CHAPTER 49

2.1K 79 14
                                    

Dalawang linggo rin natapos ang misyon nila Sairi. Nakabalik na sila Raiton, Kaze, at Mizu, ngunit hindi si Sairi. Hindi bumalik si Sairi.

Isang buwan na siyang wala rito sa Academy at wala man lang kaming balita sa kaniya. Ang sabi ni Raiton sa akin, naghahanda na silang umuwi no’n nang may mga nijius na nakaunipormeng pangkawal ang humarang sa kanila. They even thought they were foes but Sairi knew them. Si Sairi din ang pakay nila. They wanted to talk to him in private, so they gave him time to talk. Nang balikan nila sila Sairi, wala na sila roon. They just disappeared.

They reported it to Prof. Bryce and found out that Prof. Bryce knew about it before them. He knew those who got Sairi. He just said that Sairi was in good hands and we didn’t need to worry. He just needed to do something and he’ll return when he’s done doing it. He didn’t even tell us where did Sairi go or where did they take Sairi. He kept his mouth shut and told us to just wait till he return.

Nalaman din namin na ganoon din ang nangyari kay Shin sa kaparehas na araw na kinuha si Sairi ng mga nijius na ’yon. He was at their classroom at that time when nijius dressed like knights took him too. That was what Josh and Eujin said. Untill now, he still hadn’t return.

Ang malinaw sa akin ngayon, kilala ng mga professor at ni HM Jade ang mga nijius na ’yon at inaaasahan na nilang darating ang mga ’yon upang kunin sina Sairi at Shin. Pero bakit? Sino ang mga ’yon? Bakit hindi namin puwedeng malaman kung nasaan sila ngayon?

Ngayon ko lang napagtantong hindi ko pa pala talaga siya lubusang kilala. Ni hindi ko kilala kung sino ang mga magulang niya at kung taga saan siya. I only knew basic things about him. Samantalang halos alam na niya ang lahat sa akin. Nakilala na niya ang mga tumayong magulang ko at ang best friend kong si Keira. Alam na rin niyang ako at ’yong misteryosong babaeng tinatawag nilang “rainbow” ay iisa. While he still remained mysterious to me and to his friends.

A month without Sairi was really different: walang nagagalit sa LEs kapag sobrang ingay na nila, walang laging mainitin ang ulo, walang mas malamig pa sa yelo, at walang laging nang-aasar sa akin.

Masyado na yata akong nasanay sa presensiya niya kaya ako nagkagaganito ngayon. Even the LEs were not as loud and chaotic as before. Naging mature yata sila at seryoso sa buhay. Iniisip din siguro nila kung ano na ba’ng nangyayari kay Sairi ngayon. Kahit sinabi na ni HM Jade at Prof. Bryce na ’wag kaming mag-alala, hindi pa rin namin maiwasan.

“Ang lalim ng iniisip mo. Natalo ka tuloy.”

Liningon ko si Mizu at napabuntong hininga nang ibaba ko ang hawak na cell phone. Kanina lang ay nasa gilid ko lang siya habang naglalaro kami ng online game pero nasa harapan ko na siya ngayon—nakangisi pa, halatang tuwang-tuwa sa pagkapanalo.

“You’re thinking of him, do you?” Sumeryoso ang kaniyang mukha tanungin iyon.

Nag-iwas ako ng tingin at sinandal ang sarili sa sofa na nasa likuran ko. Sa sahig lang kasi kami nakaupo dahil natutulog si Kaze doon.

“You’re missing him that much,” he concluded.

“Ikaw rin naman, ah,” saad ko at muling hinawakan ang cell phone. “Isang game pa, tatalunin na talaga kita.”

Natawa siya. “Ayaw ko na. Mas gusto kong matulog ngayon.” Tumayo siya at naglakad papuntang kuwarto niya. Bago siya tuluyang makapasok ay liningon niya pa ako at mataman akong tinitigan. “He’ll come back soon, Firoah. He will... for you.” Ngumisi pa siya, tila may kalokohang naiisip. “Siya naman i-ghost mo kapag nakabalik na siya para it’s a tie!”

Natawa ako at ibinato sa kaniya ang cover ng cell phone niyang tinanggal niya kanina dahil sagabal daw sa paglalaro. “Ewan ko sa ’yo!”

Niji Academy [Completed]Where stories live. Discover now