito 'yong assignment natin sa Math. Kopyahin mo na 'yong equation. Pasalamat ka talaga sa 'kin dahil mabait ako." Binigay niya ulit sa 'kin ang notebook.

"Oh, mabait ka? Ba't may nakikita akong sungay sa ulo mo?" asar ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at akmang kukuhanin ang notebook nang ilayo ko ito, "Joke lang!" at tumawa.

Umupo ako sa upuan na nakita ko at binuksan ang bag ko para kunin ang notebook ko saka kinopya na ang equation.

Nangunot ang aking noo nang wala man lang naintindihan. "Pano ba 'to?"

"Iyan ang napapala ng mga taong uma-absent. Bobo ka pa naman, tapos umabsent ka pa. 'Di mo talaga malalaman 'yan. Tsk. Tsk.Tsk."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo makatikim ng sapak?"

Tumiklop naman agad siya. "Joke lang!" Tumawa siya nang peke. "Bakit ka ba kasi umabsent?"

"Ito naman! Atleast 'di whole day ang absent ko," depensa ko sa sarili.

"Tsk. Pumunta ka sa library para malaman mo kung pano 'yan," wika niya at ngumiti sa 'kin, 'yong ngiting parang ewan—weird.

Pumunta na lang ako sa library at pinagsawalang bahala 'yon.

Patulo na ang luha ko dahil kanina pa ako rito sa library pero 'di ko pa rin alam kung ano ang sagot nitong assignment na 'to. Ilang Math books na ang nabasa ko pero wala pa rin. Humingi na rin ako ng tulong kay pareng google pero hindi niya ako natulungan kasi hindi rin niya alam.

Niji Academy [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora