CHAPTER 14

7.1K 331 49
                                    

Napabalikwas ako sa gulat nang tumunog ang alarm clock na nasa study table. Ngayon ko lang napansin na mayroon pala niyon doon. Ginto ang kulay niyon sa panlabas at puti naman sa loob. Ang mga kamay nito’y kulay ginto rin. Kinuha ko ito at pinatahimik. Alas singko pa lang pero heto nga’t gising na ako. Apat na oras pa nga lang ang tulog ko’t inaantok pa ako. Ang aga naman yata nila magising dito.

Humikab ako’t matutulog na sana ako ulit nang kusang mag-play ang flatscreen TV at bumungad ang mukha ni HM Jade. Ngayon ko lang napansin na mayroong TV pala sa harap ng kama ko. Akala ko’y sa living room lang meron niyon. Dito rin pala. ‘Di ko na siguro napansin kagabi dahil sa sobrang antok.

“New students!” masigla at nakangiting panimupa ni HM Jade. “Pasensiya na kung binulabog ko kayo sa pagtulog. I just want to say that you should be preparing yourself now. Take a bath and wear the uniforms we gave you ‘cause today will be your first day of school. May magto-tour din sa inyo ngayon upang maging pamilyar kayo sa Academy, kaya minabuti naming gisingin kayo nang maaga. Nawa’y nasa harap na kayo ng building bago pa o eksaktong 6AM. May darating diyan na magto-tour sa inyo.”

Kusa nang namatay ang TV pagkatapos ng kaniyang sinabi.

Nakangusong umupo ako sa kama at bumulong sa sarili. “Ang aga pa kaya!” Ginulo-gulo ko ang buhok ko saka nagdesisyong maligo na nga lang.

Pagkatapos maligo, magbihis at mag-ayos nang kaunti sa sarili ko, tinignan ko ang oras ng alarm clock, and it's already 05:50 AM. Kinuha ko ang wrist watch ko na nilagay sa study table kanina pati na ang kuwintas saka sinuot ito. Lumabas na ako sa dorm ko at ini-lock ito saka naglakad patungong elevator.

My eyes furrowed when I got out of the dormitory. I am the only nijius here—couldn’t find the others.

I glanced at my wristwatch and frowned when I read the time. It took me 15 minutes to get here. It was already 06:05 AM. I was only late for five minutes. Hindi man lang nila in-extend. Hindi man lang sila naghintay saglit.

I sighed as I roamed my eyes.

Okay lang ‘yan, Firoah. Malalaman mo pa rin naman ang pasikot-sikot dito sa Academy. I’ll just tour mysel—

“Siya ‘yon! Iyong babae sa battle exam na ang galing gumamit ng weapons.”

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang boses na iyon sa ‘di kalayuan. It was behind me so I turned around and saw Angie—one of the LE members. Kalalabas lang din niya sa girls dormitory kasama sina Michi at Hikari. They were looking at me so I guess, I was the one she’s talking about.
Napangiti si Michi na parang may naaalala. “Siya nga ‘yon!”

I smiled awkwardly and focused my eyes on the wide bridge infront of us that’s connecting the dorm to the main building when they approached me.

“Hi!” masiglang ani Michi. Nabaling na sa kanila ang paningin ko. “I'm Michi...” pagpapakilala niya sa sarili. “and they are my friends, Angie and Hikari.” Tinuro niya si Angie at Hikari na sabay kumaway sa akin at ngumiti. Ngumiti na rin ako pabalik. “What is your name again? ‘Di ko kasi natandaan. Masyadong mahaba yata ‘yon,” she asked politely.

Naroon pala kayo kahapon.” Naiilang akong ngumiti uli. “I’m Firoah Myhr Gel Ckleow. You can call me Firoah.”

“Ah, yeah, nanood kami. Actually, pito kaming nakapanood sa battle exam kasi ‘yong ibang students pinagbawalan na. We’re just privileged since we were tasked to interview,” ani Angie. “Ang ganda ng name mo, kasing ganda mo,” dagdag niya pa.

“Hindi naman,” sagot ko’t ginantihan siya ng ngiti.

Dyosa kasi ako.

“Teka... hindi ba ito-tour kayong mga new student sa oras na ito? Bat ‘di ka sumama?” nagtatakang tanong sa ‘kin ni Hikari.

Niji Academy [Completed]Where stories live. Discover now