CHAPTER 44

3.1K 124 22
                                    

Nang makababa sa bundok ay agad din kaming nag-empake upang bumalik na. Kaunting gamit lang naman ang dinala ko kaya madali akong natapos. Nang lumabas sa guestroom ay naghihintay na sa akin si Sairi sa gilid ng pintuan hawak ang kaniyang itim na bag habang nakasandal. Tumuwid ang kaniyang pagkakatayo nang makita ako, matamang hinagod ako ng tingin, saka kinuha ang bag ko.

“Let’s go,” saad niya.

Tumango ako’t sumunod sa kaniya sa labas. Only Sairi and I were still here so I sat on the bench to wait for them yet my vision got blurry as I saw something in my mind that’s currently happening now in Samara. Naipikit ko ang mga mata at nasapo ang noo habang lumilinaw iyon sa isipan ko. Dark magic users were attacking right now!

Nang magmulat ay mataman na ang titig sa akin ni Sairi, bakas sa mukha ang pag-aalala. “Are you okay?” Umupo na rin siya sa bench, at hinawakan ang pisngi ko.

Tumango ako at tipid na ngumiti. “I’m fine. Napagod lang siguro ako.”

Hinaplos niyang muli ang pisngi ko at huminga nang malalim. “You should rest in your dorm when we get back.”

“Hmm... Alright,” tipid kong sagot.

I’m not really sure if I’ll rest once we get back. I need to go outside the Academy.

Lumabas na ang LEs dahilan para mabaling sa kanila ang tingin namin. Seryoso ang mga mukha nila at napapatingin sa isa’t isa.

“Do you receive a message from HM Jade through mind link?” tanong ni Raiton sa amin.

Nagtanguan sila maliban sa akin, kay Sairi, at Hikari.

“I haven’t,” ani Hikari.

“Wala rin ako,” saad ko.

HM Jade did not communicate with me through her mind. Kung tama ang hinala ko, iyong nakita kong senaryo kani-kanina lang ay ang dahilan kung bakit sila kinausap ni HM Jade.

Napapabuntong hiningang pinaglalaruan ni Kaze ang hanging nagmumula sa kaniyang kamay. “We’re going back to Samara again.”

“What about you, Sairi? Hindi ka ba nakatanggap ng mensahe kay HM Jade?” tanong ni Mizu dahilan para mabaling ang tingin namin kay Sairi.

Umiling lang ito.

“I guess, tayong lima lang ang pupunta roon. This is just a quick mission,” ani Michi.

“Let’s go then!” determinadong saad ni Angie. “Let’s just meet in front of the Academy’s gate.”

Nawala agad si Angie sa paningin namin at siguro’y nasa harap na siya ng gate ngayon—naghihintay pa sa ibang LEs. Naiwan ang mga bag niya rito at ganoon na rin ang ginawa ng iba nang isa-isa silang mawala sa paningin namin hanggang sa kaming tatlo na lang ang natira.

Hikari gazed at us with a serious face. “Head Mistress Jade will send us there too once they need back up. Sa ngayon, magpahinga na muna siguro tayo sa mga dorm natin. I’ll bring the girls’ bags with me.”

“Do you need help?”

Umiling siya’t ngumiti. “I’ll just teleport their bags to their dorms.”

“Okay,” tumatangong saad ko.

Nang makapag-teleport na si Hikari, liningon ko si Sairi at minuwestra ang mga bag na naiwan nila Raiton. “You need to bring these in their dorms.”

Nagbuntong-hininga siya. “Fine. I’ll just get back here.” He held my hand and drew me close to him. “Just wait for me here, okay?”

Niji Academy [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora