CHAPTER 43

3.3K 122 17
                                    

I didn’t know what time it was when we went back to the clubhouse. I just knew that Sairi woke me up but I was too tired to open my eyes. Napaaungol lang ako saka siniksik ang sarili sa kaniya.

“We need to go back now,” malumanay ang boses na saad niya.

I moaned again, not wanting to get up. I could feel his stare at me but I didn’t bother to open my eyes. Marahan ang pagyugyog niya sa akin at nang hindi magdilat ng mga mata ay naramdaman ko na lang na kinakarga na niya ako. Ang aking mga kamay  ay kaniyang linagay sa aking leeg saka ko naramdaman ang malakas na hangin sa katawan—palatandaan na nakapag-teleport na kami. Naimulat ko ang aking mga mata kahit na inaantok pa at nasalubong ang seryoso niyang mukha. Dahan-dahan ang kaniyang paglapag sa akin sa malambot na kama, kinuha ang kumot sa aking gilid at ikinumot sa akin.

Marahan ang kaniyang paghaplos sa aking pisngi dahilan para muli akong dalawin ng antok. Hindi na nakayanan pa ng talukap ng aking mga mata ang bigat niyon kaya napapapikit akong muli. Bago pa muling tangayin ng panaginip, lumapat ang kaniyang labi sa aking noo at narinig ko ang namamaos niyang boses. “Goodnight, Fire.”

Narinig ko pa ang pagsara ng pintuan ng guestroom na inaukupa ko at tuluyan nang makatulong muli.

It was almost five in the morning when I heard Michi’s voice and felt her shaking my shoulder to wake me up. Ayaw ko pa sanang gumising no’n nang sabihin niyang ngayon ang hiking namin at kailangan ko nang magising upang maghanda. Agad akong bumangon nang marinig iyon at dumeretso sa bathroom. Pagkatapos maligo ay wala na siya roon sa kama ko.

Nagmamadali akong magbihis. Simpleng printed white t-shirt lang ang aking suot at black shorts na hanggang tuhod. Pinaresan ko iyon ng sapatos saka tinali ang buhok na naka-ponytail bago lumabas sa kuwarto.

Naroon na silang lahat sa labas ng madatnan ko, tila ako na lang ang hinihintay. Halata pa sa mukha ni Angie ang pagkainip ngunit agad din iyong napawi at napalitan ng ngiti nang makita ako.

“Ang tagal mo. Akala ko, hindi ka na sasama,” saad niya pa.

“Sorry,” hinging paumanhin ko nang makalapit.

Kunot ang noong tinitigan ako ni Raiton. “Wala ka yatang tulog.” Linipat niya ang tingin kay Sairi at makahulugan ang ngiting ipinukol niya rito. “Saan kayo galing ni Firoah kagabi?”

“Yeah. Hinanap namin kayo kagabi ngunit hindi namin kayo makita.” Nakisali na rin sa pang-aasar si Kaze, sa akin nakatingin.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at napansin ang titig ni Sairi sa akin. He was just serious as he looked at me and it felt like he wasn’t really affected of their teasing. He didn’t mind at all.

Naiyuko ko ang ulo at nakagat ang ibabang labi nang maalala ang nangyari kagabi. We just kissed again while LEs were playing below. Then he brought me at the west side of the forbidden forest again. On that same night, I finally said ‘yes’ to him. We even slept there. I slept in his arms!

“Matapos namin kayo makitang maghalikan kagabi sa veranda, nawala na kayo—”

Nanlalaki ang mga mata at umawang ang bibig ko nang sabihin iyon ni Mizu. Raiton tried to cover his mouth yet he’s late already. Nasabi na nga ni Mizu iyon. Natawa pa ito at kumindat sa akin. “Oops. Nadulas.”

Nag-init ang pisngi ko at hindi na makatingin pa sa sino man sa kanila. Nakita nga nilang lahat iyon. Maybe I was too drown by Sairi’s kisses that time that I forgot that LEs might’ve seen us. They might’ve stopped playing just to watch us. Thinking of it, I badly wanted to hide my face now because of embarrassment. But all I could do was to look down and pretend that I didn’t hear them as my ears and face were heating ang my heart was throbbing.

Niji Academy [Completed]Where stories live. Discover now